Shinoeh Weanne Cueva's P.O.V.
Hinuli niya ang kamay kong nakahaplos sa kanyang mukha. Binuksan niya ang kanyang mga mata at muli na namang nagtama ang paningin naming dalawa.
Nag-isip ako. Bumwelo ako sa aking utak kung ano nga ba ang dapat kong sabihin.
Ang kamay kong hawak niya ay dinala niya sa kanyang dibdib. Sinundan ko ng tingin ang aking kamay. Nagulat pa ako at napaawang ang aking bibig dahil sa nadama ko roon.
Malakas ang t***k ng puso niya. Mabilis iyon at tila ba gustong kumawala mula sa kanyang katawan.
Nanlalaking mga matang tumingin ako sa kanya. I saw the glint of smirk from his mouth.
"Can you feel that?" paos niyang tanong.
Napalunok ako at tumango ng mabagal sa kanya.
Bakit? Bakit ganoon kalakas ang t***k ng puso niya ngayon?
Alam ko ang maaring sagot sa aking tanong. Pero ayaw kong maniwala.
I don't want to assume things. Ayaw kong sa huli ay ako lang ang masasaktan. Ayaw kong sa huli ay malalaman kong umasa lamang pala ako.
Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mukha sa aking mukha. Pinagdikit niya ang aming mga noo.
Nakapikit muli siya at para bang dinadama niya ang moment naming dalawa.
Pumikit na rin ako. Ibinuka ko ang aking bibig at sa wakas ay naglabas na ng mga salita. "Do you really want this?" I asked while my eyes are still closed.
Ramdam kong binuksan niya ang kanyang mga mata. Ramdam ko kasi ang titig niya sa akin. Nagtagal ng ilang minuto bago ko muling binuksan ang aking mga mata.
He placed his thumb on my lower lip. He stared there for a second. Then after that he answered my question.
"I will not do this if I am not," he seriously said.
Bahala na. Bahala na kung anong mangyari. Sasakyan ko na talaga ang pinaplano ko.
Tumango ako at ngumiti ng pilit sa kanya. "Alright." Saka ako tumango muli.
Binitawan niya ang labi ko at umayos ng tayo.
Namulsa siya at pinakatitigan muli ako ng seryoso. Tinitimbang kung seryoso ba ako sa aking sinabi.
"I am serious. If you want this then let's do it," lakas loob kong sambit at pagkatapos ay napakagat ako sa aking labi.
Napdila siya sa kanyang labi at nanatiling tahimik. Tinatantya pa rin ang mga salitang lumabas sa aking bibig.
I know that he is doubtful. Parang kanina lang kasi ay gustong-gusto ko nang umuwi at ngayon naman ay pinagbibigyan ko na siya sa kanyang gusto.
Bumaba ang tingin ko sa sahig. "I know that you don't want to believe on me. I understand that," mahina kong saad.
Nanatili pa rin siyang tahimik sa kanyang pwesto.
"Alam mo? Naisip ko ang mga sinabi mo. Siguro nga masyado akong naging makasarili at hindi inisip ang damdamin mo," umpisa ko. Ang boses ko ay nangangaralgal na rin.
I know that it is my plan to escape. But I am sincere on what I said.
Tumingin ako sa kanya at nakita kong nag-iba na ang ekspresyon ng kanyang mukha. Nakikita ko na roon ang lungkot at sakit.
"Kaya naman naisip ko na bakit hindi kita pagbigyan sa gusto mo. Saka..." Tumawa ako ng mahina. "Tatanggi pa ba ako kung ang isang katulad mo na ang lumalapit sa akin? Like, isang Brent Jax Yarez na ang nasa harapan ko. Maraming nagmamahal at sumusuporta. So I will consider myself lucky to be here with you." Ngumiti pa ako ng malaki sa kanya. Dito sa parteng ito ay totoo ang aking sinabi. Swerte nga naman ako na nasa harapan ko ang pilit na inaabot ng lahat.
He sigh and let his thumb brushed my tears. Ni hindi ko nga napansin na umiiyak na pala ako. Na meron na pala akong luha.
"If you still don't want to believe me, you can lock me up here and hindi ako magtatangkang umalis," pangungumbinsi ko. Itong parte naman na ito ay isang kasinungalingan.
Inilapit niya ang labi niya sa aking noo at hinalikan ako ng mariin doon.
"I miss this. I miss being near to you," mahina niyang saad. I can feel the sincerity on his words. Kaya naman kahit na pilit kong sinasabi sa aking sarili na huwag akong maniwala sa kanya ay umaasa pa rin ako na totoo ang pinapakita at sinasabi niya sa akin.
Tumahimik kaming dalawa ng ilang minuto. Dinadamdam ang bawat isa.
"Ahmm," basag ko sa katahimikan.
Agad naman siyang tumingin sa akin. Hinihintay ang aking sasabihin.
"Do I have clothes here? Medyo nangangati na kasi ang katawan ko. Kanina ko pa kasi suot ito." Turo ko sa damit kong suot simula kanina pang umaga.
He chuckled and hold my hand. He lead me to the closet. Binuksan niya iyon at muli na namang napaawang ang aking bibig.
Maraming damit roon. Sa kabilang side ang panlalaki at sa kabilang banda naman ang pangbabae.
Hinawakan ko ang isa at napangiti ako. Ganito ang mga gusto kong sinusuot.
"Do you like it?" nakangiti niyang tanong.
Bumaling ako sa kanya at tumango. "Yup. These kinds of clothes is what I want," I answered.
Napatango siya. "Of course, Baby. I know what you want."
Nanlambot yata bigla ang mga tuod ko. Parang gusto ko yatang mahimatay sa kilig dahil sa sinabi niya.
Oh my gosh, Shinoeh Weanne! Maghunos-dili ka. Focus on your plan.
Pinapili na niya ako ng susuotin kaya naman kumuha na ako.
Simpleng pantulog lang iyon. Silk na kulay pink. Sleeveless pero may roba naman.
Napataas ako ng isang kilay nang mapansin na sumusunod siya sa akin hanggang sa may banyo.
"Ahm... Maliligo na ako," saad ko.
Tumango lamang siya at sinusundan pa rin ako. Hanggang sa makarating ako sa harapan ng pintuan ng banyo ay nasa likuran ko pa rin siya.
Kaya naman bumaling ako sa kanya. Napaurong ako ng kaunti dahil sa sobrang lapit na pala niya sa akin. Muntikan nang mabangga ang mukha ko sa kanyang dibdib!
"Uy," bulalas ko at napanguso.
Tinaasan niya ako ng isang kilay. "What?"
"I said I will take a bath now." Saka ko ginalaw ang mga mata ko. Sign na umalis muna siya.
He just stay still on his place. Parang walang narinig.
Napaisip ako tuloy. Bakit ba ayaw niya muna akong iwan?
Napatango ako sa aking sarili nang ma-realize ko iyon.
"Don't worry. I will not escape. Hindi ko naman matatalon ano. Ang taas kaya," utas ko.
Napangisi siya. "Fine," he said and turned around. Naglakad na papaunta sa may kama.
Pumasok na ako at napasandal sa pintuan. "Woah. Akala ko ay susundan niya pa ako hanggang dito sa loob eh," utas ko.
Napatingin ako sa side ko at may malaking salamin doon. Kitang kita pa ang pamumula ng aking mukha. Kamatis ka, girl?
Isinabit ko na ang dala kong damit sa may rack. Nakita kong may towel na rin doon.
Sanay akong sa closet magbihis. Pero sa lagay ko ngayon ay dapat sa banyo ako magbihis. Like duh, may kasama kaya akong lalaki ngayon sa iisang kwarto.
Nilagay ko na ang marumi kong damit sa may laundry basket.
Naginawahan ang aking katawan nang dumagos na ang tubig. I feel so refreshed right now.
Kumuha na ako ng shampoo at natigilan pa ako ng kaunti nang makita ito. Pati ba naman ito ay alam niya pa rin?
Napatingin din tuloy ako sa sabon. Sakto rin sa ginagamit ko.
Napakagat na lang ako sa labi at ginamit na ang mga iyon.
Napapikit ako nang muling dumagos sa katawan ko ang tubig.
Ilang minuto nga lang ay natapos na ako. Naglakad na ako sa may rack at kinuha ang tuwalya. Napatingin pa ako sa katawan ko dahil sa malaking salamin dito sa banyo.
Kinuha ko na ang nga nakasabit kong damit.
"Damn," I cursed when I realized something.
Oh gosh! Wala akong underwear!
Napasapo ako sa aking noo at kinuha ang roba. Sinuot ko iyon. Wala na akong choice!
Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan. Sinilip ko kung nasa kwarto pa ba siya o wala.
Nakahinga ako ng maluwag nang makitang wala siya. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa roba habang naglalakad patungong closet.
I am not even sure kung meron bang underwear doon. Wala naman kasi akong napansin kanina. Mangangalkal na lang ako.
Mabilis akong nakarating sa may closet at agad na naghanap ng pakay ko.
Lumuhod ako at yumuko ng kaunti.
"Finally," I said. Nakakita rin kasi ako sa wakas. Nasa may pinakababa iyon. Nasa may drawer. Plain na iba-ibang kulay. May mga lacey pa!
Kinuha ko ang kulay itim. Partnered pa ang mga iyon.
"What are you doing?"
Napapiksi ako at nabitawan ang hawak ko. Bumaling ako sa kanya. Ang reaksyon ko ay daig pa ang nahuling may ginagawang masama.
"Ha," hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
"Ehem," napatikhim siya at napaiwas ng tingin sa akin.
Napatingin ako sa tinitignan niya kanina. Kung kanina ay kamatis ang mukha ko, ngayon ay ketchup na.
Dahil sa aking pwesto. Nahila pala ang tali at lumuwag ang roba sa may bandang dibdib. Kitang kita tuloy ang pisngi ng mga iyon. Kaunti nalang ay makikita na ang u***g.
Mabilis akong napaayos at tumayo. "Ah kasi nakalimutan kong itanong ito," saad ko at tinuro ang mga underwear.
Pero mas lalo yata akong namula. Ano ba naman iyan?
Nameywang siya at humarap sa akin. "You look so red," utas niya. "Don't be embarrass. Nahawakan ko naman na iyan dati," dugtong niya pa.
Napaawang ang bibig ko at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya. At talagang!
"I'll leave you here. Get dress. Baka lamigin ka pa," seryoso niyang saad at umalis na.
Napapadyak ako sa may drawer at napasabunot sa aking buhok. Kainis naman kasi na Brent na iyon. Ipapaalala pa talaga iyon.
Pero... oo nga naman. Nahawakan na niya ang dibdib ko noong kami pa at nasubo. Pero hanggang doon lang! Wala pa talagang nangyayari sa pagitan namin.
Sinuot ko na nga ang pantulog ko. Lumabas na ako at nakita siyang nakaupo sa may kama.
I want to ask about his work. I am so curious about the concert.
Pero sa bandang huli ay napanguso na lamang ako. Baka kasi masira ko na naman ang mood.
Itatanong ko na lang siguro iyon kapag talaga palagay na ang loob niya na hindi ko siya iiwan dito.
Nagtungo ako sa may vanity mirror. Nakikita ko ang reflection niya sa salamin.
Nakatingin na siya sa akin ngayon. Pinapanood na naman ang mga galaw ko. Kaya naman nailang ako. Iba kasi siya kung makatitig eh.
Tumayo siya at lumapit sa akin. Napatingala ako sa kanya at nagtatanong ang mga mata ko.
Kinuha niya ang hair brush at sinuklay ako. Pinanood ko lang ang ginagawa niya sa akin sa pamamagitan ng salamin.
He looks very serious while combing me. Nang matapos siya ay yumuko siya at ipinatong ang kanyang ulo sa aking ulo.
Nagtugma ang mga mata namin sa salamin.
"Baby," he called.
"Hmm?"
"Are you happy while I'm away from you?" he asked.
Natigilan ako at hindi nakagalaw sa aking pwesto.
No, Brent. I am not. I am always thinking about you. About us. But what can I do when fate is cruel to us?