“I don’t think hindi na nila tayo susundan,” sabi ko kay Kyle nang isang oras na ay wala pa rin sumusunod sa’min. No’ng papunta pa lang kami rito ay hindi ko alam na ganito pala talaga ang sinasabi ni Kyle na in the middle of nowhere, dahil literal na wala nang kahit ano rito. Kundi ang mga matataas na damo at iilang mga puno sa paligid. Hindi ko ito alam dahil tulog ako nang dumaan kami rito, ilang araw na ang nakakaraan. Lumingon ako kay Kyle nang hawakan niya ang kamay ko at dinala sa labi niya, hindi niya iyon hinalikan at dinikit lang iyon habang hindi inaalis ang tingin sa daan. Kumunot ang noo ko. “Why? Are you worried?” “For you, yes.” sagot niya bago ko naramdaman ang paghinga niya sa likod ng palad ko. “I suddenly thought that bringing you here was a bad idea, i literally le

