Tanghali na kami nagising ni Kyle kinabukasan, siguro dahil ay pagod kami. Napagdesisyunan namin na umuwi kami ng gabi na lang dahil traffic kapag maaga pa. Nagpunta lang kami sa mall at nanood ng sine, pumunta kami sa mga botique tapos sa restaurant para kumain. Bago kami bumalik sa hotel ay nagpunta muna kami sa grocery store para bumili ng pagkain para sa kakainin namin para sa mahabang biyahe. Mabuti na lang ay medyo maaga pa kaming nakabalik ng hotel dahil may oras pa kami para matulog, niyaya ko siyang magpahinga muna kami dahil magmamaneho siya magdamag. Dibale kung pinapayagan niya akong magmaneho rin, e hindi naman. And when we woke up, madilim na sa labas. Nag-check out kami at dumaan sa drive through for dinner, ang mga binili namin na snacks ay mamaya pa namin kakainin. “Wh

