"Ikaw na ang bahala kay Amara, ha Jexel?" Sabi ni Tita Lourdes, nakaupo sila ngayon sa may living room. Siya, si Jexel, ang mag asawang Ferrer. Ipinagpaalam kasi siya ng binata na magreresign na siya sa Cafe, dahil magiging personal assistant/secretary ni Jexel sa Mondragon Airlines. Sobrang bilis ng mga nangyayari, "Opo Tita, sa akin na ang pangangalaga kay Mimosa," sagot naman ni Jexel na nakangiti. "Masaya ako para sa inyong dalawa." Pagkaraan ay bumaling sa kanya. "Nasabi mo na ba ito kina Mother superiora, Amara?" Nakangiti nitong tanong sa kanya. Marahan siyang tumango at ngumiti. "Opo, nagpadala na po ako ng liham kay mother," magalang niyang sagot. Napatango tango ang mag asawang Ferrer. Ilang saglit pang kwentuhan at napagpasyahan na nilang magpaalam. Hindi na siya pumasok

