Shinoeh Weanne Cueva's P.O.V.
"Brent..." I whispered before his lips met mine.
Sa una ay hindi ako nakagalaw. Ayaw mag-sink in sa aking utak na hinahalikan niya ako.
Pero sa bandang gitna ay tumugon na ako. Naramdaman ko pa ang pagngisi niya sa gitna nang halikan namin.
Dahil na rin siguro sa matagal na ng huli kaming maghalikan ay sabik na sabik kaming dalawa ngayon.
Bakit sa lahat yata nang na-kidnap ay ako pa ang parang willing?
Nakagat ko ang labi niya kaya naman napatigil siya. Nakita ko pa ang pagdugo niyon kaya naman nakonsensya pa ako.
Nasa itaas ko pa rin siya, nakatitig ng mataman sa akin.
Nakahiga ako sa kama. Ang dalawa kong kamay ay nakatali sa may headboard. Ang dalawa ko namang paa ay magkahiwalay na nakatali kaya naman nakabukaka ako ngayon.
Namula ang mukha ko nang ma-imagine ko ang itsura ko ngayon habang nakatali. Para bang ang laswa sa point of view niya.
Umiwas ako ng tingin sa kanya. Bumaling ako sa may gilid at doon ay nakita ko ang bintana. Nakahawi ang mga kurtina kaya naman nakikita ko ang labas. Madilim na pala. Ganoon ba ako katagal nakatulog?
Parang kanina lang bago ako mapunta sa sitwasyong ito ay umaga pa lamang. Nakasinag pa ang araw at ready nang mabuhay sa panibagong araw.
But I did not expect that I will be here, laying on a bed. My hands and foot are tied and a famous celebrity is here in front of me. My ex is in front of me and we kissed.
Minsan talaga mabibigla ka nalang sa pangyayari sa buhay mo. May mga bagay kang hindi inaasahan pero nangyayari.
He stayed on his position. Ramdam ko pa rin ang paninitig niya sa akin.
Lakas loob akong bumaling ulit sa kanya. "Ano 'to, Brent?" nanghihina kong tanong.
Napadila siya sa kanyang labi at tumayo. Tumalikod siya sa akin at napamasahe sa tungki ng kanyang ilong. I heard him sigh before he turns around to face me.
"I can't move on, Shinoeh Weanne." Saka siya pumikit na tila ba pinipigilan niya ang emosyon niya.
Napakunot ang noo ko. "What? What do you mean?" naguguluhan kong tanong.
Tumingin siya sa akin gamit ang seryoso niyang mga mata at tumawa ng walang laman. "Don't act as if you don't know what I am saying. You know what I am saying," seryoso niya pa ring sambit.
Napatingin ako sa baba at natahimik. Alam ko. Alam ko ang tinutukoy niya.
Talaga ba? Pero bakit? Isn't he happy to his life now? Without me.
"No, Brent," saad ko at pumiling.
Nanatili siyang nakatingin sa akin. Hinihintay ang aking sasabihin.
"You dont mean that," mahina kong saad. "I know that you are in a relationship with Yuria. You moved on," mariin kong sambit at ako naman ang tumawa ngayon ng walang laman.
Nakita ko ang pandidilim ng kanyang paningin. Tila ba binuhay ko ang galit sa kanyang pagkatao.
"What do you know about my feelings, Shinoeh Weanne? What do you know about the truth?" nanghihinakit na saad niya. Kitang-kita ko ang sakit sa kanyang mukha at mga mata.
Muli ay napaiwas ako ng tingin. "You are happy with your life now. Without me. Gugulo lang ang buhay mo kung isasali mo ako ulit," napapapiling kong saad.
Totoo naman ang sinabi ko dahil matagal nang ipinamukha sa akin iyan. Na isa lang akong extra sa mundo ng tanyag na si Brent Jax Yarez. Mas may bagay sa kanya, mas may magpapasaya sa kanya at t si Yuria iyon. Pasok siya sa lahat ng criteria. At ako? Hindi. Never.
Napakagat siya ng mariin sa kanyang labi. Hindi man lang nasaktan kahit na nasugatan ko na siya roon.
"You are not sure about what you said. I am not really happy," usal niya at napapiling. Feeling disappointed with what I said.
Ibubuka ko pa lang sana ang bibig ko pero tumalikod na siya. Amba na sana niyang bubuksan ang pintuan nang pigilan ko siya.
"Are you not gonna untie me? My hands are feeling sore," I said. Nagbabakasakali na papakawalan niya ako.
Humarap siya sa akin at pumiling. "No. You need to reflect on yourself. You need to reflect on what you said. Tatanggalin ko lang ang tali mo kapag na-realize mo na dapat kang mag-stay rito kasama ko," saad niya at tumalikod na.
"Brent!" sigaw ko sa kanyang pangalan pero hindi niya ako pinansin.
Tuluyan na nga siyang lumabas. Naiwan na akong mag-isa rito sa kwarto.
Napatingin ako sa kisame. Gusto kong maiyak dahil sa frustration. Naiiyak ako sa sitwasyon ko ngayon. Ni hindi ko alam kung saan ba ako. Kung malayo ba ito o ano.
Baka nag-aalala sa akin ang mga magulang ko. Kahit naman nasa malayo sila ay nakikibalita pa rin sila sa akin. Paano na lang kung hindi ko sila ma-contact. Anong iisipin nila?
Paano ang trabaho ko? May babalikan pa ba ako? Lalo na at umalis ako ng wala man lang paalam.
Gusto kong sabunutan ang sarili ko pero hindi ko magawa. Paano ba naman kasi ay nakatali pa rin ako!
At higit sa lahat, naiinis ako sa sarili ko kasi nararamdaman ko pa rin ang saya sa puso ko kahit na ganito naman ang kinakaharap kong sitwasyon.
Masaya ang puso ko kasi naiisip ko paano kung totoo ang sinabi ni Brent na hindi pa niya ako nakalimutan?
At higit sa lahat masaya ako dahil makakasama ko siya. Magkakaroon ako nang pagkakataon na tignan siya ng malapitan.
Hindi tulad ng mga nakaraang taon na sa malayo ko lang siya nakikita at natitigan. Madalas ay sa mga billboard at letrato ko lang siya nakikita. At hindi ko rin ma ide-deny na sumaya ang puso ko bilang isang fan. Hindi niyo man naitatanong. Ako ang pinakaunang naging fan ni Brent. Nakita ko lahat ng pagsubok na kinaharap niya para makarating sa rurok ng kasikatan ngayon.
Tumulo na nga ng tuluyan ang aking mga luha. "Gusto ko ito, Brent. Gustong-gusto kitang makasama. Pero mali. Maling mali," bulong ko sa aking sarili.
Ilang minuto ang nakalipas bago siya bumalik. Gusto ko mang punasan ang mga luha ko para hindi niya iyon makita ay hindi ko magawa.
May dala siyang bed table at may nakapatong na tray roon. May mga pagkain na rin. Nasilip ko iyon kahit sobrang ngalay na ng leeg ko.
Natigilan siya sa kanyang pwesto nang makita niyang may mga luha ang aking mukha. Napangiwi siya at napadila sa kanyang labi.
Pinanood ko lang siya. Tinanggal niya ang pagkakatali ng aking kamay at paa kaya naman nabuhayan ako. Baka papakawalan na niya ako.
Inalalayan niya akong makasandal sa may headboard. Inilagay niya ang bed table sa harapan ko. Nakita ko na nga ang pagkain doon. I am sure that he was the one who cooked it.
Noong kami pang dalawa ay madalas niya rin akong ipagluto kaya naman alam na alam ko na ang luto niya.
"Eat," tipid niyang saad.
Akma ko nang kukunin ang kutsara at tinidor pero pinigilan niya ako. Hinawakan niya ang kamay ko at tinignan iyon. Nakita niya ang pamumula nito kaya naman napapikit siya ng mariin.
"Sorry," he whispered and caressed the red lines on my pulse.
Dahan-dahan niyang binitawan iyon at ipinatong sa may kandungan ko.
Kinuha niya ang kubyertos at siya na mismo ang nagsubo ng pagkain sa akin. Hindi na ako nagreklamo dahil gutom na gutom na din naman ako.
Maingat niya akong sinubuan ng pagkain. Bawat galaw niya ay ramdam ko ang sinseridad.
"Kumain kana ba?" tanong ko habang sumasandok na naman siya ng kanin.
Tumingin siya sa akin at pumiling ng maliit.
Napataas ako ng kilay. "Pinapakain mo ako tapos ikaw hindi ka pa pala kumain," medyo inis kong sambit.
Nakita ko ang pagkislap ng kanyang mga mata. Saglit lamang iyon dahil napalitan ulit ng matigas niyang ekspresyon.
"Ahm.. I can't really finish that by myself only," tukoy ko sa pagkain.
Tinaasan niya ako ng isang kilay.
"We can share," utas ko at napakagat sa aking labi.
Sa totoo lang ay iba na ang pakiramdam ko sa presensya niya ngayon. Dahil na rin siguro matagal na mula nang magkasama kami. At ibang-iba na kasi talaga siya ngayon. Mas lalong nag-glow up.
Bumakas ang maliit na ngiti sa kanyang labi. Pagkatapos niya nga akong subuan ay siya naman ang sumubo ng pagkain.
"Are you gonna tied me up again?" I asked after we finished eating. Baka kasi ibalik na naman niya ang mga tali.
Bumuntong hininga siya at tumingin sa aking mga kamay. Directly to my pulse. "No," he simply said.
Napatango ako at napangiti nang malawak. Salamat naman. Ang hirap kayang nakatali 'no. Tapos ang awkward pa ng posisyon ko.
"So when will we go home?" nagbabakasakali kong tanong.
Napakagat ako ng mariin sa aking labi. Sana pala ay hindi ko na lang tinanong iyon. Nag-iba na naman kasi ang expression niya. Parang binuhay ko na naman ang galit doon.
Tumingin siya ng masama sa akin. He looks like a tiger now, ready to eat his prey.
"I think you need some more time to think," he said and walked out.
Tumayo ako at sinundan siya. Ang kaso ay naging mabagal ang lakad ko dahil na rin masakit pa ang mga paa ko dahil sa pagkakatali.
Napaawang ang aking bibig nang malakas niyang sinara ang pintuan at narinig ko ang pag-lock nito sa labas.
"Brent!" I shouted and punched the door. Dammit.
"Stay there. You need more time to think," he seriously said with his deep voice. Narinig ko na ang mga yapak niyang papalayo.
Napatalikod ako at napasandal sa pintuan. I frustratedly grab my hair. Gosh, what will I do now?
Pumunta ako sa may bintana at sinilip ang labas. Napakatayog pala. Hindi ako pwedeng tumalon dahil siguradong mababali ang mga buto ko.
I just stayed there while thinking. Malamig ang simoy ng hangin. Sumasabay ang hampas ng aking buhok dito.
If someone will ask me if I want to stay with him here or no, I will say I want to. Gusto ko naman talaga eh. Gustong-gusto ko.
Pero mali kasi talaga. Marami kaming dapat isaalang-alang. Maraming maapektuhan.
Paano na ang career niya kung mag i-stay kami rito. Paniguradong hahanapin siya ng mga fans niya. Ha! Paano nga pala ang paparating niyang concert?
Napatingin ako ng masama kung saan. Bakit pakiramdam ko talaga ay may kakaiba sa concert na sinasabi niya?
Napapiling ako. "Think, Shinoeh Weanne. You need to think of a solution," pilit ko sa aking sarli.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong naroon. Narinig ko nalang ulit ang pagbukas ng pintuan. Pero hindi ko siya binalingan. Nanatili pa rin ako sa aking pwesto.
Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin. Para pa akong nakuryente nang maramdaman ko ang malapad niyang palad sa aking bewang.
Lumapat ang bibig niya sa aking tenga. "If you are thinking to escape in this window, think again, Baby," he whispered. Tila namamaos pa ang kanyang boses. Kaya iba na naman ang dalang epekto niyon sa akin.
Binaling ko ang mukha ko sa kanyang mukha. Mataman siyang nakatitig sa akin. Napadila ako sa aking labi at nakipagtitigan sa kanya.
Habang ganoon kaming dalawa ay pumasok sa utak ko ang maaring maging solusyon sa pinoproblema ko.
Itinaas ko ang isa kong kamay at inilapat iyon sa kanyang mukha. I caressed his face slowly. Napapikit siya dahil doon.
I'm sorry, Brent Jax. I want to stay but we can't.
I will act like I want to stay with him. Kapag panatag na ang loob niya ay roon na ako tatakas.
Alam kong mali pero iyon lang ang tanging nakikita kong solusyon.