"Brad, tara na! Lasing ka na." Hinila ako ni Kieran sa balikat na agad kong tinabig. Napahawak siya sa kanyang sentido dahil sa nawawalan na siya ng pasensya. "Kyle." Mas seryoso ang boses niya ngayon. Hindi ko siya nilingon at tinuon ang tingin sa bote ng alak na hawak ko. Nagdodoble ang lahat, nahihilo na ako dahil kagabi pa ako nag iinom at mag uumaga na ngayon. "Vergara, go home." Sa kabilang gilid ay narinig ko ang malamig na boses ni King. Nilingon ko silang dalawa at tinaas ang bote ng alak na hawak ko. "Uubusin ko lang 'to." Narinig ko ang pag singhap ni King at inagaw sa'kin ang bote, naagaw ang atensyon ng ibang tao dito sa bar nang ipalo niya sa lamesa ang bote kaya nabasag ito. "Now, go home." Aniya sa mas malamig na tono. Damn, ayoko pang umuwi. Gusto kong lunurin ang s

