Nabigla ang dalaga nang bigla siyang buhatin ni Jexel at dinala sa kama. Namumula ang mukha niya dahil sobra siyang nahihiya. "Pwedeng patayin ang ilaw?" Aniya na nauutal. Napangiti ng malawak ang binata. "Lights off ha? " Anito na natatawa, pagkaraan ay tinungo ang switch at pinatay nga ang ilaw. Pero binuksan ang lampshade sa may side table. Kinabahan siya nang muli siyang binalingan ni Jexel. Umibabaw ang binata sa kanya, mas lalo siyang kinabahan. Naramdaman niya ang hininga ni Jexel na malapit lamang sa mukha niya. "Gusto kong maalala at tandaan mo ang gabing ito, Mimosa..." Marahan nitong bulong sa kanya, na nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa kanya. Biglang inangkin ng binata ang kanyang mga labo, marubrob at mapaghanap na halik ang iginawad nito sa kanya. Nang magsawa ito sa

