Higit sa inaasahan ko ang galing ni Vergara sa pakikipaglaban. Nahirapan ako sa kanya at hindi ko alam kung gaano katagal ang inabot ko bago ako napaluhod sa sahig dahil sa pagkahilo, nararamdaman ko ang tumutulong dugo mula sa ulo ko. Napapailing na inaninag ko ang sahig dahil nagdodoble ang paningin ko, ilang sandaling naging tahimik at tanging paghahabol lang ng hininga namin ng kasama ko ang naririnig. Tumunog ang mga basag na salamin nang matapakan ito ni Vergara nang lumapit siya sa’kin. Binitawan niya ang hawak niyang mallet, ang ginagamit sa paglalaro ng golf. Tumutulo ang dugo mula sa balikat niyang nahiwaan ko ng swiss knife habang naglalaban kami. "Now, bring me to her." Nanghihinang sabi niya. Kahit ayoko ay dinala ko si Vergara sa lugar kung nasaan si Vanna. Kitang-kita ko

