A beautiful you episode 4

796 Words
Title; A beautiful you Chapter 4 " MAY problema ba saiyo? Wala naman akong nakikitang problema mo." Wika ni Maggie ng kausapin niya ito. Alam niyang may mali sa kanya ayaw lang sabihin nito." Maggie naman alam kung alam mong may mali sa akin ayaw mo lang sabihin dahil natatakot ka na masasaktan ako." seryuso niyang sabi. " Wala naman talagang mali saiyo. Sa isip mo lang iyan na may mali kahit alam mo naman wala."Giit ng kaibigan. " Bakit walang nagkaka gusto sa akin kung walang mali?" kunot-noo niyang tanong rito. " Abay, Malay ko. Lalaki ba ako para malaman ko kung bakit dika nila gusto? Saka sa di muna dapat yan pinoproblema."tugon nitong pinag cross ang mga kamay sa dibdib nito. " 29 na ako Maggie ayaw kong tatandang dalaga gusto ko din makakita ng supling ko noh!" naka-ismid niyang sabi " Hindi ka naman tatandang dalaga hindi palang siguro dumating ang para saiyo." anitong umupo sa tabi niya. " Ang pinag tataka ko kasi, kahit noon pa walang nagka intresadong lumapit sa akin kaya ramdam ko na may mali talaga. Pangit ba ako Maggie?" seryuso niyang tanong rito. Napahalak-hak si Maggie sa sinabi niya" lukaret ka talaga. Syempre hindi ka pangit noh, ganda mo kaya" nakangiti nitong sabi sa kanya. " Sus! sinasabi mo lang iyan dahil kaibigan mo ako" kuntra niya sa sinabi nito. Napalingon siya sa building kung saan madami ang mang gagawa nakatambay sa tabi ng daan. " Dumaan ka nga sa harap ng mga iyon." Utos niya kay Maggie sabay turo sa building na kinu-constract." Tumayo si Maggie at naglakad pa punta sa mga workers. Dumaan ito sa harapan ng mga constraction worker." Narinig niya ang nag-sisipulan. " Hi! pwedi makahingi ng number?" narinig niyang sabi ng lalaki at tumayo ng makita si Maggie dumaan. Pagka balik ni Maggi sa kanilang inuupoan. Agad siyang tumayo saka dumaan sa harapan ng mga lalaki. Busy ang mga ito sa pakikipag usap sa isat isa. "Pangit na ba talaga ako? Para deadmahin ng mga hinayupak na iyon." Maktol niya ng maka lapit sa kaibigan. Hindi nito mapigil ang matawa sa kanyang hitsura. " Ang laki talaga ng problema mo" tukso nito sa kanya. Napakamot siya ng ulo" Maggie tulongan mo naman ako, sabihin mo kung ano ba ang dapat kung gawin para may magka gusto sa akin." Pangungulit niya. " Alam kung may mali sa akin eh, ayaw mo lang maki-cooperate. Gusto mo ata ako tatandang dalaga" sinimangutan niya ang kaibigan. " Para kang sira ulo. natatawa nitong sabi " Alam mo ba sino ang makakatulong sa iyo? si Christian." sabi nitong sumeryuso ang mukha. Pinandilatan niya ito ng mata." Paano maka tulong iyon? ni hindi nga ako type non." " Bakit type muna ba siya?" mataman itong nakatingin sa kanya. " Hindi ah!" Mabilis niyang tanggi. umismid ito " Baka tulak ng bibig kabig ng dibdib iyan" natatawang tukso nito sa kanya. Bigla siyang nag blush sa sinabi ng kaibigan. " Uy.. namumula siya." nakangiti nitong sabi saka kinikiliti ang tagiliran niya. " Ano ba Maggie tigilan muna nga ako."aniya sa naiinis na boses. " Kunwari na iinis pero deep inside gusto naman" " Naku, Maggie ha, nang gigil ako sayo" nakairap niyang sabi. "Hindi ko naman gusto yong mokong nayon." pagdiinan niya " Pag magustuhan kaba niya, gugustohin mo rin siya?" " Alam mo, para karin ina ni Christian. Ang kulit kulit." nakasimangot niyang sabi. " Gusto mo din naman eh!" " Hey, tumigil kana nga diyan." Saway niya dito. Sumeryuso ang mukha ng kaibigan" Seryuso friend, isa lang talaga makapag sabi sa iyo kung ano ang problema mo. Tanging lalaki lang ang makapag sabi sa iyo kung ano ba ang gusto nila sa isang babae." napa buntong hininga siya " Saan naman ako hahanap ng lalaki? eh wala naman akong close." sumeryuso na rin ang kanyang mukha. " Tanungin mo si Christian. Lalaki naman iyon. Lalo pa madami yong babae, kaya alam niya ano ang dapat gawin ng mga babae para magustuhan ng isang lalaki." tugon nito. " Nahihiya ako baka isipin niyon may gusto ako sa kanya." " Wala nga ba talaga?" nakangiti nitong tanong. " Wala ah!" Ni kahit sa panaginip niya hindi sumagi sa isip niya na magiging asawa siya ng binata si Christian. " Linawin mo sa kanya na wala kang ibang intention tanging gusto mo lang malaman kung bakit boung buhay mo walang lalaki nagkaka interest sa iyo." ani Maggie sa seryuso boses. Napa isip siya sa sinabi ng kaibigan. Wala naman siguro mawawala sa kanya. Kung susubukan niya iyon. Hindi naman siguro mamasamain ni Christian, kung magtatanong siya rito. Madami itong babae, expert ito baka nga siguro ito ang makatulong sa kanya problema. Kung bakit ba napaka ilap ng lalaki sa kanya. .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD