XVII.
Halos matunaw ako sa kinatatayuan ko nang humakbang papasok ng room si Kyle. Napaatras 'yung guy dahil doon.
I can't even utter a single word. Ito na ba? Ito na ba 'yon? Malalaman na ba ng lahat na nagpapanggap lang talaga ako?
Namilog ang mata ko nang suntukin niya sa mukha 'yung guy. Napahiga iyon sa sahig pero sinipa niya pa ulit, ni hindi man lang makaganti sa kanya iyon. I don't understand, what is he doing?
Mabilis akong napahakbang nang bigla siyang dumampot ng isang upuan para ipalo doon sa guy pero napatigil din ako nang biglang bumukas ang pinto. Sunod sunod na sumilip ang mga estudyante at isang prof.
"What's happening here?!" Sigaw nung prof kaya binitawan ni Kyle 'yung upuan.
Mabilis na tumayo 'yung guy habang tinuturo ako. "Nagpapanggap lang 'yang babaeng 'yan!" He exlaimed, everyone gazed at me that made me froze.
I'm done.
"Ha? Anong nagpapanggap?" Tanong ng isang estudyante habang naniningkit ang mata na pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa.
Tinuro nung guy 'yung labi niya na may dugo na sa totoo lang ay ako ang nakagawa.
"Siya ang gumawa sa'kin nito, niloloko tayong lahat ng babaeng 'yan! Binalibag niya ako sa mga upuan at sinipa sa mukha! Nagpapanggap lang 'yang mahina para mauto kayong lahat!" Sigaw niya kaya sunod sunod na nagbulungan ang lahat.
May ilan din na tumatawa dahil hindi naniniwala, paano nga naman sila maniniwala kung ganito ang get up ko? I was always the one that was being bullied, kaya sinong maniniwala na magagawa ko ‘to sa bully na ito?
"What are you saying? Hindi tumatanggap ang school na 'to ng false information tungkol sa students. Bakit ka nangbibintang ng ganyan?" Nagtatakang tanong ng prof habang nakakunot ang noo.
"Maniwala kay—"
"Vergara, what happened here? And why are you even here? Hindi dito ang klase mo ngayon." Lumingon ang lahat kay Kyle na nakatayo sa gilid dahil sa tanong ng prof.
He glanced at the professor, uninterested and bored. Kinamot niya ang sentido niya bago nagsalita. "Hinahanap ko ang wallet ko, at naabutan ang isang 'to na sinasaktan si Ynna.." He paused for a second and glanced at me. "At hindi ko 'yon nagustuhan."
What? Anong sinasabi niya? Bakit siya nagsisinungaling para sa’kin?
"So, ikaw ang gumawa niyan sa kanya at hindi si Ynna?" Tanong nung isang estudyante habang tinuturo 'yung guy na galit na ang itsura dahil sa sinasabi ni Kyle.
"How can she do those things with that small body?" Iritadong tanong niya.
"f**k! Wag mo kong gawing sinungaling! May dugo na ko sa labi nung dumating ka—"
"Didn't i dare all of you to touch her?" Pagputol ni Kyle sa sinasabi nung guy. That cold voice of his, halos magtaasan ang mga balahibo ko sa katawan. Natigilan ito. "I warned all of you, didn't i? I heard memories will return if you give a shock to the head, and it seems like you forgot about it so i gave you one."
"Anong—"
"Stop that already." Pag awat nung prof bago lumingon sa'kin. "Are you okay, Castro?"
"I-i'm fine.."
Tumayo siya bago ibalik ang tingin sa guy na galit na galit ang itsura. Nanginginig siya sa galit pero wala siyang magawa dahil mukhang hindi niya na kaya na sumagot kay Kyle. He's intimidated by him. Natatakot siya kaya wala siyang magawa kundi manahimik na lang.
"Let's talk later, pumunta ka muna sa clinic para magamot ang sugat mo. I need your explanation, kung bakit nandito ka sa room na 'to. Nandoon ka dapat sa kabilang building dahil senior ka, and you're here hurting a junior. I won't let you pass this time, Gamboa." Sabi ng prof doon sa guy kaya padabog na lumabas iyon. Tinaob pa 'yung isang upuan na nakaharang kaya’t saglit na natahimik ang lahat dahil sa pagkagulat.
The professor sighed. "I'm sorry for that, Castro. Marami na talagang ginanto na estudyante 'yon, pumunta ka na lang sa clinic kung may masakit sayo. Ako na ang bahala kay Gamboa."
"I will, thank you.."
Nag-alisan na ang lahat pati ang mga nakikiusyoso lang na mga estudyante.
Naiwan kaming dalawa ni Kyle. Why did he do that? Bakit nagsinungaling siya kahit alam naman niya sa sarili niya na ako ang may gawa no'n? I kicked that guy's face and he knew it! Matalino siya. Walang ibang gagawa no'n dahil kami lang ang nandito kanina! Inako niya ang lahat at hindi ko alam kung bakit, wala naman siyang dahilan para gawin iyon!
Tinulungan niya ako at niligtas. Akala ko ay katapusan ko na pero hindi ko maintindihan. Bakit niya ginagawa 'to? Matagal niya na akong hinuhuli kaya ngayon na pagkakataon na ay bakit hindi niya iyon ginawa?
"Castro.."
Halos mapatalon ako nang makita na lang siya sa harapan ko, dahil sa pag-iisip ay hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya. Inayos ko ang sarili ko nang makitang pinagmamasdan niya ako.
"W-why?" Gulat na tanong ko.
"May naisip na ko." Sabi niya saka bumagsak ang tingin sa mga magulong upuan na nasa tapat namin.
"Huh?"
"Kung paano ka makakabawi, may naisip na ko." Sabi niya kaya wala sa sarili na napatango ako.
"What is it?"
He tilted his head to stare at me. "Let's have a date."
I nodded. "Okay."
Bigla akong napatigil nung natigilan siya dahil sa sagot ko.
"I said, okay.." Tumango siya at tumalikod na para umalis. Pero bago pa siya makalabas ay narealize ko 'yung sinabi niya.
Huh? Wait, date daw?! Niyaya niya ako ng date at basta na lang ako pumayag?
-
Claire Ramirez
Inis na binato ko ang lahat ng gamit na nandito sa harap ko, nagkalat ang mga makeups ko na nanggaling sa loob ng bag. Ang aga aga ay nag iinit ang ulo ko!
"I told you to bring her to me, you freaking idiot! Bakit kailangan mo pang gumawa ng kwento?! Nagmukha ka lang tanga!" Galit na sigaw ko kay Joshua Gamboa na parang kawawang asong napagtulungang bugbugin ng mga tambay.
Inutusan ko siyang dalhin sa'kin si Ynna Castro para mabigyan ko siya ng leksyon. Pero pumalpak siya, dumating si Kyle Vergara at niligtas ang bwisit na Ynna Castro na 'yon! Bakit ba nililigtas ni Kyle Vergara ang babaeng 'yon?!
"Hindi ako gumagawa ng kwento." Sabi niya kaya tumaas ang kilay ko at tumawa ng malakas.
"Do you think i'm an idiot? That ugly nerd hurt you?! Sinong maniniwala sayo?!"
"f**k! Bakit ba ayaw niyong maniwala? Kahit ako ay hindi rin makapaniwala nung una." Kumunot ang noo ko. "Hinawakan niya ko sa damit saka binalibag sa mga upuan! Sinipa niya pa ako sa mukha—"
"She really did that to you?"
He nodded many times, nagmamakaawa ang mga mata niya. "Parang bigla siyang nag-ibang tao, nakangisi siya ng kakaiba habang nakatitig sa'kin. Hindi ko maiwasan na kilabutan ng mga oras na 'yon.."
"So, bakit sinabi ni Kyle Vergara na siya ang gumawa no'n sayo?" I asked.
"Hindi ko rin alam." Umiling siya. "Matapos ng kakaibang ngiti na 'yon.."
"Kakaibang ngiti?" Curious na tanong ko.
"Pumasok siya ng room nung dapat ay palabas na ako, bigla siyang ngumisi nung napunta ang tingin niya sa'kin. Nakakapanibago dahil kahit kailan ay hindi ko pa nakikita na nagbago ang emosyon ng mukha ng taong 'yon. Pero nakakakilabot, parang babala. Parang nung mga oras na 'yon ay may binubuo na siyang plano sa isip niya." He paused for a second. "Bigla na lang niyang sinara 'yung pinto at inatake ako, ni hindi ako nabigyan ng pagkakataon na gumanti. Sobrang bilis ng pangyayari. Natigil lang iyon nung may ibang tao na pumasok."
"Sinabi niya sa mga iyon na naabutan niya akong sinasaktan si Castro kaya niya ako inatake. Pero ang totoo ay ako ang nasaktan." Lumingon siya sa'kin. I can see the fear in his eyes. "Hindi ko alam kung anong kinalaman nila sa isa't isa pero nakita ko lahat. Pareho silang dalawa, hindi sila pang-karaniwan na estudyante lang."
Hindi ako nakasagot at napahawak sa sentido habang nag-iisip. Hindi ko alam kung maniniwala ako. How did this happen?
Naghihinala na ko sa Ynna Castro na 'yon nung una palang kaya pinasundan ko siya sa isa sa mga lalake na may gusto sa'kin. Si David. Pero bigla na lang siyang tumigil simula nung may nagpost ng mga pictures niya sa bulletin board na may kahalikan na other guy. f**k. Hindi ako na-inform na bisexual ang isang 'yon.
Sinabi niya sa'kin na gusto niya nang tumigil dahil wala naman daw kakaiba kay Ynna Castro. So, anong kinukwento ng lalakeng 'to na nagpapanggap lang ang babaeng 'yon? Tinutulungan ba talaga siya ni Kyle Vergara? Anong meron sa dalawang iyon? May namamagitan ba sa kanilang dalawa?
I gritted my teeth and heave out a deep sigh. Just wait for it, Ynna Castro. Ibubunyag ko ang totoong pagkatao mo kung totoong nagpapanggap ka lang talaga. Sisiguraduhin kong hindi ka na makakalapit pa kay Kyle Vergara kahit kailan.
I fixed my dress in front of the mirror, laughing like an evil. You want a game, Ynna Castro?