Kakalabas lamang ni Amara sa sa hospital ng araw na iyon. Ngunit hindi siya makausap ni Kyla. Tanging tango lamang ang iginaganti nito o sa kaibigan, lubha na siyang nag aalala kay Amara. Lagi itong tulala, laging sa malayo nakatingin. Tila malalim ang iniisip, paminsan minsan nahuhuli niya itong nakahawak sa tiyan at hinahaplos iyon. Kita niya na masyado itong naapektuhan sa mga nangyari, at wala siyang magawa. Wala siyang magawa para kay Amara, para mabawasan ang nararamdaman nitong sakit. "Amara, maiiwan muna kita ha? Bibili lang ako ng pagkain mo." Napatango lamang siya sa kaibigan. Pagkaalis ni Kyla, kung anu ano ang naiisip niya, bakit pa ba siya nabubuhay? Ano pa bang purpose niya dito sa mundo? Gusto na lang niyang mawala at kalimutan ang lahat, ang sakit at lungkot. Marahan

