Shinoeh Weanne Cueva's P.O.V. Napalunok ako. "Gusto ko lang sabihin sa'yo ito dahil nag-aalala ako na baka maranasan mo ang naranasan ko. Medyo sanay na ako dahil madalas may mga basher talaga ako. Pero ikaw, alam kong hindi ka sanay." Napatango ako. "Thank you for telling me, Yuria. May suspetya ka ba kung sino?" Napadila siya sa labi niya at napatingin sa itaas. Iniisip kung mayroon nga ba. Bumaling siya ulit sa akin at naningkit ang mga mata. "Actually, sinabi niya ay babalik na siya. May napapansin ka bang lapit nang lapit kay Brent ngayon?" Tumango ako ng mabagal. "I am not sure about her. Pero parang may ibig sabihin ang mga ngiti at sinasabi niya sa akin." Napakunot ang kanyang noo. "The who?" "Joe." Nanlaki ang kanyang mga mata. "For real? Nabanggit sa akin ni Brent na una

