A beautiful you episode 5

1069 Words
Title: A beautiful you Chapter 5 KANINA pa sila na tapos sa kanilang trabaho, nag aayos ng gamit ang kanyang mga masamahan hindi parin siya kumilos sa kanyang kina-uupuan. Hindi maalis sa kanyang ksipan ang sinasabi ng kaibigan si Maggie. Tinignan niya ang binatang si Christian na no'y naka yuko sa laptop nito. " Aryana sasabay kaba sa amin?" pukaw sa kanyang pananahimik ni Marnila habang sinusuklay nito ang buhok. Nag hahanda na ito para umalis pasado alas singko na ng hapon. Tinignan niya ang kasamahan " Mauna nalang kayo may tatapusin pa akong trabaho." Pag dahilan niya. " Sige, hindi kana lang namin hihintayin" ani Marnila Tumango-tango lang siya rito habang ang kanyang mga mata nakatingin kay Christian. Tama sigurong lapitan niya ang binata para ma solutionan na ang kanyang problema. Ito lang ang tanging paraan para malaman niya kung ano ba ang mali sa kanya. " Paano mauna nalang kami sa iyo Aryana?" Paalam sa kanya nina Sandra at Marnila. " sige, see you tomorrow" tugon niya sa dalawa " Bye sir Christian!" halos magka sabay na sambit ng dalawa saka nagtuloy sa paglakad pabas ng pintuan. Kinumpas ni Christian ang kamay nito bilang pag tugon sa dalawa na no'y nakatalikod na. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago tumayo. Kinakabahan siyang naglakad papunta sa misa ni Christian. " kakapalan kuna lang ang aking mukha" aniya sa sarili Tumayo siya sa harapan ng misa nito ng tuluyan siyang makalapit. Hindi ito nag angat ng tingin. Alam niyang alam nitong nasa harapan siya siguro inantay lang nitong iabot niya ang mga papeles na kailangan nitong pirmahan. Na lagi niyang ginagawa Tumikhim muna siya bago nagsalita " Pwedi ba kitang maka usap?" Nag angat ito ng tingin." Tungkol ba iyan sa pambubuyo ni mama?" tanong nito nakatingin sa kanya. " Nope! Its about me." aniya umupo sa silya nasa harapan ng misa nito. " Gusto mo ba taasan ang sahud mo?" seryuso ang mukha nito Gustong gusto niya pero sa ngayon hindi iyon ang inilapit niya dito. " Its personal." nahihiya niyang sabi tiniklop nito ang laptop at matamang nakatingin sa kanya " Okay, makikinig ako." " May nakita kabang mali sa akin?" seryuso ang kanyang mukha nakipag titigan sa binata nagulat sa kanyang tanong. " What?!" Naguguluhan ito sa tanong niya. " Come again?" anito ng hindi mag absorb sa isipan nito ang kanyang sinabi. " May nakikita ka bang problema sa akin? Hindi ko kasi ma intindihan kung bakit walang nag kakagusto sa akin na mga lalaki." nakayuko niyang tanong. " You mean wala kang manliligaw since birth?" hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya. Napa kagat labi siyang tumango-tango " May tumitingin naman sa akin pero hanggang tingin lang. Ni hindi nila ako tinangkang kausapin. Kaya gusto ko sana malaman kung may mali ba sa akin." " Wait. You mean never been kiss never been touch kapa?" panigurado nito sa kanya. Tinanguan niya ito bilang pag tugon sa tanong nito. " Bakit ako ang nilapitan mo?" maang nitong tanong sa kanya. " Kasi lalaki ka, ikaw ang nakaka alam kung ano ang gusto ng mga lalaki sa isang babae. Besides ikaw na din ang nag sabi na mag aasawa na ako para tigilan kana ng mama mo. Hindi ako maka pag asawa unless malaman ko kung ano ang mali sa akin." sabi niyang hindi inalis ang tingin sa binata. Tinignan siya nito ng maigi na parang sinusuri nito buong kaluluwa niya. Bigla siyang na iilang sa tingin nito sa kanya. " Wala namang mali sayo."sabi lamang nito " Oh please, wag mo sabihin sa akin iyan. Dahil alam kung may mali. Gusto kong malaman para mabago ko iyon." Nilunok na niya ang kanyang hiya kailangan malaman niya kung ano ang mali sa kanya. bumuntong hininga pa ito bago nagsalita " Well, gusto namin sa isang babae yong exciting tignan, seductive and hottest looking." Bigla siyang natigilan sa sinasabi nito " Wait.Hindi ako interesting tignan?" Konut noo niyang tanong. Saglit itong tumahimik nagiisip kung paano sasabihin nito ang gusto sabihin sa kanya na hindi siya ma o-open. " You are just plain looking. Cool as ice." Walang kiming sabi nito sa kanya. Kumikirot ang kanyang puso sa narinig. Pero ito ang gusto niyang marinig kaya kahit masakit, sa kalooban kailangan tanggapin. Ito palang pagiging plain looking ang dahilan kung bakit walang nangahas na lumapit sa kanya. " Kaya ba hindi mo ako niyayang lumabas? Dahil plain looking ako?" Hindi niya mapigil itanong dito. Rumehistro sa mukha nito ang pagkagulat sa tanong niya. Gusto man niya iyong bawiin pero huli na. " Why should I ask you? Wait. Don't tell me nadala kana sa buyo ng mama ko? clear naman sa iyo ang sinabi ko noon. Na hindi mangyayari ang gusto ni mama." Pag didiinan nito. Nakaramdam siya ng pagkahiya sa sagot nito. " Hindi ah! Ni minsan hindi naman pumasok sa isip ko na maging nobya mo. Tatanda nalang akong dalaga kaysa naman maging syuta mo." Pag dadahilan niya para mapagtapan ang kanyang hiya. " Wag naman sana akong tatandang dalaga." Sigaw mula sa kaibutoran ng kanyang puso. Mataman naman itong nakatingin sa kanya, tila inobserbahan siya nito kung totoo ba ang kanyang sinasabi. " Well mabuti naman kung ganon" tugon nito sa kanya. " So iyon ba ang problema sa akin? pagiging plain ko?" ulit niyang tanong. " Yeah, siguro kailangan mo din ngumiti" dagdag nito. " Pala ngiti naman ako, kulang paba iyon? anong klaseng ngiti paba?" naka kunot niyang tanong rito. " Siguro dalasan mo" tugon nito saka muling binuksan ang laptop. " May itatanong kapa ba?" anito ngumiti siyang umiling iling" wala na iyon lang gusto kong malaman" pagka sabi iyon nagpaalam na siya sa binata. PALIHIM na tinitigan ni Christian si Aryana habang nag aayos ito ng gamit. Naghahanda umuwi. " Actually hindi naman pangit si Aryana, plain lang talaga ito. Lagi naman ito naka sout ng office uniform. Lagi nakalugay ang haggang baywang nitong maitim na buhok" aniya sa sarili.Tumingin ito sa kanya at nahuli siya nitong nakatingin. " Ako na ang magsasara" sabi na lamang niya ng nasa pintuan na ito. Hindi siya makapaniwala na sa edad nito hindi pa ito nagkaroon ng nobyo. " Malayo naman talaga si Aryana sa mga babaeng gusto ko. Yong blonde sexy at yong very seductive looking" bulong niya sa sarili. Saka kumilos narin siya inayos ang mga gamit para makalabas na ng opisina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD