XXI.
"I-i'm sorry, i'm really sorry..."ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ
That was first thing that came out of my mouth after he gave me his assuring smile. Yung ngiti niya na nagsasabi na dati niya pa alam, na ayos lang sa kanya na nagpapanggap lang ako at hindi ko iyon sinasabi sa kanya.
I hugged him so tight habang paulit-ulit na nagso-sorry sa kanya, naramdaman kong hinagod niya ng isang kamay niya ang likod ko at isa naman ay nasa buhok ko.
"It's okay.." Mahinahon na sabi niya.
How can Kyle Vergara, the weirdest, psychopatic guy, became like this? The way he talks right now is literally melting me, his voice is so soothing. Lalong nakakakonsensya, bakit hinayaan ko pa na tumagal ang pagsisinungaling ko sa kanya?
"You're just waiting for me to tell it, aren't you?" Tanong ko bago kumalas sa pagkakayakap sa kanya. He nodded. "And it's okay with you?"
"It's not really okay—"ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ
"Oh my gosh, i'm really sorry!" Naramdaman ko na naman na tutulo na naman 'yung luha ko pero umurong 'yon nang marinig ko ang mahinang pagtawa niya.
He chuckled right on my ear.ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ
Mabilis ko siyang tinulak ng mahina saka tumingin-tingin sa paligid. It really is so dark here, tanging liwanag lang ng buwan ang makikita. Hindi ko na lang pinansin 'yon at umakto na naghahanap sa paligid.
"Anong ginagawa mo?" Nagtatakang tanong niya.
"Hinahanap ko lang 'yung totoong Kyron Nicole Vergara." Sabi ko kaya nakita ko ang unti-unting pagkunot ng noo niya. "Hindi kaya ganito 'yung kilala kong Kyle.."
Hindi siya sumagot pero agad niya rin akong hinila ulit palapit sa kanya nang makarinig kami ng kaluskos. Darn, i forgot about it!
"Go back to the tent, for now. Just leave it to us." Mahinang sabi niya bago ako hawakan sa kamay. Hinila niya ako hanggang sa makarating kami sa tent namin nila Monique kaya mabilis kong nilibot ang tingin ko sa paligid habang tinatakpan ang mukha ko.
Baka may makakita sa'min!ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ
"Sleep." Sabi niya bago buksan 'yung zipper ng tent saka ako tinulak papasok sa loob. Hindi na ako nakapag-paalam sa kanya dahil mabilis na siyang nawala.
Huminga na lang ako ng malalim bago humiga sa tabi ni Monique na gising pala na kinagulat ko. Agad na tinakpan ko ang mukha ko gamit ang hood ng hoodie ko.
"W-where have you been?" Nauutal na tanong niya kaya kumunot ang noo ko. It seems like nanggaling din siya sa labas.
"Umihi lang." Sabi ko kaya ngumiti siya at tumango.
"Sleepwell.." Mahinang sabi niya bago nagtalukbong ng kumot kaya ngumiti ako.
Hayy. Hindi rin naman ako makakatulog. I just hope that i would see those three later morning, safe and sound.
Humihikab na lumabas ako ng tent. Tulog pa rin ang lahat ng kasama ko sa tent pero marami nang gising na estudyante na kanya-kanya na ng kwentuhan dito sa labas ng tent.
Inayos ko 'yung glasses ko habang tahimik na nagmamasid sa paligid, hinahanap 'yung tatlong walking yelo na nagkalat ng lagim sa gubat kaninang madaling araw.
Nakita ko si Kieran sa hindi kalayuan na umagang umaga ay may nilalandi na agad na babae. Gosh, palipasin niya naman ang isang araw na tahimik lang sa isang tabi! Kung hindi lang ako nagpapanggap na nerd, panigurado nasipa ko na sa balls ang isang 'to e.
"Magandang umaga, Ynna."
Mabilis akong napalingon sa gilid ko nang marinig ang boses na 'yon. Si Rigo.
"Goodmorning." Bati ko pabalik kaya ngumiti siya, aren't he so charming? Ang sarap niyang titigan. Sa kanilang magbabarkada, siya ang pinaka approachable sa mga babae.
Sa babae lang, huh? Iba ang awra niya pagdating sa mga lalake.
Tumitingin-tingin siya likuran ko habang nagkakamot sa ulo. "Tulog pa ba si Moni?"
Of course, si Monique ang hinahanap niya. Alangan namang ako? He’s inlove with my bestfriend. Well, sino bang hindi magkakagusto sa babaeng iyon? She’s very charming and lovable, not to mention that she’s very gorgeous.
"I think so, hindi pa bumabangon e." Sabi ko kaya tumango-tango siya habang nakalagay ang dalawang kamay sa loob ng bulsa ng hoodie na suot niya. Malamig kasi dito.
Tumango siya. "Nag-almusal ka na ba? Namimigay na 'yung prof ng breakfast do'n, gusto mo dalhan kita? Baka pagtrip-an ka na naman do'n e."
Mabilis akong napailing habang winawagaywag ang dalawang kamay.
"I'm okay, sasabay na lang ako kila Monique later.." Sabi ko kaya ngumiti siya at sumenyas na aalis na siya.
"Mauna na ko." Sabi niya kaya pinigilan ko siya.
"Wag, bata ka pa." Sabi ko kaya kumunot ang noo niya, bumungisngis siya nang makuha niya 'yung sinabi ko.
Okay, that was adorable.
"Idol na kita, isang bagsak nga diyan." Sabi niya kaya nag-fistbump kaming dalawa na lalong kinangiti niya, napahalakhak naman ako.
"Brad."
Sabay kaming napalingon nang marinig ang boses na 'yon. Hindi ko maiwasan na mapangiti ng makita ang maaliwalas na mukha ni Kyle, walang kahit anong sugat. Nakahinga ako ng maluwang, hindi rin ako masyadong nakatulog kagabi dahil iniisip ko sila kung ano na ang nangyari.
"Oh, saan 'yung dalawa?" Tanong ni Rigo habang naglalakad palapit sa kanya. Sinagot lang niya iyon na natutulog pa sila Billy bago lumingon sa'kin kaya nagtama ang mata namin. Mabilis kong tinakpan ang mukha ko nang maalala na hindi pa pala ako nagtu-toothbrush at naghihilamos, nakakahiya naman! Sigurado akong mukha akong mabaho!
Agad rin siyang napaiwas nang hilahin siya ni Rigo palayo, papunta sa mga pagkain. Napahawak ako sa dibdib ko dahil mas malakas ang kabog no'n ngayon kesa nung mga nakaraang araw. Gosh, iba na talaga ang dating ng lalakeng 'yon sa'kin. He made me feel love and it consumes me, kahit pa sa kabila ng pagpapanggap ko ay nagustuhan niya ako.
Ako lang ang kaisa-isang babae na nagkaroon siya ng interest, and it’s making feel so freaking special. It’s Kyle Vergara, hindi kung sino sino lang ang nakakakuha sa kanya.
Hindi pa rin ako makapaniwala na alam na niya dati pa na ako si Savanna, hinihintay niya lang na ako mismo ang magsabi sa kanya. Halos isang buwan na rin magmula ng tanungin niya ako kung pwede niya ba akong maging girlfriend. Time sure flies when you're happy.
Nabalik ako sa realidad nang maramdaman ang presensya ng tao na nakatayo sa likod ko. Hindi agad ako nakapag-react nang makita na 'yung kapatid ko 'yon, si Chloe.
Hindi siya nagsalita pero pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Tatanungin ko na dapat siya kung bakit pero nag-iwas na siya ng tingin bago ako nilagpasan, sinundan ko siya ng tingin na lumapit sa mga friends niya.
Naramdaman ko na nag-vibrate ang phone ko kaya binasa ko agad 'yung text, knowing that it's from Kyle.
Kyle:
You look pretty.
Naramdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko habang mabilis na tinatakpan ang mukha ko, binalik ko ang tingin kila Kyle at Rigo. Mukhang may kinukwento si Rigo kaya nagsasalita ng konti si Kyle habang nakatingin sa'kin, hawak niya ang phone niya.
"Guys, have you seen Janice?" Napalingon ako sa isang prof na tinatanong ang lahat ng estudyante.
"Tulog pa po yata." Sagot ng isang estudyante habang nagsusuklay ng buhok.
"Uh, she's not there. Kakagaling ko lang sa tent.." Sabi naman nung isa pa na mukhang kasama nung Janice sa tent.
"Really? Eh nasaan siya? May iuutos lang sana ako." Hindi mapakali na sabi nung prof kaya nagkanya-kanya ng tingin sa paligid ang lahat, inisa-isa nila ang mga estudyante ngunit nila makita ang hinahanap.
"Actually, nakita ko siyang bumangon kaninang madaling araw. I asked her kung saan siya pupunta, sinabi niya iihi lang daw siya. But i can't remember na bumalik siya." Paliwanag nung isang estudyante habang naniningkit ang mata, halatang nag iisip.
"What time was that?" Tanong ng prof.
"3am, i think? I'm not really sure." Sagot no'n. Kung ganong oras, edi ayun 'yung time na nasa labas kami nila Kyle.
Gosh, hindi maganda ang kutob ko dito. Gano’ng oras ako lumabas ng tent, at gano’ng oras din may nangyari. Hindi kaya nasangkot ang estudyanteng iyon sa nangyari?
Binaling ko ang tingin ko kay King na halatang tamad na tamad na lumalabas ng tent. Nagkatinginan kami, nag-uusap sa tingin lang. Nagkibit balikat siya at tumango bago tumalikod.
And with that, i am certain. The student that they're looking for is already dead.
ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ