bc

Ang Dating Tayo

book_age18+
13
FOLLOW
1K
READ
drama
sweet
bxg
female lead
small town
coming of age
first love
virgin
passionate
seductive
like
intro-logo
Blurb

Sina Bree at Riley ay magkaibigang lihim na minahal ang isa't isa hindi dahil sa pagiging matalik na magkaibigan kun ' di higit pa.

Subalit sa biglaang disisyong pag-alis ng pamilya ni Riley ay do'n lang din mismo silang nagkaaminang dalawa. Nangakong babalikan ng Prinsipe ang kan'yang Prinsesa.

Subalit walang kasigiraduhan kung gaano ito katagal.

Sa pagbabalik ni Riley, gano'n pa rin ba kaya sila gaya nang dati? O kasabay nang lumipas na panahon ay marami na ring nagbago pati ang kani-kanilang mga damdamin?

chap-preview
Free preview
Prologue
"Sigurado na ba talaga sina tita at tito? Aalis na talaga kayo?" Kahit nandito pa si Riley sa harapan ko parang ngayon pa lang miss na miss ko na siya. Ngayong araw ko lang din nalaman ang pag-alis nila tapos sa susunod na linggo na rin agad. Sino ba naman ang hindi mabibigla nito! "O-oo eh, I'm sorry," tanging nasabi niya sa akin at bakas ang lungkot sa kan'yang mga mata. Pero ano pa nga ba ang magagawa namin? Wala! "M-magtatagal b-ba kayo ro'n?" hindi ko mapigilang gumaralgal ang boses ko at baumalong na rin ang luha sa 'king mga mata. Ang hirap naman nito! "Bree. Do'nt cry, please? I'm sure naman na babalik din kami at magkakasama tayo ulit, hmmn?" Hinawakan niya ang mukha ko at iniharap iyon sa kan'ya. Nakangiti siya sa akin kaya pinakatitigan ko na lamang siya. Ang guwapo mukhang 'to last week ko na lang makikita. Tuluyan nang tumulo ang luha ko dahil hindi ko na talaga napigil pa. Pinahid niya iyon gamit ang mga daliri. "Tsk! 'Di ba sabi ko sa iyo, ayaw kong umiiyak ang Prinsesa ko? Tahan na, aalamin ko kung bakit kami aalis at sasabihin ko iyon agad sa iyo. Promise, kapag sinabi nilang hindi sigurado kung kailan kami makakabalik, ako sinisigurado ko sa 'yong babalikan kita. Babalikan ko ang Prinsesa ko." Pimulahan ako ng mukha at ramdam ko ang panginginit sa pisngi ko, sobrang kinikilig ako. Tawagin ka ba namang prinsesa niya eh! "I love you, Bree..." Natigilan ako bigla. Sa totoo lang hindi naman kami pero parang kami rin. Ah basta! Gano'n iyon! "H-ha?" Umurong yata ang dila ko at iyon lamang ang tanging naisagot ko. Parang nagsi-circus ngayon ang laman loob ko pati dibdib ko parang may tumatambol sa bilis nang t***k. 'Ito na ba iyon? Magiging kami na ba talaga?' Narinig kong tumawa siya nang mahina at tila naaaliw sa reaksyon ngayon. "Gusto mo bang ulitin ko? Do you love me, Bree?" Kunot noong sinalubong ko ang mga titig niya. "Hindi naman iyan iyong sinabi mo kanina ah?" Lalo lang siyang tumawa. "Exactly! Alam ko narinig mo ang sinabi ko pero iba naman ang sinagot mo. Do I need to reapet it again? Pero kapag inulit ko may bayad na iyon!" "Halaaaa! Ano naman iyon, aber?" "So, uulitin ko?" Nakangising tanong niya at sa pagkatulala ko sa kaguwapohan niya ay wala sa sariling napatango ako. Unti-unti siyang lumapit sa akin, para akong nalunod sa mahika niya, ramdam kong humawak ang isang kamay niya sa bewang ko at yumapos iyon sa akin bago ako kinabig palapit lalo sa kan'ya. "I love you, Bree. Mahal na mahal kita, Prinsesa ko," nagpaulit-ulit iyon sa pandinig ko't parang musika na talagang humihele na sa 'kin. Pakiramdam ko ay tumigil ang paligid at tanging siya lang ang nakikita ko ngayon. "Ano? Hindi mo pa rin ako sasagutin?" natigil ako bigla sa pagpapantasya ko nang bigla niya muli akong tinanong. Mahal ko naman din siya, baka nga mas nauna pa akong mahalin ang lokong 'to eh! "I–" Hindi ko na natuloy ang isasagot ko sana sa kan'ya nang bigla niya akong kabigin at tuluyan na sinunggaban nang halik. Wala na akong nawaga kun 'di mapapikit habang dinadama ang kan'yang malambot na labi. Maingat lamang ang mga halik niya, walang pagmamadali at talagang tila iniimbitahan akong tugunin iyon. 'Pero paano nga ba kasi tugunin 'to? First kiss ko kaya!' Dahil sa galing niyang humalik ay namalayan ko na rin na tumutugon na ako sa mga halik niya, parang sayaw lang na sinundan ko sa paggalalaw ang nanghahalina niyang labi. Kung ilang minuto man ang itinagal nang halikan naming iyon ay hindi ko na alam. Pareho kaming hingal at siya na rin ang unang tumigil ngunit pinagdikit niya ang aming mga noo. "Do you feel it?" hinihingal niya pang tanong. "Huh? Nang alin?" "It was... That was magic, Bree. Kahit hindi mo ako sinagot, ramdam kong mahal mo rin ako and I'm very happy when you kiss me back. Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya ngayon, mahal na mahal kita." Kumislap ang luha sa mga mata ni Riley. Hindi ko akalain na ganito ang mangyayari ngayong gabi at masasabi kong kaming dalawa ang pinaka-masayang tao ngayon sa mundo. "Mahal din kita, mahal na mahal na mahal. Mas nauna ko pa ngang yatang naramdaman 'to eh," tugon ko. Sa wakas nasabi ko rin. Mas masarap sa pakiramdam na masabi mo sa taong mahal mo ang laman ng puso mo. "Shhh... Hindi na importante kung sino ang naunang nagmahal, okay?" Hinalikan niya ang noo ko at niyakap nang mahigpit. Nagyakapan kaming dalawa habang nakatitig sa magandang kalangitan sa ilalim ng buwan. Tumagal pa kami ng dalawang oras sa pagku-kuwentuhan at tawanan bago nagpasyang umuwi na't hinatid niya na ako sa bahay. Sa ngayon ay kaming dalawa na muna nag nakakaalam nang tungkol sa relasiyon namin. Subalit nang magising ako kinaumagahan ay nagulat pa ako dahil tanghali na pala! Hindi man lang ako giniding ni mommy. Nakapukaw ng aking atensyon ang sulat sa ibabaw ng side table ko. Kumunot ang noo ko dahil hindi naman naka-sobre. Basta na lamang ito pinatong at tinupi. Sa pagtataka ko ay kinuha ko ito at agad na binuklat upang basahin. Prinsesa ko, Good morning! Hindi na kita ginising kasi ayaw kong putulin ang magandang panaginip mo na sana ay ako ang kasama mo. Bree, I'm sorry. Ngayon na pala alis namin. Nakiusap ako na kahit sa susunod na lang kasi gusto pa kiyang makasama ang kaso hindi na raw puwede dahil nagmamadali sina mommy at daddy. Ang hirap Prinsesa ko, habang nakatingin ako ngayon at habang sinusulat ko ito, halos gustong-gusto talaga kitang gisingin pero alam kong mas mahirap na iwan ka kapag gano'n. Ayaw kong makitang imiiyak ka, alam kong magagalit ka but I'm so sorry. I LOVE YOU MY PRINCESS. Babalik ako, pangako. Mag-aral kang mabuti ha? Gano'n din ang gagawin ko dahil ikaw ang inspirasyon ko. I will miss you so bad, Prinsesa ko. Take care yourself for me, okay? Hinalikan kita ulit. Ang ganda mo, Prinsesa ko. Prinsipe, Riley. Habang binabasa ko ang sulat ni Riley ay kasabay rin ang mga luhang masagang bumubuhos mula sa mga mata ko. Ang sakit-sakit! Bakit naman ang bilis? Bakit ngayon agad? Ang daya naman eh! "Riley!" sigaw ko habng yakap-yakap ang sulat niya. Biglang bumukas ang pinto at pumasok si mommy na may pag-aaalala. "Anak.... Bree..." "Mommy... S-si R-riley po, umalis na sila!" hagulhol ko at sumaling ng yakap kay mommy. Ang sikip ng dibdib ko, nahihirapan akong huminga. "Hush now, baby. Dumaan nga sila rito at nagkausap kami ng parents niya anak. Kailan nilang umalis talaga, babalik naman sila kapag naayos na ang problema kung ano man iyon. Tahan na okay? Bilin pa naman sa 'kin ng boyfriend mo na 'wag kitang paiiyakin." Kumalas ako kay mommy at sinalubong ang tingin niya. Nakangiti siya sa akin at tumango. "Yes, inamin niya sa amin with his parents. Mahal na mahal ka niya anak. Maging parents niya ay matagal na raw alam iyon dahil wala raw itong bukang bibig kun 'di ikaw," nahiya naman ako bigla at lalong tinukso pa ako ni mommy. Lumipas ang araw, linggo, ilang buwan at taon. Ni tawag o text man lang ay wala akong natanggap mula kay Riley.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.7K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook