Maagang nagising si Jexel dahil meron siyang isang taong gustong mabasag ang mukha. Mabilis siyang naligo at hindi pa nag aalmusal, pinaharurot na niya ang sasakyan papuntang Aroma Mocha. Pero hindi niya dinatnan doon si Raven, nag resign na daw ito ng biglaan, walang makapagturo nasaan ito. Wala din daw si Amara sa quarter! Damn! Magkasama na ang dalawa. Naikuyom niya ang mga palad dahil sa isipang iyon. Talagang pinanindigan na nila ang pagtataksil nila. Magiging masaya ang mga ito habang siya ay miserable? Dali dali siyang umalis ng cafe, sadyang iwas ang mga tao sa kanya doon, tila alam na ng mga ito kung anong nangyari. Naikwento na ni Sally. Hindi alam ng binata kung saan siya tutungo ngayon, kung paano ulit mag uumpisa. Hindi niya namalayan na dinala siya ng sarili sa lugar kung

