Chapter 1 - Takas

1159 Words
"Hello, bruha! Nasaan ka na? Kanina pa kami nina SJ at Zoey rito sa labas. Hindi kami tumakas ng bahay para lang magpa-mukbang sa mga lamok!" Napangiwi ako dahil ang sa sakit sa tenga pakinggan ang boses nitong babaita na 'to! "Alright, just give me a second. Alam mo namang hindi pa ako expert sa gawaing 'to!" maktol kong pakiusap kay Lara. Apat kaming mag-bff mula pa no'ng highschool. Dati nag-iisa lang ang palaging kong kasama pero iniwan lang din ako. Mula no'n sinubukan kong makipag-kaibigan at doon ko nakilala 'tong mga bruha pero mababait naman na mga bestfriends ko. "Gag*! Ang tagal mo na kaming kasama hindi ka pa nasanay!" "Gosh... Bree! Why you're so tagal ba? Super hot na here," rinig kong reklamo ng ubod sa kaartehan nitong si Sj. "Shut up, brat!" sigaw ko. Hirap na hirap na nga akong tumakas rito sa mga bodyguards ni daddy eh! "Naku Sj, paano 'yan? Hindi ka na mukhang fresh mamaya kapag nagkita na naman kayo ni Enzo. Panigurado niyan, pang next na naman ang beauty mo ngayong gabi," pang-aasar pa ni Zoey sa kan'ya kaya sigurado akong umuusok na naman ang ilong no'n. Napapailing na lang ako sa mga kaibigan kong may kan'ya-kan'yang tama sa kabaliwan. "What?! How dare you, Zoey! I am pretty sure that I am beautiful in his eyes tonight and I will make sure na mahahalikan ko na siya this time. Unlike naman sa 'yo na hanggang tingin ka lang kay Dominic. Keep bleeding, bff..." ganti niya pa. Biglang humalakhak naman nang malakas si Lara, tuwang-tuwa pa talaga iyan kapag nag-aaway ang dalawa. 'Tsk! Imbes na umawat eh!' "Yes! Ang lakas talaga ng fighting spirit mo, Sj. Wala lang landi ngayon, iyak later ha?" natawa naman ako sa pangbabara ng loka pati silang tatlo nagsitawanan na rin. Hinayaan ko lang naka-on ang call sa cellphone ko pero hindi na ako nagsalita pa't hinanayaan ko na sila. Nasa likod ako ngayon ng bahay at papunta ako sa garahe dahil balak kong doon dumaan sa maliit na pinto palabas na sana ay hindi naka-lock. Sinilip ko pa bigla ang mga bodyguards ni daddy, mabuti na lang nakatalikod ito malapit sa gawi ko habang abala sa kan'yang cellphone. Yumuko ako at gumapang sa likod ng kotse ni daddy upang hindi ako nito mapansin. Halos pigil hininga pa ako para hindi lang mahuli sa paggapang ko rito. 'Buwisit! Daig ko pa ang magnanakaw nito ah!' Nang sa wakas ay malapit na ako sa gate palabas ay saka naman tumahol ang alaga naming aso na si Milo. 'Kung minamalas ka nga naman talaga!' "Milo, chu...chu... It's me. Stop!" saway ko pa. "Oh Milo, bakit ka naman tahol nang tahol diyan? Hindi ko tuloy marinig iyong pinapanood ko. Ano ba iyon?" 'Shocks! 'Wag naman sana akong mahuli.' dalangin ko. Nag-flashlight pa si kuya sa gawi ko kaya todo nagsumiksik ako upang hindi ako mahagip ng ilaw. "Bree! Ano na? Ten years ka pa bago dumating dito? Sayaw na sayaw na 'ko, aba!" Bigla kong pinatay ang call dahil baka marinig iyon ni kuya. At hindi nga ako nagkakamali. "Huh? Saan iyon?" may pagtatakang sambit pa nito ngunit nahaninga ako nang maluwag dahil hindi siya rito sa akin pumunta kun 'di sa puwesto niya. "Ah, cellphone ko pala iyon. Milo behave ka na diyan ha?" Tumalikod na ito habang pasipol-sipol. Wala na akong inakasayang oras kun 'di nagmadali na sa gate palabas. Tumakbo ako nang mabilis dahil baka mahuli pa ako't masabunutan na talaga ng mga kaibigan ko. Hingal na hingal ako pagdating sa kotse ni Lara kaya saglit akong nagpahupa. "Finally!" sabay-sabay nilang tatlo. Mukahng magkakampihan sila ngayon, himala! "'Wag ninyo akong ma-fina-finally dahil hirap na hirap akong tumakas!" "Whatever!" sabay na turan na naman nilang tatlo kaya inis na pumasok na ako sa kotse at tinabihan na si Lara. "Ready? Hold on!" Sabay pasibat ni Lara ng kotse niya. "Holly sh*t! Slow down... Are we gonna die here now, guys? WAhhh..." Maarteng sigaw ni Sj habang si Lara naman ay tawa nang tawa. "Walang hiya ka, Lara! Hindi ko pa nga nalalandi si Rex ihahatid no ma 'ko sa langit? Ibang langit ang gusto ko!" singit naman ni Zoey. Iyong kaba ko mapalitan ng masayang pakiramdam kahit tila hindi na kami sumasayad sa kalsada sa bilis nang pagpapatakbo nitong lokaret na 'to. "Don't worry mga, Sissy. Walang mamatay ng virgin sa 'ting apat! Gusto ko rin naman ng langit na iyan kaya hindi pa tayo makikipagkita kay San Pedro." Natatawang tugon niya sa amin. Hindi na 'ko sumabat pa sa ingay nila dahil pagod pa rin ako pero nabawas-bawasan na rin naman. Ilang sandaling lang ay nakarating na kami sa isang sikat na club rito sa may Tomas Morato. "Woohh! We're here!" parang wala lang sa kan'ya habang kami ay pinakiramdaman pa ang katawan kong buo pa ba? "Tsk! Ang hihina niyong tatlo. Let's go, magre-touch na tayo. Ang papangit niyo!" "What the– Hey! How dare you! Muntik na nga akong magpass-out then you only said that! Hmmp!" ayon na naman ang pinakamaarte nagreklamo na naman. "Hoy Ms. How dare you! Bababa ka ba, o ikukulong kita riyan?" "Ugh! I hate you!" Padabog din naman siyang lumabas kaya natatawang tumuloy na kami. Sa washroom muna kami dahil magbibihis pa ako at magre-touch na nga kaming tatlo. "Ew! So gross! Why they don't even get a room instead of making out in public?" "Its none of your business, Sj. Hayaan mo nga sila! Baka mamaya niyan makita mo lang si Enzo ay mawala ka na lang bigla," saway ko sa kan'ya. Ang dami talagang nakikita nitong brat 'to hindi na lang manahimik. "Okay, fine! Let's go, kailangan isa sa atin magka-boyfriend na ngayon." Tinitigan ako nito mula ulo hanggang paa na may pilyang ngiti. "Ano tinitingin-tingin mo?" "Come on, akong bahala sa iyo. I will make you more beautiful, sexy and hot. You like it? Thank me later kung walang mabihag sa alindog mo." Nagpatianod na lamang ako at tiwala naman ako sa brat na 'to pagdating sa ka-artehan at kolorete ay maaasahan mo talaga siya. Abala na sina Lara at Zoey sa kanilang mga mukha at nakabihis na rin naman sila papunta pa lang kaya ako lang talaga ang magbibihis sa aming apat. "Zoey, I like your outfit. Love it!" puri naman agad ni Sj kay Zoey. Sa aming apat ito ang may pagka-conservative pero slight lang naman. But now, I think totohanin niya na talagang lumandi! "Thank you, Brat. Natauhan ako bigla kanina sa ginawa ni Lara eh!" nagtawanan na naman kaming apat. "Kuuh! Maniwala ako. Umamin ka na kasi Zoey, 'wag ka nang mahiya." Lumapit si Lara kunwari at binunggo si Zoey sabay bulong, "nanuod ka nang bold kaya gumagan'yan ka na, 'no? Uminit ka ba?" Napasinghap ako bigla at napatingin ako kay Zoey na namimilog din ang mga gaya ko at gano'n din si Sj. Kahit kailan talaga, bunganga nito ni Lara walang break.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD