"Brad, ang tahimik mo yata?" Tanong ni Rigo kinagabihan. "What? He's always like that!" Ngumisi si Kieran na saglit akong nilingon bago ibalik ang tingin sa flatscreen. Umiling si Rigo. "He's spacing out!" "Babae ang iniisip niyan." Utas ni Billy at bahagyang tumawa. Mabilis na napalingon sa'kin si Kieran at pinause ang nilalaro niya. "Woah! Tinamaan ka na ba, brad? At last!" Tinaas niya ang dalawa niyang kamay at parang nanalo kung ngumiti. "Mind your own business." Ismid ko kaya lalo lang nila akong inasar. Dammit. "She's Ynna Castro! She just transferred from Canada." Bumati sa buong klase ang pinakilalang Ynna Castro at bahagyang nag-bow. Nakasuot siya ng makapal na salamin. Agad ko siyang nakilala dahil sa labi niya, i remember those lips! It haunts me every night, hindi ko ma

