LVI.
Nakaupo kami nila Janine sa sofa sa tapat ni Kyle. Hindi ako mapakali at panay ang titig ko kay Kyle na simula nung dumating si Janine ay hindi na ako binalingan ng tingin.
"Gael, you should clean your body.." Sabi ni Janine kay Gael na nakasandal sa isang lamesa sa gilid. Lumingon siya at hindi nagsalita.
"Natutuyo na 'yung dugo sa katawan mo." Ngumiwi si Janine. "At may sugat ka sa ulo. Damn! Hindi ako mapaniwala, ngayon lang kita nakita na dugaan Gael. Mukhang nakita mo na ang katapat mo."
"Masyado kang madaldal, Janine." Aniya sa malamig na tono kaya parang na-offend si Janine at umirap.
"Sinasabi ko lang na kailangan mong linisin ang mga sugat mo. Kung ayaw mo, edi wag!" Inis na sabi ni Janine at lumingon kay Kyle na nakapikit habang nakatingala. "Should i clean Vergara's, instead? Baka bigla na lang siya mamatay habang ini-interogate natin siya. I would love to see his naked body."
Nagtiim ang bagang ko at parang gusto kong manabunot ngayon. Naramdaman ko na napatingin sa'kin ni Gael kaya huminga ako ng malalim at umirap na lang sa kawalan dahil sa inis.
"I really can't take it!" Lumingon sa'kin si Janine. "Vana, clean your boyfriend's wounds!"
Natigilan ako. Alam kong si Gael ang binabanggit niyang boyfriend ko, pero si Kyle agad ang pumasok sa isip ko. Nagdilat ng mata si Kyle at naka-igting ang panga na tumingin sa'kin, dinaanan niya ng tingin si Janine at umirap.
"Ayos nga lang ako, Janine. Wag mo kong tignan kung hindi mo matiis." Iritado na si Gael kaya ngumiwi si Janine.
"Y-you should treat your wounds, instead.." Sabi ko kaya nawala ang kunot ng noo ni Gael at napalitan ng walang emosyon.
Tinapik ako ni Janine. "Treat it for him, may first aid kit sa ilalim niyang table."
Kinagat ko ang labi ko at tumayo, lumapit ako sa gawi ni Gael at yumuko para kunin ang malaking first aid kit sa ilalim. Nararamdaman ko ang titig sa tabi ko at ang matalim na tingin sa likod ko.
Pinatong ko 'yung kit sa table kaya humarap sa'kin si Gael.
"Treat his wound, instead." Sabi niya kaya mabilis akong napaangat ng tingin.
"Huh?"
"Bilisan mo, we'll interogate him after." Malamig ang tingin niya bago tumalikod at naglakad palabas.
"Hey, Gael!" Tawag sa kanya ni Janine pero dire-diretso lang siya. "Bakit lumabas 'yon, Vana?"
"G-gamutin ko daw si Vergara.."
"Really?" Tumawa siya. "At lumabas siya dahil nagseselos siya? I can do it naman. Ako na lang, Vana."
"Ako na." Mariin na sabi ko. Iniisip ko pa lang na hahawakan niya si Kyle ay nag-iinit na ang ulo ko. Hindi naman sa nagseselos ako..
"Init ng ulo niyong mag-jowa." Umirap siya at itinuon ang atensyon sa phone niya.
Lumapit ako kay Kyle na nakatingin sa'kin, ngumuso ako at binuksan ang kit. Pinagmasdan ko ang mga sugat niya at nararamdaman ko ang titig niya.
"May masakit ba sayo?" Mahinang tanong ko sa kanya kaya bahagya siyang ngumuso.
"My heart." Parang bata na sabi niya kaya nanlaki ang mata ko.
"M-may sugat ka sa dibdib?" Natatarantang tanong ko at tinanggal ang butones ng uniform niya para tignan ang dibdib niya pero wala naman, nag angat ako ng tingin sa kanya. "Bakit masakit?"
"I'm jealous." Aniya kaya napanganga ako. "Damn, Savanna. Ako ang boyfriend mo."
"I know, ikaw lang naman talaga." Sabi ko at kinagat ang labi.
"Wag ka nang maingay diyan, baka marinig ka pa ni Janine." Sabi ko pa at nilagyan ng alchohol ang bulak. Dinampi ko iyon sa sugat sa pisngi niya kaya ngumiwi siya. "Ngayon ka pa ngingiwi, eh kanina nga parang wala lang sayo."
Hindi na siya nagsalita. Pinapanood niya lang ako habang nililinis ko ang mga dugo sa mukha niya, pati 'yung sa balikat niya. Napapangiwi ako kapag nakikita kong napapangiwi din siya. Nilagyan ko ng band aid ang maliit na hiwa sa pisngi niya at tinapalan ko na naman ang ibang sugat, hindi ko nabilang ang mga sugat niya pero madami. I still can't believe this.
Nagtagal ako ng husto ay 'yung sugat sa balikat niya, ito ang pinakamalaki at hindi ko alam kung dapat bang ako ang nag-gagamot nito. Kailangan itong tahiin dahil malalim ang hiwa, kailangan ko lang linisin ng konti at ipapagamot sa totoong doctor. Ibinaba ko hanggang siko niya ang uniform niya kaya nakatambad ang kalahati ng katawan niya, nararamdaman ko ang hininga niya sa sa gilid ng mukha ko.
Pasimple akong lumingon kay Janine para tignan kung nakatingin ba siya sa katawan ni Kyle at tama nga ako! Tinaas ko ang kilay ko at hinarangan ang katawan ni Kyle kaya narinig ko ang mahina at malalim na tawa niya sa tenga ko.
Nilingon ko siya sa gilid ng mata ko para irapan, kinagat niya ang labi niyang may sugat kaya pinandilatan ko siya ng mata.
"Stop biting your lip! You'll hurt yourself." Sermon ko kaya kumunot ang noo niya.
"You're making me do it."
"Shh.." Dinikit ko ang index finger ko sa labi ko para patahimikin siya. Sumimangot na lang siya at pinagpatuloy ang pagtatapal sa sugat niya.
"Matagal pa ba 'yan? May lakad pa ako mamaya." Tanong ni Janine kaya napalingon ako sa kanya.
"My feet hurts." Kyle whined like a baby. Mahina lang iyon kaya ako lang ang nakarinig.
"Sa paa pa." Sabi ko kay Janine kaya tumaas ang kilay niya.
"Kahit wag na 'yan, hindi niya naman ikamamatay 'yan." Mataray na sabi nito kaya tinaas ko ang kilay ko.
"Remember nung nasugatan ka sa hita? You acted like you will die from it." Sabi ko kaya napasinghap siya at nag cross arms. Umirap ako at ngumiwi, naiinis na ako. Kanina niya pa inaano si Kyle.
Hindi na nakasagot si Janine dahil may tumawag sa kanya. Humarap ulit ako kay Kyle kaya nakita ko ang pagpipigil niya ng ngisi.
"Taray." Aniya sa nang-aasar na tono. Sinenyasan ko ulit siya na tumahimik bago tignan ang paa niya.
"Saang paa ang masakit?"
"Kaliwa." Sagot niya kaya itinaas ko ang kaliwang paa niya at tinanggal ang itim na sapatos niya na ginagamit niya sa pagpasok. His uniform is ruined.
Napangiwi ako nang makita na namamaga ito at may dalawang maliit na cuts malapit sa sakong. Kinagat ko ang labi ko habang iniisip kung paano sila naglaban ni Gael, pareho silang sugatan. I can't even imagine.
"Kyle." Tawag ko sa kanya habang nilalagyan ng betadine 'yung cuts. Tinagilid niya ang ulo niya para silipin ang mukha ko. "What's your plan?"
"Wala." Aniya. Nanlaki ang mata ko at tinignan siya ng masama.
"My God, Kyle. I thought you have a plan.." Hindi makapaniwalang sabi ko. "You told me trust you, kaya naging panatag ako. Pero ngayon na sinabi mo na wala kang plano, natatakot naman ako. Kyle naman.."
Huminga siya ng malalim. "Don't be scared, you're with me.."
"Hindi ako natatakot para sa sarili ko, natatakot ako para sayo." Kumunot ang noo ko kaya bahagya siyang ngumuso.
"Will you come with me?" Aniya.
"Huh?"
"Kalagan mo ako ng tali. I'll fight all of them, come with me and don't ever come back here." Seryoso ang tono niya kaya napayuko ako.
"W-we can't, masyado silang marami para sa'tin dalawa. Sugatan ka pa, hindi ka makalakad ng ayos."
"Don't you trust me?" Mabilis akong napaangat ng tingin dahil sa tanong niya. Agad akong umiling.
"I trust you so much, Kyle." Huminga ako ng malalim. "Pero hindi ko maiwasan na matakot. Papatayin ka nila kapag nalaman nilang magkakilala tayo. I don't want that to happen."
"Silvana, tama na 'yan." Agad akong napaangat ng tingin nang marinig ang boses ni Gael. Tinignan ko pa ng isang beses si Kyle bago tumayo at binalik ang kit sa lamesa.
Nagsimula na naman kumabog ang dibdib ko. Wala palang plano si Kyle. What should we do? Tumayo na rin si Janine at pumwesto sa tapat ni Kyle, magsisimula na nila siyang tanungin ng kung anu-ano.
"Oh. You look so f*****g hot without those blood all over you." Manghang sabi ni Janine at hinawakan ang chin ni Kyle at inangat ang mukha nito. I clenched my fist.
"What to do? May sugat ang labi mo." Sabi pa ni Janine at ngumisi bago inilapit ang mukha niya sa mukha ni Kyle. "Should i kiss it?"
Humakbang na ako palapit para hilahin si Janine pero tinignan ako ni Gael kaya napatigil ako.
"Janine, stop playing around." Malamig ang tono ni Gael. Inilayo ni Janine ang mukha niya kay Kyle at tumawa.
"I like to kiss him for real, though." Aniya at lumabi. "I want to know if he's as good as his friend. Because Kieran Domingo is so f*****g great with his tounge!"
Ngumiwi ako. Hindi ako makapaniwala na kaya niyang sabihin iyon, hindi ba siya nahihiya para sa sarili niya? Inayos ni Janine ang buhok niya at hinawakan ang balikat ni Kyle na may sugat at piniga ito. Nakita ko ang pag-igting ng bagang ni Kyle at mahina niyang daing kaya napapikit ako.
"Ayokong inuulit ko ang tanong ko. So answer me properly.." Malamig na ang boses ni Janine. Ma-otoridad. "Anong agency ka at bakit mo kami kinakalaban?"
Hindi sumagot si Kyle kaya mas lalong diniin ni Janine ang pagkakahawak sa balikat niya. Tumulo na naman ang dugo mula do'n kaya napaiwas ako ng tingin. Kyle, should we just fight all of them? Hindi ko kaya na nakikita kang ginaganito.
"Answer me." Mariin na sabi ni Janine. Binitawan niya ang balikat ni Kyle at pinunasan ang kamay niya na may dugo. Lumingon siya kay Gael na nanonood lang. "Sabi ni ma'am Agnes ay patayin na lang siya kapag hindi sumagot. Should i kill him now?"
Nanlamig ang buong katawan ko dahil do'n. She'll kill him right away? No. No. She can't! Lumingon ako kay Kyle na walang emosyon ang mukha. Can you just please say that you're not belong in any agency?
"Marami tayong oras, Janine. Make him speak." Walang emosyon na sabi ni Gael kaya umirap si Janine.
Huminga ng malalim si Janine at binaling ulit ang tingin kay Kyle. "Can i shoot him, instead? Mukhang magsasalita siya kapag nasaktan ng husto."
Janine, you're a real sadist.
"You shouldn't." Mariin na sabi ko. "Paano kung namatay siya dahil naubusan siya ng dugo? How could we ask him?"
"What a kind hearted agents we have here.." Nanunuya ang tono niya kaya umirap ako at walang reaksyon si Gael. "How about you try, Gael?"
Kumunot ang noo ni Gael at walang imik na lumapit sa pwesto ni Kyle. Ngumisi si Janine at umatras para bigyan ng space si Gael. Nanuyo ang lalamunan ko. Kumuha si Gael ng isang kahoy na upuan, inilagay sa harap ni Kyle at umupo rin doon.
Ngayon ay magkaharap na sila, sumandal si Gael sa upuan at nag-angat ng tingin si Kyle na blangko ang mukha. They're staring at each other directly. Naramdaman ko ang paninindig ng balahibo ko habang pinapanood ko sila. I can see that Janine's intimidated by both of them.
Hindi ko mahulaan kung anong mga nasa isip nila. They look so angry and relax at the same time. Si Gael ang unang nag-iwas ng tingin at may kinuha na kung ano sa bulsa niya, maliit na kulay itim lang 'yon na kasing haba ng isang ballpen. May pinindot siya do'n kaya humaba ito at nagmukhang parang batuta. Bakal ito at halatang masakit kapag ginamit sa tao. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa laylayan ng damit ko.
Huminga nga malalim si Gael at ibinalik ang tingin kay Kyle.
"Should we start?" Tanong ni Gael sa malamig na tono. And i swear to God that i saw Kyle's scary and intimidating grin, i felt shivers down my spine.
ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ