"Good morning everyone!" Sigaw ni Kyla nang makapasok sila sa coffee shop ng mga Ferrer. Ang Aroma mocha cafe.
May nadatnan silang tatlong lalaki doon at isang babae na nasa 40's na, napatingin ang mga ito sa kanila. Tumigil siya pinaka gitna ng cafe habang si kyla sa counter dumiretso, si Sally naman ay pumasok sa parang kitchen.
Iginala niya ang paningin sa kabuuan ng coffee shop. Napaka ganda noon, tipong yayamanin talaga ang dating. Mula sa mga furniture mga paintings na naroon at mga mumunting hanging plants na nagbibigay ng ka-preskuhan sa buong paligid. Parang ang sarap tumambay dito kapag napaka stressful ng maghapon mo. Sarado pa ang shop ng mga oras na iyon.
"Amara." Bigla siyang napatingin kay kyla na tinatawag pala ang pansin niya.
"B-bakit?" Aniya na bahagyang lumapit sa counter. Naiilang kasi siya dahil nakatitig ang lahat sa kanya, partikular ang isang lalaking matangkad at malaki ang pangangatawan na kanina pa niya napapansin ang pagtitig sa kanya.
Hindi siya sanay maki alubilo, lalo na sa mga lalaki.
"Guys, si Amara nga pala. Bago natin makakasama at galing siya sa kumbento, maging mabait tayong lahat sa kanya ha?" Ani kyla, pagkatapos ay tumingin sa kanya.
"Amara, ito si kuya Bren at kuya jiggy, tapos iyon si Raven. Mga barista natin yan." Turo isa isa ni kyla sa mga kasama nila. Raven pala ang pangala ng lalaking kanina pa nakatitig sa kanya.
"Yan si Mamita agnes, cashier din katulad ko. Tapos kayo ni sally ang server," sabi ni Kyla. Ngumiti siya sa lahat ng mga naroon.
"Mag enjoy ka sanang kasama kami Amara, minsan may asaran moments pero wag ka sanang mapikon," sabi ni Mamita agnes.
"Naku, hindi po ako pikon mamita." Nakangiti niyang sagot dito.
"Oy bren, huwag ka ng nagmumura ha? Meron tayong kasamang nobisyada ngayon." Biro nung Jiggy. Nagtawanan silang lahat.
"Gagu! Ikaw lang palamura dito letse," sabat nung Bren na busy sa pagkalikot ng kung anu-ano.
"Oh s'ya, mamaya na ang biruan at maglinis na tayo para makapag open na." Natatawang sabi ni Kyla.
"Amara, puntahan mo si Sally para maituro niya ang mga gagawin mo," sabi ni mamita. Tumango siya at mabilis nang kumilos.
Tahimik lang 'yung Raven na kumilos na din. Pinuntahan niya si Sally sa pinasukan nito kanina, mini kitchen pala sa kaliwa, sa kanan ay para sa mga employee pala kapag break time.
"Amara, halika dito ituturo ko sa'yo ang mga gawain natin." Nakangiting tawag ni Sally sa kanya. Lumapit siya dito.
"Pero ilagay mo muna sa locker mo yang bag mo, katabi ng locker mo 'yung kay Kyla. Nasa bandang kanan iyon ha?" Magaan na sabi nito sa kanya. Tumalima naman siya agad.
Habang inaayos ang gamit, umusal siya ng maiksing panalangin at pasasalamat sa Diyos, dahil sa mababait ang mga taong kasama niya.
-------------------
Saktong alas siete nang magbukas sila ng coffee shop.
Mga estudyanteng maagang pumasok o mga nag-re-review ang kanilang mga customer at mga taong nagjo-jogging na napadaan lamang at ang iba ay nalaman niyang mga regular customer ng shop na iyon.
"Good morning Mr Rivera! Cappuccino as usual?" Magiliw na bati ni Kyla sa matandang pumasok.
"Yes please. Thank you Kyla," anang matanda at umupo sa may gilid na parte. Sa may pahabang sofa.
"One cappuccino please," ani Kyla sa mga barista.
Pagkaraan ay pina serve sa kanya iyon. Lagi siyang may ngiti sa labi dapat, ang bilin sa kanya.
"Thank you dear, bago ka?" Nakangiting turan ng matanda, matapos niyang mailapag ang kape.
Nakangiti siyang tumango.
"Opo sir," magalang pa niyang sagot.
"Nadagdagan nanaman ang mga magagandang empleyada ni Mr Ferrer," pahayag nito na ikinatawa niya. Ilang saglit pa ay nagpaalam na siya dito para maka serve pa sa iba.
Sa buong maghapon tila hindi maramdaman ni Amara ang pagod, sa totoo niyan nag eenjoy pa nga siya ng sobra.
Tila magugustuhan nga niya ang pananatili niya sa mga Ferrer.
----------------------------
----------------------------
"Oh f**k!" Napamurang sabi ni Jexel nang maramdamang pinapaligaya ng babaeng kaniig niya ngayon ay kanyang pagka lalaki.
"Oh s**t!" Muling mura niya nang naglaro sa kanyang balintataw ang imahe ng nobisyadang nakita niya kina Ezrael, at dahil sa isipang iyon lalong nag init ang pakiramdam niya.
Natatawa siya sa sarili niya at nagnanasa siya sa nobisyadang iyon na pinukaw ang maka mundo niyang katauhan.
"More," bulong niya sa babaeng tila nag eenjoy sa ginagawa.
Nang hindi na niya matiis, hinila niya ito pataas at kinabubawan. Inangkin niya ito ng mabilis at tuloy tuloy. Nang gigil siya, iniisip niyang ang nobisyadang iyon ang kanyang kaniig. Marami na siyang kasalanan sa maykapal, dinagdagan pa niya ngayon dahil sa pagnanasa niya sa nobisyadang iyon.
Pagkatapos ang mainit na tagpo, tumayo siya agad at isunuot ang pantalon.
"I'm going," aniya sa babaeng nakahiga sa kama, bigla itong umupo at itinapis sa dibdib ang kumot.
"I'm wondering Jexie boy, kailang kaya kita makakasamang matulog sa kama kahit isang gabi man lang?" Anito habang nakatingin ng malagkit sa kanya. Nilingon niya ito at nginisian.
"Not a chance, baby." Sabay hablot sa kanyang T-shirt at isinunod na isuot ang kanyang jacket.
"Bye." Naglakad siya patungo sa pinto.
"Wait, what's my name again?" Biglang habol ng babae. Napakamot siya sa ulo. Patay na, dahil hindi niya matandaan kung trixie o vierra o jelly ang pangalan nito. Basta nasa tatlo iyon eh.
"You moron!" Asik nito sa kanya nang mahulang hindi niya matandaan ng pangalan nito.
"Don't worry baby, next time alam ko na," sabi niya na natatawa at tuluyan na itong iniwan.
Pa-pito pito pa siya habang naglalakad palabas ng condo na iyon habang pinapa ikot sa isang daliri ang kanyang susi.
Saan nanaman kaya ako pupunta?
Sa sobrang dami niyang oras mag bulakbol, hindi na niya alam saan siya napapadpad sa isang araw. Wala siyang pakialam sa gastos, mayaman naman siya by the way.
Kita niya ang pagtitig sa kanya ng mga babaeng nadadaanan niya. Nginingisian niya ang mga ito at sabay kinikindatan, tuwang tuwa naman at kinikilig ang mga ito.
Babae nga naman..
Pasakay na siya sa kanyang convertible na kotse nang tumunog ang kanyang cellphone. Hindi na muna niya sinagot at lumulan na muna siya.
"What do you need, fucker?" Bungad niya kay Anthony.
"Look who's talking, pinapasabi ni Ezrael na sa Libis tayo mamaya." Naririnig niyang tila umuungol ito na tila may...
"Oh f**k you! Don't tell me, tinatawagan mo ako ngayon while having s*x with someone?" Narinig niyang humalakhak si Anthony at isang babae sa kabilang linya.
Jerk!
"Why? Is there something wrong about it? Ginawa mo din sa akin 'to remember? I am returning the favor,-" bigla itong tumigil at narinig niyang nagmura ang kaibigan.
"Oh.. s**t! There.. yeah-" anito
"Damn you! Gross! See you later and for now let your small d**k find its little hole!" Birada niya kay anthony na hindi na niya hinayaang makasagot. Alam naman niyang mumurahin lang siya nito.
Nagsimula na siyang mag maniobra at inijsip kung saan siya pupunta.
Pinili na lang niyang pumunta sa rest house nila na malapit lamang sa kinaroroonan niya ngayon. Gusto muna niyang magpahinga at napuyat siya,
-------------------------
-------------------------
Hinilot hilot ni Amara ang balikat dahil medyo nangawit sa maghapon.
Alas sais na at oras na ng labasan nila,
"Sama ka muna sa amin Amara," sabi ni Sally nang makalapit sa kanya.
"Ha? Saan naman?" usisa niya sa dalaga.
"Magsasaya tayo," anito na nakangisi.
Napa kunot ang noo niya at hindi ma gets ang sinabi nito.
"Ang ibig sabihin ni Sally, amara mamamasyal tayo ngayon," ani Mamita na ngayon ay nakalapit na din sa pwesto nila.
"Ahh..." Aniya na nahihiya dahil napaka ignorante niya sa mga salita ng mga tiga labas.
"Oh ano sasama ka ba?" -Sally
Napaisip siya, sa totoo lang gusto na niyang matulog na dahil ngayon niya nararamdaman ang pagod.
Napansin ni Sally ang pagdadalawang isip niya.
"Hindi naman tayo magtatagal, kakain lang tayo ng street foods, magkakape at mamasyal. Sa saturday night pa ang walwalan natin eh," mahabang pahayag nito.
Napangiti na siya, mukhang masaya nga iyon.
"Sige. Sasama na ako," maya maya ay sabi niya ikinatuwa ng dalawa
Siya, si Sally, si Kyla, si Mamita, si Raven at bren ang kasama niya. Nagpaalam ng umuwi si Jiggy dahil hinihintay na daw ito ng asawa.
Nagpunta sila sa isang lugar na hindi niya alam. Basta madaming kakaibang pagkain doon na halos hindi niya kilala. Since limitado lang ang mga kinakain niya sa kumbento. Payak ang pamumuhay nila doon,
"Hi, hindi ako pormal na nakapag pakilala sa iyo kanina. Ako si Raven Santos." Napatingin siya sa kamay na inilahad nito, nahihiya niyang tinangap iyon.
"Amara Lee," aniya na ginamit ang apilyido ng mother superior nila. Wala kasi siyang apilyido.
Noong makita siya sa kumbento, AMARA lang ang nakaburda sa puting tela na nakabalot sa kanya.
"Napaka ganda ng pangalan mo," tila nahihiya pang puri nito. Ngumiti siya ng alanganin dahil hindi pa nito binibitawan hangan ngayon ang kanyang kamay.
"A-ah, ano ummmm" hindi niya alam paano niya sasabihin na hindi niya ito ma-o-offend.
"Oy Raven! Kamay ni Amara bitawan mo na!" Tinampal ni Kyla ang kamay ni Raven na ikinagulat nito. Napakamot ito sa batok.
"Sorry Amara," hinging paumanhin ng binata.
"Okay lang," sagot niya at ibinaling na sa pagkain ang kanyang atensyon. Naiilang talaga siya kapag lalaki ang kausap niya, siguro dahil hindi siya sanay.
"Tara umupo tayo doon oh." Aya ni Kyla habang itinuturo ang isang pwesto. Sumunod naman silang lahat doon,
Tahimik lang siyang nakikinig sa mga kwentuhan ng mga kasama niya, dahil hindi pa naman niya alam kung ano ang mga sasabihin niya.
Masyado pa siyang nahihiya.
"Mag toothbrush ka mamaya Amara," napatingin siya kay Bren.
"Ha? Nagtu-toothbrush naman talaga ako bago matulog eh. M-mabaho ba ang hininga ko ngayon?" Namumula ang mukha niya habang sinabi iyon. Sabay sabay na naghalakhakan ang mga kasama niya at hindi niya maintindihan kung bakit.
"Joker pala itong si Amara," natatawa pa ring sabi ni Bren.
"Ang ibig sabihin ni kuya Bren, mag toothbrush ka daw kasi nga napanis laway mo ngayon dahil sa sobrang tahimik mo lang diyan," paliwanag ni Sally. Namula muli ang mukha niya. Nakakahiya, napaka slow talaga niya.
Masasanay din ako....
Ang naisabulong ng dalaga sa sarili.
----------------------------
----------------------------
Gustong gusto ni Jexel ang nagaganap ngayong araw. Ngayong nasa gitna siya ng entablado at sinasayawan ng isang estrangherong babae. Napaka lambot ng katawan nito at talagang bigay todo sa pag indayog.
Hinawakan niya ito sa magkabilang balakang at ipinaglapit ang kanilang pawis na mga katawan.
Damn! He really loves night life with his friends. Nawawala ang stress niya sa trabaho at sa buhay niya. Nakakalimutan niya lahat lahat.
Napangisi siya ng maisip na maya maya lang, alam na niya saan ang bagsak nila ng babaeng kasayaw niya ngayon.
Wala namang babaeng ma-re-resist ng kakisigan niya, lalo na kapag naranasan ng mga ito gaano siya kagaling magpaligaya sa kama. Baka hindi na siya tantanan ng mga ito at babalik balikan pa.
Lalo pa niyang hinila palapit sa kanya ang katawan ng kasayaw, halatang lasing na lasing na ito at game na game sa lahat.
"Napaka tinik talaga ng Jexel na 'yan," natatawang pahayag ni Ezrael habang nakatingin sa kanilang kaibigan na sumasayaw, este lumalandi sa entablado.
"Anong napaka tinik? Napaka makati kamo," sabat no Evan na natatawa habang humihigop ng alak.
"Anong napaka tinik at makati? Napaka Landi dapat," banat naman ni Anthony.
"Parang ikaw hindi ha?" Baling ni Ezrael kay Thony.
Ngumisi ang huli.
"Hindi kami ganoon. Sadyang ineenjoy lang namin ang alindog na meron kami." Mayabang na pahayag ni anthony.
"O shut up fucker, nakakairitang marinig 'yan." Ezrael hissed.
"Kawawa ka lang Ezrael, mapapalo ka ni tita lourdes kasi kapag nagkalat ka. Tsk tsk, "asar pa din ni anthony na tinawanan lang ni Ezrael.
"You talking behind my back?" Biglang sabat ni Jexel na ngayon ay nakalapit na sa kanila. Katabi nito ang babaeng kasayaw kanina.
"You're not a good topic," sagot ni evan dito.
"f**k you! Anyway, sasamahan ko lang siya." Turo niya sa babae.
"Saan? Sa CR?" Si Anthony,
"Sama mo na din kami," dagdag ni Evan.
"Shut up! Wait me here and mabilis lang 'to." Ngisi niya sa mga kaibigan na inismiran lang siya.
Naglakad na sila patungo sa madilim na bahagi ng bar na iyon. Alam na niya kung saan sila magtatapos