Tila walang isang taon ang lumipas. Kung gaano ang mainit na pagtangap nila noon kay Amara, ganoon pa rin ang pagtangap ngayon ng mga Mondragon sa kanya. Mas dumoble pa nga ata ang excitement ng mga ito. "Naku! Mukhang ngayon niyo na maibibigay talaga ang matagal ko ng hinihiling sainyo," sabi ng mama ni Jexel. Napangiti siya ng bahagya. Alam naman niya anong pinupunto nito. Nakita niya ang tila awkward feelings ni Jexel. Nasa hapag-kainan siya ngayon kasama ang mga Mondragon. Sumipot siya sa Dinner na inihanda ng Ginang sa kanya. "Ma, let's not talk about it, okay?" Marahang sabi ni Jexel sa Ina, bago siya binalingan. "Why not po, right?" Ngunit iyon ang mga lumabas sa kanyang bibig. Nakita niya ang pagningning sa mga mata ni Mrs. Mondragon. Pati nina Jelly, "Iyon naman pala! Pero

