fourteen

1449 Words
XIV. Hindi ko alam kung anong gagawin ko habang awkward na pinagmamasdan si Kyle na nakaupo sa harap ko. Relax lang siya na nililibot ang tingin sa loob ng bahay ko habang ako naman ay hindi mapakali. "A-anong gusto mo?" Tanong ko kaya napalingon siya sa'kin. "Kahit ano." Sagot niya kaya pilit na ngumiti ako at tumayo. Pinaghanda ko muna siya ng juice saka ako nagpaalam na magpapalit lang ako ng damit. Napapikit ako habang kagat ang labi nung hawakan ko pa lang 'yung doorknob ng pinto ng kwarto ko, naramdaman ko agad na may tao sa loob. King and Billy are here! What the hell are they doing here?! Paano kung makita sila ni Kyle? Damn. What to do? Pasimpleng lumingon ako kay Kyle na nakatingin sa aesthetic painting na nakadikit sa wall. Mabilis kong binuksan 'yung pinto at pumasok sa loob kaya nakita ko agad sila King at Billy na animo'y sariling kwarto nila 'to kung makahilata. "What are you doing here?!" Inis na bulong ko kaya lumingon sila sa'kin pero agad din na binalik ang tingin sa ginagawa nila. "Bringing a man in your house thinking that no one's will be here at this hour, trying to have an alone time eh?" Pang-asar na sabi ni King kaya naramdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko. "It's not what you think!" Pasigaw na bulong ko at mas lumapit sa kanila. "He just helped me earlier sa stalker na kinukwento ko, okay? Wala na. Ayun lang, gusto ko lang mag-thankyou." "Yeah, yeah." Sabi ni Billy kaya inirapan ko silang dalawa. "Tinatawagan ko kayong dalawa kanina pero hindi kayo sumasagot kaya siya ang na-contact ko!" Inis na sabi ko habang naghahanap ng damit sa cabinet ko. "Really? I didn't know." Ani Billy na hawak ang phone niya. Naningkit ang mata ko sa kanya. "Sinadya mo ba 'to, huh?" "What?" "Hindi niyo talaga sinagot 'yung call ko para si Kyle ang tawagan ko dahil no choice ako.." Tumaas ang kilay ni King. "I was sleeping.." "I hate you both." Pag irap ko. "Magpapalit ako ng damit sa banyo. But please, wag kayong lalabas dito! Please lang." Hindi sila sumagot. Tinitigan ko muna silang dalawa, may tiwala naman ako sa kanila na hindi nila sisirain 'yung pinaghihirapan kong pagpapanggap kaya tumango na lang ako at naglakad na palabas ng pinto. Nang mahawakan ko na 'yung doorknob ay natigilan ako nang biglang magsalita si Billy. "Did you know that the most silent ones are the most observant ones, Vanna?" Mahinang tanong niya kaya napalingon ako sa kanya. "May tatlong uri ng tao sa mundo. Isang may tinatagong sikreto, isang walang alam, at isang nagpapanggap na walang alam." "W-what do you mean by that?" Tumaas ang isang gilid ng labi niya at umiling. "Gusto ko lang sabihin 'yung nabasa ko, it's quite interesting." Pinasingkit ko ang mata ko habang nakatitig sa kanya. He has that weird and intimidating look on his face, he's trying to play with my mind! Nag-iwas ako ng tingin at lumabas ng kwarto ko kaya napalingon sa'kin si Kyle na tahimik na nakaupo sa salas. I awkwardly smiled then pointed the barthroom door. "M-magpapalit lang ako.." Tumango siya kaya mabilis na pumasok ako sa bathroom. Habang nagbibihis ako ay bigla kong naisip 'yung sinabi ni Billy. Sinasabi niya ba na sikreto akong inoobserbahan ni Kyle? Alam ba niya na nagpapanggap ako at binibigyan lang ako ng hint ni Billy? Ayun naman talaga ang hinala. But it's scary pa rin. Hindi rin imposible 'yon dahil bigla na lang akong in-approach ni Kyle Vergara. Everyone knows him as an introvert, sobrang ilag niya sa tao pero nilalapitan niya ako. Tinanggal ko muna sa isip ko 'yon at binilisan na magpalit. Maluwag na shirt ang sinuot ko at hindi ko pa rin tinanggal 'yung wig at malaking salamin ko saka makeup. Hindi niyo naitatanong pero magaling ako pagdating sa pagme-makeup. Namana ko 'to kay mom, nilalagyan ko ng mga pekeng tigyawat 'yung mukha ko. Sobrang kapal din naman ng salamin ng glasses ko kaya hindi rin masyadong makita 'yung mata ko. Short hair na full bangs 'yung wig ko, para akong nerd na Dora kapag nasa school. Wala talagang makakilala sa'kin. "So.." Panimula ko kaya napunta ang tingin sa'kin ni Kyle mula sa phone niya dahilan para mapaiwas ako ng tingin. "Thank you for helping me, maraming nakakita sa'tin na students kanina. Hindi kaya magkaroon ng issue doon? You know naman, you're not even a public figure pero ganoon nila kayo ituring.." "Ako nang bahala doon.." Sabi niya kaya napatango ako. "Hmm. Sa tingin mo bakit ako sinusundan nung guy kanina? He took pictures of me.." Tanong ko habang pinagmamasdan siya na suklayin ang buhok niya gamit ang daliri niya. Darn. He looks so freaking good. "Wag mo ng intindihin 'yon, hindi ka na niya guguluhin." Makahulugan na sabi niya. I felt shivers down my spine when he suddenly smirked while drinking the juice that i gave him. That smirk of his. Something's gonna happen again. "Uh..." I awkwardly laughed. "Do you want something to eat?" "Hindi na.." Aniya at tumayo kaya napatingala ako sa kanya. Biglang binalot ng kaba ang dibdib ko nang bigla siyang lumingon sa may kwarto ko kung nasaan sila King ngayon. Magsasalita na dapat ako para magtanong pero binaling na niya ang tingin niya sa'kin. "Aalis na ko." Paalam niya kaya tumango ako. Hindi ko pinakita na natutuwa ako na aalis na siya dahil baka ma-offend ko siya. Kanina pa lang ay nagsisisi na ako na niyaya ko siya dahil believe me, this is not so freaking comfortable! "Thank you again.." Nakangiting sabi ko at kumamot sa ulo. "Tell me kung paano ako makakabawi?" Bigla siyang napatitig sa'kin na parang nag-iisip, kinagat niya ang labi niya at nilagay ang isa niyang kamay sa kanyang bulsa. "Bukas na lang." Sabi niya kaya kumunot ang noo ko. "Huh?" "Wala pa akong maisip kaya bukas na lang." Sabi niya kaya ngumiti ako at tumango. "B-bye!" Paalam ko habang kumakaway nung pasakay na siya ng taxi. Tumango lang siya kaya sinundan ko na lang ng tingin 'yung taxi habang palayo. Napahinga ako ng malalim habang nakahawak sa dibdib ko. Bakit ba ako natatakot sa kanya? Inis na tinanggal ko ang wig ko at ginulo ang buhok ko habang pumapasok sa loob. Humihikab na pumasok ako ng gate kinabukasan dahil ang aga aga pa. Hindi ako nakatulog agad kagabi dahil sa introvert na si Kyle Vergara. Introvert is not that bad, right? Marami namang gano'ng tao kaya mukhang hindi naman nakaka-offend. Dumiretso ako sa bulletin board ng school malapit sa waiting area dahil may pinagkakaguluhan ang mga estudyante do'n. Anong meron? May mahalagang announcement ba? Malayo pa lang ay naningkit na ang mata ko dahil sa nakita kong nakadikit sa bulletin board. It's a guy... kissing another guy. What the hell is this? At sinong nag-post nito dito? "He's from engineering department, right?" "Sayang, cutie pa naman." "Sinong bakla sa kanila?" "They're both gay! Come on, sinong straight na lalake ang hahalik ng isa pang lalake?" Engineering? Ngayon na natitigan ko na 'yung picture, napansin ko na sobrang familiar nung isang guy. Saan ko ba siya nakita? Nagtagal pa ako ng dalawang minuto doon habang iniisip kung saan ko nakita 'yung guy na 'to. Baka naman nakasalubong ko lang siya dito sa school? I guess so. I just shrugged at tumalikod na sa pinagkakaguluhan ng mga estudyante para magpunta na sa klase ko. Pero napako ang paa ko nang makita ang lalake na naglalakad, madadaanan niya lang naman ako pero bigla kasing nagtama ang mata namin. Kyle Vergara, again. I was about to smile at him because we're pretty close now, pero naunahan niya ako. He grinned. Napahinga ako nang malalim nung makalagpas siya sa'kin, naiwan 'yung amoy niya kaya amoy na amoy ko iyon. Lalakeng-lalake 'yung amoy pero hindi ganoon katapang kaya hindi masakit sa ilong. Lumingon ako para tignan ulit siya pero wala na. Ang bilis naman niyang maglakad? But... he grinned? Mabilis kong binalik ang tingin sa bulletin board kung saan naka-post ang mga pictures. Namilog ang mata ko nang maalala ko kung sino 'yung isang guy na nandoon. Yung stalker kagabi. Napahawak ako sa bibig ko habang hinahanap siya sa paligid pero hindi ko na talaga siya makita. Napalingon ako kay Billy na bigla na lang sumulpot sa tabi ko, nakatingin sa bulletin board habang nakataas ang kilay. "May ideya ka ba kung sino ang gumawa nito, Ynna Castro?" Tanong niya nang hindi lumilingon sa'kin. I bit my lower lip. Hindi ako nagsalita pero nasa utak ko ang sagot. Kyle Vergara...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD