"Maiwan ka muna dito," ani Amara kay Kyla. Pagkatapos ay tumayo siya at binitbit ang shoulder bag na nasa taas ng table ng kanyang opisina. "At saan ka pupunta aber?" Usisa ni Kyla sa kanya na nakaupo sa sofa. Tinignan niya muna ang oras, bago nilingon ang kaibigan. 11:30 na ng umaga, pupunta siya sa office ni Jexel at sakto mga lunch naroon na siya. "May pupuntahan lang ako. Dito ka muna." Hindi na niya hinintay pang makasagot ang kaibigan at umalis na siya. Hindi niya alam kung bakit at ano ang naisip niya at gusto niyang puntahan ang binata sa opisina nito. Okupado ang isip niya habang nagmamaneho, tinigilan na niya si Raven. Lumubog na ang pinagpaguran nitong negosyo at nagkanda utang utang na ang huli upang maisalba lamang ang maliit nitong business. Ang huling balita sa kanya ng

