Kyle Vergara "Kuya, can you teach me for my homework?" Nag angat ako ng tingin nang marinig ang maliit na boses mula sa nakaawang na pinto. Naka-silip ang nakangiting mukha ni Kale. Binitawan ko ang hawak kong PSP at tumango, niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto ng kwarto ko at maligayang tumatalon-talon palapit habang yakap ang kanyang libro. "Kale, may tutor ka. Why do you keep on asking me to teach you?" Humaba ang kanyang mapulang labi at hinawi ang kulot niyang buhok, pinatong niya ang libro niya sa kama ko saka tumabi sa'kin. "She's scary! Ayokong magpaturo sa kanya.." Binuklat niya ang kanyang libro. "Here, Kuya! Look at this, i can't solve!" Binaling ko ang tingin sa libro niya. "Am i not scary then?" "No, you're not!" Mabilis na sagot niya. "You're gentle, sweet and al

