XVIII.
Hindi mapakali na nakatayo ako dito sa labas ng sine-han. Dito ko kasi sinuggest kay Kyle na magpunta kahit hindi niya naman ako tinatanong.
Nung una, mukhang ayaw niya dahil sa tingin ko ay may plano na siya. But, gusto kong maranasan 'yung pangkaraniwang date na ginagawa ng ibang tao.
Yeah. Believe it or not, may date kami.
Hindi ako makapaniwala na niyaya niya ako at pumayag ako! Hindi ko naman naintindihan nung una 'yung sinabi niya dahil sa nangyari kahapon kaya um-oo na lang ako. Hindi kaya isipin niya na easy to get ako?
Habang nag-iisip ay hindi ko namalayan na nakarating na pala si Kyle, sa malayo pa lang ay kitang-kita ko na siya. Sa dinami-dami ng tao dito sa mall ay mapapansin agad siya dahil sa tindig at itsura niya. Blonde pa 'yung buhok niya. Parang magnet 'yung mga mata ng mga tao dahil sinusundan siya ng tingin.
Lalo na 'yung mga babae. May mga nagsisikuhan pa at ingunguso si Kyle para ituro na naglalakad palapit sa'kin. He's wearing plain black shirt at pantalon na hindi gaanong fitted sa binti niya. Handsome as always.
"Kanina ka pa?" Agad na tanong niya pagkalapit niya sa'kin dahilan para mapailing ako.
"No, i just got here." Sabi ko dahil totoo naman. Tumango siya kaya ngumiti ako habang inaayos 'yung glasses ko. Hindi na rin ako nag-abala na maghanap ng magandang damit dahil conyo naman talaga ang style ni Ynna Castro.
Pang-manang naman lahat 'yon, ganoon din ang kalalabasan kahit pag-isipan ko pa. Kaya hindi na ako nag-abala.
Bumili kami ng ticket para sa panonoorin namin. Action. Ayun ang sinuggest ko kahit sa totoo lang ay romance ang gusto ko, iniisip ko lang siya! Baka kasi ayaw niya ng romance at maboring lang siya.
Umupo kami sa malapit sa taas bago mamatay ang ilaw. Puro trailer pa lang ang nasa screen kaya lumingon ako kay Kyle na ngumunguya ng popcorn.
Mukhang bago pa magsimula 'yung panonoorin ay mauubos na 'yon. Kaya pala ang dami niyang binili na pagkain.
"Hindi ka ba nahihiya na kasama ako?" Tanong ko kaya napatigil siya sa pagnguya bago lumingon sa'kin. Nagtataka siguro siya dahil bigla ko na lang naitanong 'yon.
Kanina ko pa kasi napapansin na pinagtitinginan kami, hanggang ngayon na kahit madilim ay may napapatingin sa pwesto ni Kyle dahil naiilawan ng phone niya 'yung mukha niya. Tititig sa kanya 'yung mga 'yon tapos ililipat sa'kin 'yung titig kaya napapakunot sila ng noo.
I don't know! Ganito ba talaga ang feeling? Hindi naman sa pagmamayabang pero kapag hindi ako naka-disguise ay lagi akong pinupuri dahil sa itsura ko. Hindi ko na 'yon itatanggi, part time model ako sa Canada at maraming nanliligaw sa'kin pero wala akong natitipuhan.
Hindi tulad ngayon, pinagmamasdan nila ako na para bang nakakadiri ako. Ganito na ba talaga ang mga tao ngayon? Everyone's beautiful in their own way, may mga maswerte lang na physically beautiful kaya nakikita iyon ng mga tao. But someone out there has a beautiful heart, hindi lang iyon nakikita ng ibang tao dahil hindi sila attractive. Pero hindi naman dapat itsura ang batayan para masabi na maganda ang isang tao.
"Bakit ako mahihiya?" Tanong niya kaya ngumiti ako bago umiling. Pareho lang siguro kami ng point of view o wala lang talaga siyang pakialam sa ibang tao.
"Nevermind." Sabi ko kaya tumango siya. Pero wala pang two minutes ay tinawag ko ulit siya dahil may isang bagay ako na gustong-gusto na itanong sa kanya.
"Are you naturally.. Uh, blonde?" Tanong ko kaya natigilan siya. Napangiwi ako saka mabilis na umiling. "Wag mo nang pansinin!"
Napakagat na lang ako sa labi ko. Anong klaseng tanong 'yon? Napaka-walang kwenta! Baka sabihin niya pati buhok niya pinapakialaman ko!
Nagsimula 'yung movie kaya hindi na kami nag-usap, sa totoo lang ay nag-eenjoy ako dahil nakakakuha ako ng mga techniques dahil action nga ito. Pero hindi ko rin maiwasan na mapalingon kay Kyle na nakatutok talaga sa panonood. Hindi niya ako kinakausaaaaap!
"I can't believe na namatay din siya sa huli." Iiling-iling na sabi ko na nag-iinat habang naglalakad palabas ng sine-han. Tapos na 'yung movie at ngayon lang ako nakapagsalita ulit.
Lumingon siya sa'kin, na-concious naman ako bigla nang tumitig lang siya. Tinuro niyang 'yung gilid ng labi niya.
"May catsup ka—"
"Oh, shit." Hindi ko na pinatapos 'yung sinasabi niya saka natataranta na pinunasan 'yung gilid ng labi ko bago ngumiti sa kanya.
Kasalanan nung kinain na burger namin 'to!
Nakita ko ang maliit na ngiti niya bago ako hawakan sa palapulsuhan at hilahin.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko kaya napatigil siya ulit bago lumingon sa'kin. Teka, parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi.
"Ano 'yon? Tell me."
"I want to get a hair—"
"Oh, haircut?" Gulat na tanong ko kaya umiling siya. "Hairdye?"
Tumango siya kaya naningkit ang mata ko. "Hala, baka gusto mong magpakulay dahil sa tanong ko kanina ah? Bagay naman sayo 'yan! Wala naman akong sinasabi na—"
"Plano ko na dati pa kaso nakakalimutan ko, naalala ko lang ngayon dahil nabanggit mo." Pagputol niya sa sinasabi ko kaya mabagal na tumango ako.
"Sure ka, huh?" Tumango siya kaya ako na ang excited na humila sa kanya. Pagkadating namin sa salon ay magkakasabay na lumingon ang lahat kay Kyle. May mga bakla pa kaya ang lalagkit ng tingin ng mga 'yon.
"What can we do for you, mom, sir?" Nakangiting sabi nung isang babae kaya tinuro ko si Kyle.
"Gusto niyang magpa-itim ng buhok." Sabi ko kaya nakangiti na lumingon iyon kay Kyle. Sinenyasan niya iyon na umupo sa isang upuan na sinunod naman agad ni Kyle.
Umupo ako sa upuan dito kaya mabilis na umupo sa tabi ko 'yung isang babae.
"Ano mo si sir?" Tanong niya habang nginunguso si Kyle.
"Huh?"
"Boss mo? Amo?" Tanong niya kaya sumama ang tingin ko sa kanya kahit hindi niya naman nakikita dahil nakatitig siya sa reflection ni Kyle sa salamin. Iuntog ko kaya 'to sa tiles?
Pinalo siya sa braso nung isang gay na nagtatrabaho rin dito. "Ano ka ba naman, sis? Maganda naman si ma'am, hindi lang masyadong naaayusan!" Ngumiti siya sa'kin. "Gusto mo bang ayusin kita, ma'am? Yung hairlalu mo lang naman ang problema sayo tsaka konting foundation lang para matakpan 'yung mga pimples mo. Hmm, isama na rin 'yung porma. Pag nabago lahat 'yan, hmm. Kabog!"
Mukhang hindi niya naman ako inuuto lang para madagdagan ang customer niya, noh?
"Nakita mo 'yang si ma'am Chloe? Regular customer namin 'yan dito, ang ganda ganda niya diba?" Mabilis akong napalingon sa isang babae na kasalukuyan na kinukulayan ang buhok.
Nanlaki ang mata ko nang makita ang reflection ng kapatid ko sa salamin, nakatingin siya sa gawi namin kaya hindi agad ako nakagalaw. Oh my gosh, bakit nandito si Chloe?!
May isang customer sa pagitan nila ni Kyle kaya hindi sila magkatabi. Pero hala, imposible naman na hindi niya nakita na magkasama kami dahil kitang-kita sa pwesto niya 'yung mga pumapasok dito.
"Is she your regular customer?" Tanong ko sa kausap ko kaya ngumiti siya.
"Oo. Mataas din magbigay ng tip 'yan kaya may pagka-mataray, kailangan perfect talaga ang lahat. Medyo takot din kami dahil nasigawan na kami niyan dati dahil hindi na-reach 'yung expectation niya. Buti nga ay bumalik pa siya dito." Bulong niya kaya napangiti ako. Lahat talaga ay tinatarayan nitong kapatid ko. What's new?
"Kaya magpa-ayos ka na sa'min, ma'am. Hindi ka magsisisi." Sabi niya kaya umiling ako. Bakit naman ako magpapa-ayos eh nagpapanggap nga ako?
"Next time na lang. Haha!"
"Bakit next time pa, ma'am? Ngayon na, dali." Malambing na pilit niya kaya lumingon ako kay Kyle nakatingin na pala sa'kin mula sa salamin.
"Sorry, ayoko talaga. Sa susunod na lang, dito ako magpapaayos." Sabi ko pero pinipilit niya pa rin ako. Parang bawal naman yata 'to. Bakit niya ba ako pinipilit?
"You." Sabay na napalingon kaming dalawa kay Chloe nang magsalita 'yon. Akala ko ay ako 'yung tinutukoy niya pero 'yung kausap ko pala.
"Yes, ma'am?"
"Ikaw ang gusto kong mag-ayos sa'kin." Sabi ni Chloe kaya natatarantang tumango iyon. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon dahil wala nang pumipilit sa'kin simula no'n.
Habang naghihintay ay sakto naman na nagsend ng photo si Billy sa group chat namin tatlo nila King.
Namilog ang mata ko nang makita na ako 'yon, kitang kita rin si Kyle na nakaupo hindi kalayuan sa'kin. Ngayon lang 'to ah?! Mabilis akong napalingon sa labas ng salon dahil baka nandoon pa si Billy pero wala naman.
Me: Wth?
King: Go home, Vanna.
Billy: Tsk tsk.
Me: Why would i?
Me: Hey, it's not what you think!
Me: Guys, i told you it's not what you think
Me: We're not dating
Me: Actually it's really a date
Me: BUT!!!
Me: Kailangan ko lang bumawi sa kanya kaya kami may date
Me: I'm telling you, it really is not what you think gosh
Seen by King and Billy
Inis na napasampal ako sa noo ko. Pag nagkita kami, i'm very sure na aasarin nila ako. Huhu! Bakit ba ang judgemental nila?!
"Oh my gosh."
Mabilis akong napaangat nang marinig ang mahinang impit na tili ng babae dito na sinabi kanina na boss ko daw 'tong si Kyle.
Tumambad sa harap ko si Kyle na itim ang buhok. Napanganga ako. Oh my gosh nga!
Seryoso ba 'to? Parang hindi tao 'tong nasa harap ko! Bagay naman sa kanya 'yung blonde pero, oh my gosh. Lalo siyang gumwapo sa kulay black na buhok!
Napanganga na lang ako habang nakatitig sa kanya, natauhan na lang ako nang yayain niya na akong umalis.
"Let's go."
Lumabas kami ng salon na sinasampal ko ng mahina 'yung pisnge ko. I can't stop staring! He's so freaking good looking.
"How is it?" Tanong niya kaya gulat na napatawa ako.
"It suits you so well." Sagot ko bago mag-thumbs up kaya ngumisi siya. He's satisfied. Bakit naman hindi? He looks so damn good! Wala namang binago sa kanya kundi kulay lang ng buhok, ni hindi rin siya ginupitan.
I can't believed that i'm drooling over him. Sanay na kasi ako na napapalibutan ng mga handsome guys, kila King at Billy pa lang e.
Niyaya ko si Kyle sa arcade at naglaro-laro pa kami do'n. Hinayaan niya ako na magsabi kung saan kami pupunta, nagpunta rin kami sa bookstore at bumili rin kami ng books.
Nakakausap ko naman siya pero iniiwasan ko siyang tanungin dahil baka may maitanong ako sa kanya na hindi niya magustuhan.
But all in all, it was a very nice 'date'. Nag-enjoy ako ng sobra, hindi ko rin namalayan ang oras. Nagulat nga ako na gabi na pala. Hindi maiwasang kumabog ng malakas ng dibdib ko kapag nagkakatamaan kami ng tingin.
Napatingin ako sa labas ng bintana nang tumigil 'yung kotse ni Kyle. Nandito na kami sa bahay ko. Hinawakan ko na 'yung pinto ng kotse pero hindi ko muna 'yon binuksan at lumingon sa kanya.
"Ingat sa pag-uwi." Naiilang na sabi ko kaya nagtama na naman ang tingin namin. Ayan na naman.
Tumango siya. "Thank you for today."
Ngumiti ako at tumango rin bago tuluyan nang buksan 'yung pinto. Pero isang paa ko pa lang ang nakakababa ng kotse ay napatigil agad ako nang bigla niya akong hawakan sa kabilang kamay.
Mabilis na dumaloy ang kuryente sa katawan ko dahil sa pagkakahawak niya kaya agad akong napalingon sa kanya.
"B-bakit?"
Ang init ng kamay niya.
"Can you be my girlfriend?"
Agad akong nabilaukan sa sarili kong laway dahil sa tanong niya. Tama ba 'yung pagkakarinig ko? Ano daw?! Kung pwede daw niya akong maging girlfriend? Ako? Girlfriend niya? So, magiging boyfriend ko siya?
Oh my freaking gosh. What on earth is happening? Nakatulog ba ako dito sa kotse at panaginip lang 'to?
"H-huh?" Ang tanging nasabi ko lang.
"I won't distract you from school work." Sabi niya. Napakurap ako bago huminga ng malalim saka kumamot sa ulo.
"Well, the thing is.." Nagpapanggap lang kasi ako diba?
"Yes?" Tanong niya pa kaya napakagat ako sa labi ko.
"I-i need some time to think.." Huminga ako ng malalim. "I haven't even thought of having a boyfriend in college. I don't think i have the time, this is all too sudden for me.."
"No?" Disappointed ang boses niya. "Alright, then.."
Binitawan niya ang kamay ko at hindi ko alam pero kusa na lang na gumalaw ang kamay ko, mabilis kong hinila pabalik 'yung kamay niya na ikinagulat naming dalawa. Naramdaman ko ang unti-unting pag-iinit ng mukha ko dahil doon.
"I-it's not that i don't like you.." Nag-angat ako ng tingin para tignan siya sa mata.
"Then, yes?" He asked with full of expectation. Mukha siyang isang bata na nanghihingi ng candy. This is just so...
I nodded.
And that was the night that Kyle Vergara, the weirdest guy in school became my boyfriend.