Kahit mabagal na ang paglalakad ni Amara, mabilis pa rin ang pintig ng kanyang puso. Palingon lingon siya at baka nakasunod pa si Jexel sa kanya. Nabigla pa siya nang may maka bangga pa siya. "Amara?! Anong ginagawa mo dito? Di ba tulog ka sa taas?" Si Kyla iyon, habang tangan ang kanyang cellphone. "H-hinahanap kita, paano wala ka nang magising ako. Saan ka ba nang galing?" Nauutal pang sabi niya dito. "Naglalakad lakad ako, paano ang hirap maghanap ng signal dito. E ikaw? Bakit para kang naka kita ng multo diyan?" Lumingon pa ito sa may likuran niya kung saan siya nang galing, pagkatapos ay bumaling sa kanya. Nag-iwas siya ng tingin. "N-nagugutom ako," sabi niya para hindi na ito mag usisa pa. "Ako nga din eh, tara hanapin natin si Sir Jexel. Sabihin natin nagugutom na tayo." Tsa

