CHAPTER FIVE

2304 Words
Kinabukasan, doon naramdaman ni Amara ang sakit ng kanyang katawan. Partikular sa binti dahil sa maghapong nakatayo. Pwede naman silang umupo kapag walang gaanong customer, kaso nahihiya siya. Nakita niya kasi si Sally na hindi pa- upo upo, ang sipag nga nitong mag serve. Pero kailangan niyang piliting makatayo at maligo dahil ayaw niyang ma-late siya. -------------------------------- -------------------------------- "Sir, nandito po ang mama niyo." Ang dinig na sabi ni Jexel ng kanyang sekretarya. Si Iveth. Napabuntong-hininga ang binata, narito nanaman ang mama niya para kulitin siya sa bagay na ayaw niya. "Let her in," sabi niya sa may intercom. Malawak ang ngiti ng kanyang ina, nang mabungaran siya sa loob ng opisina. "Hello, son." Lumapit ito sa kanya at hinalikan siya. "Hi mom, ke aga aga nandito kayo?" Sabay ngisi sa ina, na ngayon ay komportable ng nakaupo sa sofa na nasa loob ng opisina niya. "Aba eh, bawal ka bang pasyalan? Ayaw ba akong makita ng panganay ko?" Nag puppy eyes pa ang mama niya na ikina-ikot ng kanyang mga mata. "Ma, magkasama lang tayo kagabi sa bahay. Alam ko naman anong ipinunta mo dito eh," ismid niya sa ina na tinawanan lang siya. "Si Jelly na lang ang pilitin niyong mag asawa, o kaya si Claudeth. Pwede din naman si Marcus," turan niya sa ina habang busy siyang binabasa ang mga nakasulat sa mga papeles na hawak niya. "Jelly is just 24, claudeth is 20 I think and marcus my God son! 17 pa lang iyon! Ikaw ang panganay kaya ikaw ang unang dapat mag asawa, 27 ka na por dios, por santos!" Eksaheradong turan ng kanyang ina. "Mama--" "Ayaw mo bang bigyan ng apo ang mama? Matanda na ako, kami ng papa mo. Kung sanang nag asawa ka na at may anak, hindi na sana kita kinukulit ngayon sa oras ng trabaho mo." Sabay ismid ng kanyang ina. Napahilot siya sa sentido. Laging ganito ang tagpo sa pagitan nila ng ina. Sa totoo lang, kaya ayaw niya minsan umuwi sa bahay dahil sa kakulitan nito. Pinipilit siyang mag asawa, ni hindi niya naiisip iyon, he loves his freedom at hindi pa siya handang mag asawa at lalo na ang magka anak. Hindi niya maintindihan ang mama niya kung bakit minamadali siya nito, He was just 27 for God's sake! "Ma, please. Will you stop forcing me to go and find a wife and let her bear my child? Wala pa sa isip ko iyon, I am enjoying my life and not ready for some responsibilities," paliwanag niya sa ina na nakasimangot na. Nasapo niya ang noo at napailing, ewan ba niya sa mama niya bakit sabik itong magka apo. Bakit kaya hindi ang mga kapatid niya ang hingan nito ng apo? "Ganoon na ba ako katanda ma? Para pilitin mong mag asawa?" Maya-maya ay tanong niya sa kanyang ina. Humalukipkip ito at tinignan siya. "Hindi. Pero gusto ko ng apo!" Sabi nito. "Mama!" Asik niya sa mama niya na akala mo ay candy lang ang hinihingi mula sa kanya. "Huwag mo akong masigaw-sigawan diyan Jexel!" Sigaw ng ina. "Mama, hindi kita sinisigawan. Napaka OA mo, oh ganito na lang. Buntisin ko na lang 'yung babaeng nakilala ko kagabi. May apo ka na nun, you want me to do that?" Hamon niya sa ina. Mabilis itong tumayo at naglakad palapit sa kanya at binatukan siya. "Iyon ang huwag mong gagawin! Itatakwil kita, gusto ko sa malinis at mabuting babae at hindi ng kung sinu-sino lang na babae Jexel," anito na hindi na lang pinansin ang ina. "Sige, uuwi na ako," sabi ng ina niya na bumalik sa sofa para kunin ang bag. Thank you, Lord! "Basta Jexel, hindi talaga kita titigilan hangat hindi mo ako binibigyan ng apo," anito bago nilisan ang kayang opisina. Napailing-iling siya pag alis ng kanyang ina. Ibinaling na niya ang atensyon sa mga binabasa niya kanina. Siya ang CEO ng MONDRAGON AIRLINE na sikat at kilala, magdadalawang taon pa lang siyang CEO dahil bago siya ang kanyang ama ang namamahal ng kanilang kumpanya. Isa din siyang Interior Architect at pwede ding Lanscape architect, pero hindi niya masyadong nagagamit ang kanyang tinapos dahil nga mas focus siya sa kanilang kumpanya. Minsan, kapag may nag request ng serbisyo niya, lalo na mga malalapit niyang kaibigan pinagbibigyan niya. Siya din ang architect sa mga mansion na ipinapagawa ng kanyang ama. Syempre hindi iyon libre, sinisingil niya ang ama. Tumunog ang kanyang cellphone, kaya agad niya iyong sinagot. "Yow, fucker! Want some coffee?" Boses ni Ezrael. "I'm not a coffee lover, so it's a no for me." Walang ganang sabi niya sa kausap. Totoong hindi siya coffee lover, hindi kagaya ng kanyang mga kaibigan na ginagawang tubig ang kape. "Umm, how about having that beautiful postulant as your coffee server huh?" Biglang sabi ni Ezrael sa kanya. Napangisi siya, naglaro nanaman sa balintataw niya ang magandang nobisyadang nakita niya sa mansion ng mga ito. "That woman? Having her as my coffee server? Well, that's more like it. See you later, moron!" Tsaka na niya ibinaba ang cellphone. Hindi naman masamang magnasa sa nobisyada diba? Babae pa naman iyon at lalaki siya. Nag concentrate na siya sa mga dapat gawin, at mamaya ay pupunta na siya sa mga Ferrer. Hindi niya maintindihan nang makaramdam siya ng kakaibang excitement sa isipang muli niya masisilayan ang nobisyadang iyon. -------------------------------- -------------------------------- Tinignan ni Amara ang oras, mag aalas singko na ng hapon, konti na lang at lalabas na sila. "Two mocha and one americano." Mabilis siyang lumapit sa may counter at kinuha ang katatapos na order at sinerve iyon sa mga magkakaibigang kanilang customer. "Please, enjoy your coffee." Nakangiti siya ng sabihin ang mga iyon. Tsaka na siya naglakad pabalik sa ibang table at nilinis ang mga kalat doon. Iilan na lang ang mga customer nila ng mga oras na iyon. Kanina ang madami, Sabay sabay silang napalingon sa pintuan ng bumukas iyon at iniluwa ang grupo ng mga kalalakihang nakita niya noon sa mga Ferrer. Kahit ang mga ibang customer nila ay napatingin sa mga bagong dating nang maglakad ang mga ito at piliin ang table sa may bandang kaliwa. Sino ba naman ang hindi mapapatingin sa apat, eh napakalakas ng mga dating, idagdag pa ang hitsurang mayaman ng mga ito. Nakita niyang lalapitan na sana ito ni Sally para sa order. "Amara." Tawag sa kanya nung Ezrael. Napatingin siya kay Sally at sinenyasan siya nitong lumapit na. Kinakabahan siyang lumapit sa mga ito, hindi talaga siya sanay kapag lalaki ang mga kausap niya. Baka mautal-utal pa nga siya. "Yes sir?" Sabi niya nang makalapit. "3 Espresso please," sabi ni Ezrael pagkaraan ay tumingin sa lalaking, kumindat noon sa kanya. Nakatitig ang lalaking iyon sa kanya at may pilyong ngiti na naglalaro sa mga labi. Napalunok siya ng sunod-sunod at nag iwas ng tingin dito. "How about you, Jex?" Tanong ni Ezrael. "Iced coffee, medyo naiinitan ako." Sabay kunwari ay punas sa noo na wala namang pawis. "One Iced coffee." Muli ay baling ni Ezrael sa kanya. "Iyon lamang po ba?" Magalang at nahihiya niyang tanong sa mga ito. "Yes," sagot ng isang singkit na lalaki. Bahagya siyang yumuko at aalis na sana nang may nagsalita. "Wait Mimosa." Napatingin siya sa baritonong tinig na iyon. Ang tinawag na Jexel ang nagsalita. "Mimosa?" Ulit niya. Ang pagkakaalam niya walang mimosa sa menu. "Your name, Mimosa." Muli ay sagot nito. Naguguluhan siya. "He's giving you name, Amara. I mean, a nick name. Don't mind him," salo ni Ezrael. Tumango siya at iniwan na ang mga ito. Ayaw niyang isipin, pero parang may sapak sa utak iyong Jexel na iyon. Patawad po Diyos ko. Ayoko pong nag iisip ng kung anu-ano sa kapwa ko. Wala sa loob na napa sign of the cross ang dalaga. Sinabi niya sa mga barista ang gusto ng mga ito, "Ang haba ng hair girl," biro sa kanya ni Kyla. Nahihiya siyang pilit na ngumiti. "B-bakit? " Tanong niya. "Parang type ka ni Sir Jexel, OMG! Ang luck lucky mo kung sakali," bulong ni Kyla sa kanya at tila kinikilig pa. "Ha? Naku hindi ha, ganoon lang talaga iyon siguro."- Amara "Mag ingat ka lang diyan kung sakali ha? Matinik iyan sa mga babae Amara. Naku! Kung magpalit yan ng babae akala mo nagpalit lang ng damit, " biglang singit ni Mamita. Naguguluhan siya sa mga sinasabi ng mga ito. "Wag ka ngang nega, mamita. Isipin mo, kung si Sir Jexel ay liligawan si Amara at magiging sila, Jusko dzai! Tiba tiba ka, may ari yan ng sikat at pinakamalaking Airline dito sa pilipinas. Tsaka tignan mo nga ang mga muscle niya, OMG-- Aray! " Napatigil si Kyla nang tampalin si ni Mamita Agnes. "Gumana nanaman pagka Gold digger mo, hala ey,. Pumwesto ka na ng maayos at baka makita tayo ni Sir Ezrael, sesante ka diyan. " -Mamita. Natawa siya nang sumimangot si Kyla. "KJ ka Mamita! Nangangarap ako para kay Amara," anito na lalong niyang pasimpleng ikinatawa. Wala sa loob na napatingin siya sa direksyon nina Jexel. Nanlaki ang mata niya nang makita niya itong nakatingin sa kanya at biglang kinindatan. Juskong mahabagin! Ano ba itong lalaking ito? Para yatang magkakasala ako sa mga pinag gagawa niya. Nag iwas siya ng tingin at nilapitan si Sally na tahimik lamang sa pag aayos ng ibang kagamitan doon. Tumulong na din siya. Nang matapos ang order ng mga ito, siya pa din ang pinag serve nina Kyla  nanginginig ang kamay niya at tila pinapalipit ang mga paa niya dahil nakita niyang pinapanood ni Jexel ang bawat hakbang niya. "Excuse me," sabi niya nang makalapit at ilapag isa isa. Umikot siya at lumapit sa may tabi ni Jexel para ibigay ang Iced cofee nito. Pero hindi niya alam, dahil ata sa sobrang kaba at taranta sabayan pa ng pag nginig ng kanyang kamay ay naitomba niya ang baso at nabasa ang kandungan ni Jexel. "Hala! Sorry po, sorry po." Taranta siyang kumuha ng tissue at pinunasan ang kandungan ni Jexel na natigilan pa nang dumampi ang mga kamay niya sa kandungan nito. "Pasensya na po Sir," sobrang paghingi niya ng sorry. Tatawa tawa lang ang mga kasama nito. "Naku, Amara! " Bulalas ni Sally na nakalapit na din pala. Gusto niyang lumubog sa kahihiyan ng mga oras na iyon dahil pati ang mga ibang customer ay nakatingin na din sa kanila. Bigla siyang natigilan nang maramdamang hinawakan ni Jexel ang kanyang isang kamay at may ibinulong. "You owe me one, Mimosa." Bigla niyang nahila ang kanyang kamay dahil sa kakaibang kuryenteng tila nanalaytay sa kanya. Lumayo siya ng kaunti dito at yumuko ng paulit ulit. "Hindi ko po sinasadya," alam niyang namumula ang mukha niya ng mga oras na iyon. ------------------------------- ------------------------------- Gustong bumunghalit ng tawa si Jexel sa hitsura ni Amara ngayon. Wala namang kaso sa kanya ang nangyari eh. Ang cute nitong mahiya, parang kamatis ang mukha dahil sa sobrang pula. Nahigit niya ang paghinga kanina nang dumampi ang mga kamay nito sa kandungan niya, hindi niya maintindihan ang sarili bakit ang lakas niyang maapektuhan kapag sa nobisyadang ito. "Don't worry, Mimosa. It's okay." Pagpapakalma niya sa babae. May lumapit din na babae at tinulungan si Amara na magligpit ng kalat. Pamilyar ang mukha nito pero hindi niya alam o hindi niya matandaan ang pangalan. Pero kay Amara, hangang ngayon tandang tanda niya ang pangalan nito. Iba ata talaga ang tama niya sa mimosang ito. "Ako na lang po ang magbabayad sa natapon ko," anito sa kanya. Nakatingin ngayon sa kanya ang mga malalamlam nitong mga mata na kulay dark brown pa. Binabalutan ng mga mapipilantik at makakapal na mga pilik mata. "No need, I will going to pay for this," he insisted. That's new, hindi naman siya ganito umasta sa ibang babae. Inagaw niya bigla ang Espresso ni anthony. "That's mine!" Pero walang babala niyang ininom iyon. "Fucker!" Inis na sabi ni Anthony. "Sige na Amara. Ako na dito," sabi ng isang waitress. Yumuko muli si amara sa kanila at mabilis na umalis. "Sorry po sa kahihiyan," biglang nagsalita ang kasama ni Amara. Tinignan niya ito. "Walang kahihiyan na naganap," he said. Tumango tango ang babae. "So anong drama iyon?" Natatawang tanong ni Evan ng sila sila na lang. Ngumisi siya. "Mimosa? Ang korni mo," alaska naman ni Anthony. Natawa siya, pero hindi sumagot sa mga ito. Tinawag niyang Mimosa si Amara dahil para itong halamang Makahiya sa sobrang pagka mahiya'in. Mimosa is the scientific name for makahiya. Hindi ata nag aral ang nga kaibigan niya at hindi alam iyon. Wala sa sariling napa palatak siya. Mi mimosa... --------------------------- --------------------------- "Hangang ngayon ba Amara, iniisip mo ang nangyari kanina?" Usisa ni Kyla sa kanya nang nasa sala sila. Nakauwi na sila at nakak kain na rin ng hapunan, tama ito. Iniisip pa niya hangang ngayon ang nangyari kanina. Sobrang nakakahiya kasi, "Hindi ko maiwasan, naroon pa si Sir Ezrael. Paano kung magsumbong siya kay Tita lourdes? Tingin mo papagalitan pa ako nun?" Nag aalala niyang turan dito. Tinapik siya nito sa balikat. "Mga ganoong bagay Amara, wala iyon kina Senora Lourses. Kaya huwag ka ng mag alala diyan. Diba Sally?" Baling nito kay Sally na tahimik na nanononood ng palabas. "Oo, hayaan mo na iyon. Hayaan mo sa susunod ako na ang haharap sa kanila kung nahihiya ka pa," suhesyon nito. Tumango tango siya. Medyo gumagaan na ang pakiramdam niya. Ipinagpatuloy na nila ang panonood, nang biglang may kumatok. Tumayo si Kyla at ito na ang nagbukas ng pinto. "Amara." Maya maya pa ay dinig niyang tawag nito. "Bakit?" "Hanap ka ni Sir Ezrael," nanigas siya sa kinauupuan. Dahil ba ito sa naganap kanina? Sabi na nga ba niya at mapapagalitan siya. Dali dali siyang tumayo at lumapit sa pinto. Taliwas sa iniisip niyang ekspresyon nito ang nabungaran niya. Nakangiti ito sa kanya. "Hi Amara, sorry for the disturbance. Pinapaabot lang ito ni Jex," binigay ang isang card sa kanya. Nagtataka niya itong kinuha. "Aalis na ako, have a wonderful night girls." Tsaka na ito tumalikod "Grabe, napaka gwapo ni Sir Ezrael sa malapitan." Tila nangangarap na sabi ni Kyla na ikinatawa niya. "Teka, ano ba iyan?" Si Sally na tumayo at naki isyoso. Tinignan niya ang nakasulat sa card. Like what I have said, you owe me one. One Iced tea, One date and we're quits. "Oh my God! Oh my God! Amara, niyaya ka ng date ni Sir Jexel?!" Hiyaw ni Kyla na tila kilig na kilig. Nakangiti lang si Sally. Siya naman ay hindi makahuma sa nabasa. Date? Hindi siya pwede dahil sa vows na meron siya. Hindi maari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD