fifty seven

1836 Words
LVII. Malakas ang pintig ng puso ko habang pinagmamasdan si Kyle at Gael. Hindi ko alam kung para saan ang ginawa niyang pag-ngisi kanina pero naramdaman ko ang kilabot. Ayun ang ngiti na ginagamit niya kapag may namumuong plano sa utak niya. Something will happen. Nakita ko rin si Janine na hinaplos ang sarili niyang braso habang umiiling na parang namamangha sa nakikita. "May agency ka?" Kaswal na tanong ni Gael na parang nakikipag usap lang sa isang kakilala. Hindi sumagot si Kyle kaya huminga ng malalim si Gael at pinagsalop ang mga daliri. "Wala." Tumango tango si Gael na para bang siya na rin sumagot ng tanong niya kay Kyle. "Anong dahilan mo para kalabanin ang APO?" Nagkibit balikat si Kyle at pinatunog ang leeg habang nakapikit, parang pinaparating na naboboring siya. Suminghap si Janine hudyat na naiinis siya dahil sa inaasta ni Kyle. "Gael, let's just kill him. Nauubos na ang pasensya ko." Ani Janine sa galit na tono. Tinignan ko siya ng masama pero hindi niya napansin dahil na kay Kyle ang buo niyang atensyon. "Malapit na rin maubos ang pasensya ko sayo, Janine. Wag mong hayaan.." Seryosong sabi ni Gael kaya natigilan si Janine. Napahawak siya sa ilong niya na para bang sumasakit ang ulo niya. Pero hindi rin ako makapaniwala na ganito si Gael ngayon. He said he respects Janine as an agent. Pero bakit ganito na siya ngayon? "Vergara! Just answer the f*****g questions! Or you'll get killed!" Sigaw ni Janine pero parang walang narinig si Kyle. "Stop disrespecting us, jackass!" "Whatever." Walang ganang ismid ni Kyle kaya halos makita ko pag uusok ng ilong ni Janine. Kumuyom ang kamao niya at nanginginig ang buong katawan niya dahil sa galit. Kinagat ko ang dila ko para pigilan ang pag tawa. Bebe ko, you're doing good alright. "Calm down, ma'am Janine." Sabi ko kaya napalingon siya sa'kin kaya ngumisi ako at tinaas ang isang kilay ko. Umirap siya at umupo sa isang sofa habang nakahawak sa noo. "Anong dahilan, Vergara?" Tanong pa ni Gael kay Kyle pero hindi na naman ito sumagot. Kyle, just answer him please. Alam kong ayaw mo sabihin na dahil sa'kin kaya mo ginagawa 'to kaya hindi ka sumasagot. Gumawa ka na lang ng kwento. It's okay to lie sometimes.. Napapitlag ako nang biglang tumayo si Gael at pinalo niya ang binti ni Kyle ng hawak niyang bakal. Napapikit ng mariin si Kyle habang gumagalaw ang panga, tinitiis ang sakit na nararamdaman. "GAEL!" Sigaw ko dahil sa gulat. Parang walang narinig si Gael pero bumalik siya sa pagkakaupo, napalingon sa'kin si Janine kaya kinurot ko ang sarili kong braso para pigilan ang pagre-react. "Anong dahilan, Vergara?" Pag uulit ni Gael sa tanong niya. Sumandal siya sa upuan niya, si Kyle naman ay binaling ang tingin sa gilid. "Don't you think you're taking too much time for me?" Malamig na tanong ni Kyle bago ibaling ang madilim niyang mata kay Gael na walang reaksyon. "Am i that big threat to your trashy agency?" "f**k!" Nanggigil na tumayo si Janine at humakbang palapit kay Kyle na naboboring ang mukha. "What did you say? Trashy agency?" Tumaas ang kilay ni Kyle at dinaanan ng tingin si Janine. "Can you just move your ass over there? We don't need your filthy mouth here." Kinagat ko ang labi ko habang pinapakinggan ang mga sinasabi ni Kyle. I didn't know he can say these kind of words, he's lowkey roasting Janine right now. Nanlaki ang mata ko nang ilabas ni Janine ang baril at kinasa ito. Tinapat niya iyon kay Kyle na halata sa mukha na hindi natatakot. "JANINE! WILL YOU CALM DOWN?!" Galit na sigaw ko. She's thinking of killing Kyle right now. I won't let that happen. Hinawakan ko 'yung baril na nakaipit sa pantalon ko. "He's getting on my nerves! We spent one month hunting him, ngayong nandito na siya ay ganito ang inaasta niya. He's disrespecting us!" Nag ngingitngit si Janine. "That's kinda wrong.." Bahagyang ngumuso si Kyle. "You spent two weeks falling into my traps and two more weeks having s*x with Kieran Domingo. Isn't that right?" Napayuko ako at kinagat ang bibig ko. Kyle, saan mo natutunan ang mga bagay na 'yan? You could kill with those words. Namumula na ang buong mukha ni Janine at lalo siyang nanginig. "Die." Mariin na sabi ni Janine at kinalabit ang gatilyo. Nanigas ang buong katawan ko dahil sa sobrang bilis ng pangyayari. Biglang tumayo si Gael at sinipa ang baril na hawak ni Janine kaya tumama ang bala sa lamesa. Dinampot ni Gael ang inuupuan niyang kahoy na upuan at pinalo kay Kyle kaya nagkalas kalas iyon. It happened in just a second, muntik nang hindi mahuli ng mata ko. Naramdaman ko ang pagtutubig ng mata ko nang makita ang tumutulong dugo mula sa ulo ni Kyle. Pumikit-pikit siya at mabilis ang pag hinga. Oh, Kyle.. I can't take this anymore. Kinuha ko ang baril sa bewang ko at salitan na tinutok sa dalawa. Nagulat ang mukha ni Janine at walang naging reaksyon si Gael. "Put that gun down, Silvana." Mariin na sabi ni Janine habang nakatitig sa baril na hawak ko pero mas lalo ko iyon nilapit sa kanya. "What the f**k are you doing?!" Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung kaya kong sabihin na kaya ko sila tinututukan ng baril ngayon ay dahil kay Kyle. Binuka ko ang bibig ko pero walang lumalabas na boses. Lumapit ako sa gawi ni Kyle habang nakatutok pa rin ang baril sa kanilang dalawa. Lumayo si Janine pero hindi gumalaw si Gael na nakatayo lang. Para bang walang nakatapat na baril sa kanya. Nilingon ko si Kyle na nakatingala at nakapikit, puro dugo na naman ang mukha niya dahil sa umaagos na dugo mula sa ulo niya. I can even hear his heavy breathing. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa baril na hawak ko. Nanginginig na rin ako dahil sa galit, naninikip na ang dibdib ko dahil sa halu-halong nararamdaman. Galit, sakit, lungkot, pag-aalala at takot. "Put. The. Gun. Down. Silvana." Mariin at galit na sabi ni Janine. "Why are you doing this, huh?!" Magsasalita na dapat ako pero sabay sabay kaming napalingon sa malaking pinto nitong factory dahil sa malakas na kalabog mula sa labas. Biglang bumukas ang pinto kaya lalong umingay, sunod-sunod na pumasok ang tatlong lalake at isang babae na hinahabol ng mga bantay sa labas. Lahat ng takot sa katawan ko ay biglang nawala nang makilala ang mga ito. "K-kieran?" Gulat na sambit ni Janine habang pinapanood si Kieran na may sinipa sa mukha. Dumampot ito ng bakal sa gilid at pinalo sa ulo ng isa pang kalaban. King's calmly throwing his large fist on everyone's face who dares to attack him. Halos lumilipad na si Billy, swinging his long legs in the air. May hawak na maliit na kutsilyo si Monique, umiilag sa atake ng kalaban at ibabaon ang kutsilyo sa balikat, binti o likod ng umaatake sa kanya. Naestatwa si Janine sa kinatatayuan niya, samantalang si Gael ay relax lang na para bang nanonood lang siya ng Tv.  Lagpas singkwenta ang kalaban at parang walang kahirap hirap na pinapatumba nila Billy ito. I can't believe that they improved this much, ganito rin ba si Kyle? Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit duguan si Gael nang dumating siya dito. Hindi katagalan ay naubos nila ang kalaban, humakbang silang apat palapit dito kaya napasinghap ako. Nagka eye to eye kami ni Monique kaya ngumuso siya at pinunasan ang tumalsik na dugo sa pisngi niya. Malamig ang tingin ni King at blangko ang mukha ni Billy. Niluwagan ni Kieran ang suot niyang off white shirt bago daanan ng tingin si Janine na tulala sa kanya. He smirked. "Good day, folks!" Maligayang bati ni Kieran nang makalapit sila. Lumingon siya kay Kyle at ngumiwi nang makita ang itsura nito. "We would like to get our bloody friend here.." "You traitor!" Nangingilid ang luha na sigaw sa kanya ni Janine kaya nanlaki ang mata niya. "Sshh, baby.. Don't let them know." Ani Kieran. Kinagat ni Janine ang labi niya dahil sa inis. Lumapit si Billy kay Kyle at tinanggal ang tali nito tsaka inalalayan patayo. Napatingin ako kay Gael, kumunot ang noo ko nang mapansin na parang wala siyang pakialam sa nangyayari. Talagang si Janine lang ang galit na galit sa'min ngayon. "Gael, fight them! What are you doing?!" Sigaw ni Janine pero umingay na naman dahil sa bagong kalaban na sunod-sunod na pumasok dito. Napahawak ako sa noo ko. Sinabihan nga pala ni ate Agnes si Renz kanina na dagdagan ang mga bantay sa labas! Now, they're here! "Oh, no.." Napasampal sa noo si Monique at hinintay na lang na makalapit ang mga nagtatakbuhan na kalaban palapit dito. Nakita ko sa gilid ng mata ko na dadamputin ni Janine ang baril niya kanina na sinipa ni Gael. Mabilis akong lumapit kaya bago niya pa iyon madampot ay sinipa ko na agad palayo. Galit na lumingon siya sa'kin. "Fight fair." Sabi ko at nagkibit balikat. "Although, we have almost 90 securities and they're just four. Let's not use gun for today.." Naramdaman ko ang titig sa'kin ni Gael kaya lumingon ako sa kanya. Walang emosyon ang mata niya, blangko ito. Parang walang buhay. Binaling ko ang tingin kay Kyle na mabagal na tumatayo kaya napaiwas siya ng tingin. Inayos ni Kyle ang uniform niyang punong puno ng dugo, pinagpagan niya ang pantalon niyang puro dumi at sinuot ang sapatos niyang hinubad ko sa kanya kanina. Sinuklay niya ang buhok niya gamit ang madugo niyang daliri bago lumingon sa'kin. Napatingin ako kay Janine na hindi makapaniwalang nakatingin kay Kyle. Nagtataka kung bakit nagagawa pang tumayo ni Kyle kahit halos hindi na ito makilala dahil sa dugo sa mukha. "Gael, kill him." Mahinang sabi ni Janine kaya pasimpleng umiling ako kay Kyle. Lumingon siya kay Janine at inirapan ito bago siya yumuko at dinampot ang bakal na pinangpalo ni Gael sa binti niya kanina. Tinalikuran niya kami at mabilis ang lakad na nagpunta kila King na nakikipaglaban sa mga kaaway. Pinapalo niya ng bakal na hawak niya ang bawat kalaban na makakasalubong niya. Kyle, how can you manage to do that with those bruises and wounds all over your body? "Gael, i can't believe you! Why can't you fight them?!" Bulyaw ni Janine nang makita na nauubos na naman ang mga kalaban. "Makakatakas si Vergara!" Huminga ng malalim si Gael habang nakatutok ang mata kay Kyle na nakikipaglaban ngayon, nilagay niya ang kamay niya sa magkabilang bulsa niya at bahagyang ngumuso. "Let him. That beast suffered to much already. He can't die." Lumungkot ang mata niya. "He just can't.." Napayuko ako. His voice breaks my heart. ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD