Shinoeh Weanne Cueva's P.O.V. "Gusto mo ba?" balik kong tanong sa kanya. Tumitig lamang siya ng masinsinan sa akin. Hindi sumagot at hinihintay akong magsalita muli. "It's okay with me, Brent. Nasa industriya ka ng showbiz kaya hindi malabong i-paired ka sa iba," utas ko na. Napataas siya ng isang kilay. "You're okay with that? Me being paired to Joe?" "Bakit? May dapat ba akong ikaselos?" Pinaningkitan ko na siya ng mga mata. Mabilis siyang napapapiling. "Iyon naman pala. Wala naman pala eh. Kung iniisip mo iyong issue dati, ayos lang naman sa akin. Hindi naman kasalanan ni Joe na ganoon ka obssess ang fan ninyo." Napabuga siya ng hangin at ngumiti sa akin. "Gusto mo bang sumama sa akin? Sa pag-ti-tape ng music video." Napakamot ako sa aking ulo. "Ha? Hindi ba nakakahiya iyon? S

