fifty eight

1663 Words
LVIII. Nandito kami sa HQ ngayon. Hinayaan ni Gael na makatakas sila Kyle, hindi ko alam kung anong iniisip ni Gael. But his voice saying that Kyle can't die melts my heart. Parang pinira-piraso ang puso ko habang pinapanood niyang umaalis sila Kyle matapos maubos ng mga ito ang mga kalaban. And Janine is raging in anger. "I can't f*****g believe this!" Binagsak ni Janine ang palad niya sa lamesa kaya nakagawa ito ng ingay, napalingon sa'min ang ibang agents dahil doon. Naramdaman ko ang kalabit ni Hana sa braso ko. "Anong nangyari, Vana?" Lumingon ako kay Gael na tahimik na nakasandal sa upuan, nakapikit habang tina-tap ang mga daliri sa lamesa. "Hmm, nakatakas si Vergara.." Nanlaki ang mata niya. "Oh my gosh. Sinabi nga ni Renz sa'min kanina na nahuli na! Pero paano nakatakas?" Pinaglaruan ko ang mga daliri ko. "Dumating.. 'yung mga kaibigan niya tapos niligtas siya. They fought the securities.." "Woah! So.. sa kwento mo palang alam ko nang marami sila, ilan sila? About 30? Sabi na nga ba may agency 'yang Vergara na 'yan!" Ngumiwi ako. "Apat sila. Kasama si Vergara, bale lima? And he's not belong to any agency." Naningkit ang mata niya. "Di nga?" "Oo nga!" Napatakip siya sa bibig niya. "Seryoso?! Eh nasa singkwenta 'yung mga securities do'n tapos nagpadala pa kami ng about fifty din kasi utos ni ma'am Agnes. Tapos nakaya nila lahat 'yon at duguan pa si sir Gael?!" Ngumuso ako at hindi na sumagot. May sinabi pa siya na kung anu-ano at nagsimula na rin ikwento ni Hana ang mga sinabi ko sa ibang agents. Everyone's in awe. "Good evening, ma'am Agnes!" Sunod sunod ang bati kay ate Agnes nang dumating siya. Bigla akong binalot ng kaba, napalingon siya kay Gael na malinis ang itsura ngayon, may ilang band aid sa mukha niya at natahi na kanina 'yung sugat sa ulo niya. I wonder how's Kyle doing right now. Tinext ako ni Monique kanina at sinabi na tinatahi na ang sugat ni Kyle sa balikat at ulo. I hope he's doing fine. "So.. What happened?" Umupo si ate Agnes sa swivel chair niya. Medyo hindi kalmado ang boses niya, halatang hindi siya natutuwa na nakatakas pa si Kyle sa kamay namin tatlo nila Gael. "Gael let him escape!" Galit na tinuro ni Janine si Gael kaya tumaas ang kilay ni ate Agnes at nagulat ang lahat. "Totoo ba 'yon, Gael?" Lumingon si ate Agnes kay Gael na walang reaksyon. "It will be impossible for the three of us to fight them." Walang gana na sabi ni Gael kaya suminghap si Janine. "Ang sabihin mo duwag ka! Nakita mo lang na pinatumba nila ang mga securities na 'yon ng walang kahirap hirap ay bumahag na ang buntot mo--" "Will you stop?!" Inis na sigaw ko. "Did you even try to fight them? Ang tanging ginawa mo lang naman ay manood lang at paganahin ang bibig mo! Si Gael ang nakakuha kay Vergara, he got those bruises and wounds because he worked hard kaya wag mong isisi lahat sa kanya!" "Isa ka pa!" Sigaw ni Janine at hinarap ako. "Stop it!" Saway ni ate Agnes kaya napatahimik kaming lahat. Huminga siya ng malalim habang umiiling. "I'm very disappointed, saka ko na kayo kakausapin kapag malalamig na ang ulo niyo. Umuwi na muna kayo." Padabog na tumayo si Janine at pumasok sa elevator. Napabuntong hininga na lang ako at tumayo para magpunta sa comfort room. Naghilamos ako at inayos ang sarili ko. Napatigil ako sa pagsusuklay ng buhok nang mag vibrate ang phone ko. A call from Monique. "Hello?" "Vanna!" Maligayang bati niya mula sa kabilang linya. Nilibot ko muna ang tingin sa buong banyo, nang makita na walang tao ay saka lang ako sumagot. "How's Kyle? Okay na ba siya?" Tanong ko. "Yeah. He's okay na, don't worry. Pero.." Tumigil siya sa pagsasalita at nag-isip. "He's looking for you. Gusto ka niyang puntahan diyan kaya pinipigilan siya nila King.." Nanlaki ang mata ko. "Bakit daw? He can't go here!" "Eh nagpipilit e.." Nagbuntong hininga siya. "Bawal ka na daw mag-stay diyan dahil alam na daw nung Gael ang sikreto niyo." Napahawak ako sa noo ko. "It's okay, i'm fine here. Wag na siyang mag-alala, he needs to recover!" Ilang sandaling hindi sumagot si Monique. "How about you go here, Vanna? Sa totoo lang, pati kami ay nag-aalala. Baka kung anong gawin nila sayo diyan!" Kinagat ko ang labi ko. "Si Gael lang naman ang nakakaalam.." "Kahit na!" Halata sa boses niya ang pag-nguso. "Punta ka na lang dito sa hospital, please. Baka hindi na namin mapigil si Kyle. Kapag nakita ka niya mapapanatag ang loob niya." Kinagat ko ang kuko ko habang pinagmamasdan ang sariling repleksyon sa salamin. "I'll try." Nagpaalam na ako kay Monique at naghilamos ulit. Pinusod ko na lang 'yung buhok ko at nagpalit ng damit. Halos mapatalon ako nang biglang pumasok si Gael dito sa banyo. Sinarado niya 'yung pinto at ni-lock. Napaatras ako nang humakbang siya palapit. "Pupuntahan mo si....?" Tanong niya. Hindi mabanggit ang pangalan ni Kyle. Yumuko ako. "H-hindi ko alam.." Ilang saglit siyang hindi nagsalita. Naririnig ko lang ang hininga niya, nakatitig siya sa'kin kaya halos hindi ako makagalaw. "Puntahan mo na, ako na ang bahala kay ate Agnes.." Sabi niya kaya mabilis akong napaangat ng tingin. Wala pa rin emosyon ang mata niya. "G-gael.." Naramdaman ko ang pag-iinit ng mata ko. "Why.. are you doing this?" Kumunot ang noo niya. "Yung ano?" "Tinutulungan mo ako kahit nalaman mo nang niloloko ko kayo, hindi mo ako sinusumbong at hinayaan mong tumakas si Kyle.." "What should i do then?" Lumambing ang mata niya. Tumulo ang luha ko nang makita ang nasasaktan at malungkot niyang mata. "Anong gagawin ko, Vana? Naguguluhan na rin ako sa sarili ko.." "I'm a traitor. Niloloko ko kayong lahat, niloloko ko kayo.. ni ate Agnes!" "You betrayed me. You betrayed the agency. You betrayed everyone.." Nanginginig ang boses niya. "And you're asking me why i help you? Do you think i care for you so little that betraying me would make a difference?" Napahikbi na ako at yumuko. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, parang binibiyak ang puso ko. Gael loves me, he loves me. Nararamdaman ko. Nasasaktan ko siya dahil sa pagpili ko kay Kyle pero hindi siya nagagalit sa'kin. "I-i'm so sorry.." Pinunasan ko ang luha ko. "I'm so sorry, Gael!" Narinig ko ang malalim niyang paghinga. "Wag kang mag-sorry, Vana. Please? Lalo ko lang nararamdaman na talo ako." Niyakap ko siya kaya natigilan siya. Umiyak ako sa dibdib niya. I feel so bad, nasasaktan ako na nasasaktan ko si Gael. Naramdaman ko ang nanginginig na kamay niya na hinaplos ang buhok at likod ko. "This is scary.." He said in a voice that low. "To finally have someone worth losing." Lalo lang akong napaiyak. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para mawala ang sakit na binigay ko sa kanya. Parang mas gugustuhin ko pa na magalit siya sa'kin, mas tatanggapin ko pa ang mga suntok o bugbog na ibibigay niya kesa marinig ang nasasaktan niyang boses. Gael hates losing, he hates it more than anything else in this world. Pero pinaubaya niya ako Kyle ng walang problema. Without his pride, just his broken heart. Hindi ko alam kung paano niya ako napatigil sa pag-iyak. Sabay kaming umalis ng HQ at nagpaalam siya kay ate Agnes na may pupuntahan lang kaming dalawa. Hindi na ako humarap dahil namamaga ng husto ang mata ko. Gusto niyang ihatid ko siya sa hospital pero hindi na kakayanin ng konsensya ko 'yon. Ibinaba niya ako malayo sa HQ at nag-taxi na lang ako papunta sa hospital. "Hey.." Bati ni Billy pagkakita niya sa'kin. Nakatayo siya sa labas ng kwarto ni Kyle dito sa hospital, kumunot ang noo niya nang makita ang namamaga kong mata. "Where is he?" Tanong ko kaya sinenyas niya 'yung loob ng kwarto. Pagkapasok ko ay si Kieran lang ang nasa loob na natutulog sa maliit na sofa. Si Kyle naman ay diretso ang tingin sa'kin, naka-suot siya ng hospital gown. Kahit ang dami niyang sugat sa mukha ay mukhang ayos na naman siya. "Kyle.." Umupo ako sa tabi niya. Hindi siya nagsalita at hinaplos ng thumb niya ang kaliwang mata ko. "Bakit ka umiyak?" Umiling ako at ngumiti. Hinawakan ko ang kamay niya at pinasadahan siya ng tingin. "Are you feeling fine?" "I'm fine, Savanna." Sagot niya. "Now, why did you cry?" Yumuko ako. "Si.. Gael kasi." "Anong ginawa sayo?" Galit na ang tono niya kaya mabilis akong umiling. "Wala siyang ginawang masama.." Naramdaman ko na naman ang pag-iinit ng mata ko. Iniisip ko pa lang 'yung pinag usapan namin kanina ni Gael ay pinipiga na agad ang puso ko. Niyakap na ako ni Kyle at hindi na hinintay ang sasabihin ko. Alam niya na agad. Ngayon ay sa dibdib naman ako ni Kyle umiyak, napaka iyakin ko nitong mga nakaraang araw. Sobrang daming nangyayari, hindi ko alam kung bakit hindi pa ako namamanhid. Dumating sila Monique at King na may dalang pagkain. Alam kong napansin nila na umiyak ako pero hindi na sila nagtanong. "Okay, let's eat!" Aya ni Monique matapos niyang ihain lahat ng binili nilang pagkain. Pumasok na rin dito si Billy at ginising si Kieran. Si Kyle naman ay sinusubuan ko ng pagkain dahil 'masakit' daw ang kamay niya. "Asus! Parang hindi ka naman nabalian sa kamay!" Ani Kieran na nilalantakan 'yung manok sa plato niya. "I broke my backbone." Pagdadahilan ni Kyle. "Hindi naman 'yon konektado sa kamay!" Pang-aasar pa ni Kieran. Tinignan siya ng masama ni Kyle kaya humalakhak silang dalawa ni Monique. Tumawa na rin ako kaya lumingon sa'kin si Kyle at tinaas ang kilay. "What?" Inis na tanong niya. I smiled. "You cute." ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD