Kinabukasan, nagulat pa sila nang kinatok sila ni Senôra Lourdes. Lumabas silang tatlo nina Sally, nakangiti ang ginang sa kanila. "Good morning girls," bati nito. "Magandang umaga din po," sagot nila. "May gusto lang sana akong sabihin." Tapos tumingin sa kanya at kay Sally. "Amara at Sally, hindi muna kayo papasok ng tatlong araw magsimula sa araw na ito, " nakangiti nitong sabi. Natigilan at nagtinginan silang tatlo. Hinalo ng kaba ang puso niya. Iniisip kung may nagawa ba silang mali? Dahil ba ito sa mga bulaklak? "Tita, kung tungkol po ito sa----" "Amara, ipinagpaalam ka ni Jexel sa akin at si Kyla." "Po?!" Magkapanabay nilang sabi. Ngumiti ang ginang. "Isasama yata kayo sa Isla Vista, kasal ng kapatid ni Evan." "Pero paano po ang trabaho namin Ma'am?" Usisa ni Kyla. "Huw

