Shinoeh Weanne Cueva's P.O.V. Sa hotel kami nag-stay at natulog. Hindi ko na nagawang makipag-usap kay Chu dahil na rin umuwi kami agad kinabukasan. As of now, I am preparing. First day ko ulit sa trabaho. Si Brent naman ay nasa kusina. Nag-re-ready ng almusal. Mamaya pa kasi siya aalis para sa schedule niya. Kakabalik lang ay nagdadagsaan na naman ang kanyang mga project. Patok na patok talaga. Lumabas na ako mula sa kwarto. Nakapambahay na tsinelas pa ako. Mamaya na ako magsasapatos. Tumingin siya sa akin at pinagmasdan ang aking suot. "This is my usual attire, Brent," pa una ko na bago pa siya magsalita. Ngumisi siya. "Wala naman akong sinasabi," utas niya at pinalupot ang kanyang kamay sa aking bewang. Hinagkan niya ako at hinalikan sa noo. "Still smell like a baby," he whispere

