XV.
For the nth time, humugot ako ng malalim na paghinga bago tumayo at naglakad papunta sa upuan kung saan nakaupo si Kyle. Pero nakakatatlong hakbang pa lang ako ay napatigil na ako dahil hindi ko talaga kaya!
I want to ask him so much! Gusto kong itanong kung siya ba ang may gawa ng naka-post na pictures sa bulletin board kanina! Nakita ko 'yung 'stalker' kanina sa hallway and everyone's making fun of him! Nabu-bully na siya ng ibang estudyante. At hindi ako natutuwa doon, thinking na ako ang dahilan kung bakit nagka-gano'n. Sana nga mali ako, sana hindi si Kyle.
But i can't ask him.
Tumalikod na ulit ako para bumalik sa upuan ko pero hindi pa ako nakakahakbang ay halos mapatalon ako nang may magsalita sa likod ko.
"May sasabihin ka?"
Napakagat ako sa labi ko habang nakapikit bago ulit lumingon sa kanya. Napaatras ako nang makita na sobrang lapit niya. Hindi niya ba iniisip ang sasabihin ng ibang tao?! May mga estudyante dito!
"Uhh..." Hindi mapakali 'yung mata ko dahil hindi ko siya kayang tignan sa mata.
"Uhh?" Tanong niya kaya napakamot ako sa ulo at ngumiti.
"Diba, sinabi mo sa'kin na ngayon mo na sasabihin kung paano ako makakabawi? Gusto ko lang itanong para mapaghandaan ko." Tumawa ako ng pilit.
Tulad ng kagabi, hindi na naman siya nakasagot but he's staring at me again. Nag-iisip.
"Bukas na lang." Sagot niya.
"Huh?" Nagtatakang tanong ko. Bukas na naman?
"Wala pa rin akong maisip." Sabi pa niya kaya napatango na lang ako ng mabagal habang pinagmamasdan siya.
"Okay..."
Bumalik siya sa upuan niya at umupo naman ako sa upuan ko. Napalingon ako sa kaklase ko ngayon na nakaupo sa harap ko, salitan ang tingin sa'min ni Kyle.
"Anong meron sa inyo?" Tanong niya.
Kumunot ang noo ko. "Meron sa'min?"
"Marami lang nakakapansin na kinakausap ka niya tapos bali-balita pa na may nakakita daw sa inyo kagabi na magkasama, parang sinundo ka daw niya doon?"
Nanlaki ang mata ko. "Hindi niya ako sinundo—"
"Eh ano lang?"
"Uh..." Hindi ko alam ang isasagot ko. Paano ko sasabihin sa kanya na tinawagan ko ang isang Kyle Vergara para tulungan ako?
"Ano?" Medyo naiinip na tanong niya. Nakatitig siya sa'kin at parang tinatantya kung magsisinungaling ako sa isasagot ko.
Napaiwas siya ng tingin nang bigla na lang pumasok ang prof, nakahinga ako ng maluwag nang mag-ayos siya ng upo.
Lumingon ako sa likod para tignan saglit si Kyle pero nagulat lang ako dahil sakto na lumingon din siya sa'kin. Kumabog ng malakas ang dibdib ko bago ngumiti ng tipid sa kanya at nilipat ang tingin sa prof sa harap.
"Last meeting, i've told you to bring the hard copies for your individual reporting.." Panimula ng prof. Hindi ko pa tapos 'yung sa'kin. "I don't want to waste my time to collect it, so i want someone to do it for me later." She scanned the whole class before raising her right hand. "Someone wants to volunteer?"
No one raised their hands that made her sigh. Wala naman kasing gusto ng trabahong 'yon, even me! Imbis na makakauwi ka na ay aatupagin mo pa 'yon. Ang hassle lang!
"Vergara, do you want to do it for me?" Mabilis akong napalingon ulit kay Kyle dahil doon. He's looking straight at our prof with his bored look.
He then nodded na nakapagpangiti sa prof. Bakit kaya trip na trip ng prof na 'to si Kyle? Lagi na lang sa kanya inuutos ang mga bagay bagay. Maganda na rin 'yon para may ginagawa naman 'tong Kyle na 'to paminsan minsan at nakakapag communicate siya sa mga estudyante. Nakakatakot na kasi siya dahil sa pagiging tahimik niya.
Nagsimulang magklase kaya napaiwas na lang ako ng tingin. Nang matapos ay pinaalala pa ulit ng prof ang inuutos niya kay Kyle bago lumabas kaya napa-buntong hininga ako.
"Kyle, here's mine.."
Sunod-sunod na naglapitan ang malalanding haliparot kay Kyle pagkaalis pa lang ng prof. Kanya kanya sila ng pagpapa-cute habang binibigay ang hard copies ng report nila sa kanya.
What to do? Hindi ko pa napi-print 'yung sa'kin!
Gusto ko na sanang umalis para ma-print ko na agad pero paano kung ipasa niya agad sa prof 'yung mga 'yon? Paano naman 'yung sa'kin? Hindi pa naman tumatanggap ng late ang prof na 'yon!
I decided na hintayin na makapag pasa ang lahat para makaalis na sila. Nakakainis naman kasi, mukha bang may pakialam si Kyle sa pagpapa-cute nila? Mapapagod lang sila, jusko!
"He looked at me, is he interested?"
Napairap na lang ako sa hangin sa narinig ko na 'yon. Tumingin lang, interesado agad? Anong klaseng logic 'yon?
Mabilis akong napatayo nang makita si Kyle na naglalakad na para lumabas. Huminga muna ako ng malalim bago siya hinabol, nang maramdaman niya ang presensya ko ay napalingon siya. Hawak niya 'yung mga hard copies with his both hands.
"Uh, okay lang ba kung maghintay ka muna ng kahit fifteen minutes? Hindi ko pa kasi napi-print 'yung sa'kin kaya... you know." Sabi ko kaya napatitig na naman siya bago tumango. I smiled, 'yung totoong ngiti dahil natutuwa naman talaga ako na pumayag siya.
"So, wait for me here or itetext na lang kita pagkatapos ko i-print?" Tanong ko pero hindi siya sumagot at nilagpasan ako. Hinabol ko siya dahil ang bilis niyang maglakad. "Kyle! Ano na?"
Hindi siya lumilingon pero after ng halos limang minuto ay tumigil siya. Lumingon siya sa'kin kaya napatingin ako sa pinto sa harap namin. Okay, so nandito kami sa room kung saan ako pwede mag-print.
Sinamahan niya pa talaga ako dito?! Dahil nahihiya na ako ay nilabas ko na 'yung USB ko para mai-print ko na 'yung report ko. It is eight pages pero hindi naman matagal kaso mukhang matagal dahil si Kyle Vergara ang kasama ko, nakasandal lang siya sa may lamesa.
He's patiently waiting beside me!
"Ahm, do you really have to wait for me here?" Naiilang na tanong ko kaya nalipat ang tingin niya sa'kin mula sa phone niya.
"Am i distracting you?" Tanong niya kaya napaiwas ako ng tingin bago tumango ng mabagal.
Nakita ko sa peripheral vision ko na napatango siya. Hindi nakaligtas sa mata ko 'yung maliit niyang ngiti bago magsalita.
"You've been distracting me a lot, too." Mahinang sabi niya kaya natigilan ako at napatitig sa kanya.
Anong sabi niya? Hindi masyadong nag-sink in sa utak ko.
I've been distracting him a lot, too?
Nag init ang buong mukha ko at binalik ang tingin sa printer. Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin 'yung sinabi niya. Was it supposed to be positive or nah?
But somehow, horses started to run on my chest. Parang may nag-uunahan na kabayo sa dibdib ko habang nararamdaman ang pagtitig niya sa'kin.
Ugali niya talaga ang tumititig and it's driving me crazy!
Muntik ko nang mahulog 'yung phone ko na hawak ko kaya napakagat ako sa labi ko, natatarantang kinuha ko 'yung papers bago ayusin saka ibinigay sa kanya.
"Thank you for waiting.." Nakangiting sabi ko kaya tumango siya bago tumalikod para umalis.
Pero nakakailang hakbang pa lang siya ay humawak muna ako sa dibdib ko bago huminga ng malalim ng tatlong beses saka siya tinawag. Napalingon siya kaya awkward na ngumiti ako.
"Samahan na kita papunta sa faculty?" Tanong ko kaya natigilan siya saglit. Mukhang nagulat siya dahil hindi niya siguro inaasahan.
He then nodded and answered. "That would be great."