XII. Nakakunot ang noo na nakalagay ang isang kamay ni Kyle sa bewang niya habang nakatingin sa nasa harap namin. Lumabas kami ng school kaya dinala ko siya sa kabilang kalsada kung saan maraming nagtitinda ng mga street foods. Sa totoo lang ay hindi ko pa nararanasan na kumain nito, pero gustong-gusto kong tikman. Araw-araw ko 'tong nakikita at lagi akong natatakam. Lalo na 'yung kulay orange na may maliit na itlog sa loob, meron din naman na mas malaki. Mukhang masarap dahil ang daming bumibili. Ito ang pinaka-mabenta. "Hmm, you can get anything. My treat." Sabi ko kay Kyle pero wala siyang naging reaksyon kaya napangiwi ako. Ano ba kasing inaasahan niya na puntahan namin? Restaurants are overrated! Ito ang masayang pagkainan, chill lang. Hindi ko nga lang sure kung sobrang malinis

