LIX.
Sa hospital ako nagpalipas ng gabi. Umuwi si King at Monique dahil maaga ang klase ni Monique bukas, nakaupo na magkatabing natulog si Billy at Kieran sa maliit na sofa.
Kami naman ni Kyle ay magkatabi sa hospital bed, sobrang cautious lang ako dahil baka mabangga ko si Kyle at masaktan siya. Masakit ang katawan niya ngayon.
Pinayagan na rin agad umuwi si Kyle, wag lang siya gagalaw masyado at babalik siya sa hospital para i-check 'yung tinahi sa kanya. Kailangan na din muna niyang wag pumasok sa school para makapag pahinga siya ng ayos.
"You need to rest, okay? Wag matigas ang ulo." Paalala ko kay Kyle kaya tinatamad na tumango siya. Nandito kami ngayon sa bahay nila nila King sa Gangland. Mas maganda kung dito siya mag-i-stay dahil nandito sila Kieran.
"And i won't be able to see you for days.." Sabi ko pa kaya kumunot ang noo niya. "Please, Kyle? Mainit pa ang ulo nila Janine sa'kin. I need to be cautious, let's not meet for like three days okay?"
"Just stay here, Savanna. Wag ka nang bumalik do'n.." Aniya sa nagmamakaawang tono. Ngumuso ako at umiling.
"I want to do that. Hindi ko lang pwedeng biglain dahil magugulantang silang lahat. Baka madamay sila Monique dito!"
"Believe me, Savanna. Nadamay na sila. They already know their faces."
Yumuko ako. "I need to try to save them, instead. Mas lalo lang kayong mapapasama kapag kasama niyo ako." Hindi siya sumagot kaya hinawakan ko ang kamay niya. "Trust me, alright?"
"You contact me." Mariin na sabi niya. "Kapag lumagpas ang dalawang araw na hindi ka nag text sa'kin ay susugurin ko ang headquarter niyo."
"Sure sure.." Natatawang sabi ko. Alam ko naman sa sarili ko na tatawagan at itetext ko siya araw-araw. I will miss him so much, baka nga ako pa ang hindi makatiis at magpunta sa kanya.
Pinaalalalahanan ko pa siya ng kung anu-ano bago ako umalis. Naabutan ko sila Kieran sa baba na nanonood ng basketball sa flatscreen.
"Guys, alis na ako!" Paalam ko sa kanila kaya sabay silang napalingon tatlo. "Bantayan niyo si Kyle, huh? Baka biglang umalis 'yon."
"Oo na, Vanna! Babantayan namin 'yung baby mo!" Ani Kieran kaya inirapan ko siya.
"Call us when something happened." Paalala ni King bago ako halikan sa ulo.
"Of course! I will. Ingat kayo dito.." Kinagat ko ang labi ko nang maisip na nadamay na sila dahil sa'kin.
"Hatid na kita sa kanto." Sabi ni Billy kaya ngumiti ako at tumango. Kinuha niya 'yung susi ng motorbike niya sa lamesa at nauna nang lumabas.
"Your baby improved so much." Sabi ko habang pinagmamasdan ang lalong gumagandang motorbike niya. Highschool pa lang ay kanya na 'to, grabe sa pag iingat!
Ngumisi siya at inabot sa'kin ang isang helmet. Sinuot ko naman agad 'yon at sumakay sa likod. Habang tinatahak namin ang lugar na 'to ay hindi ko maiwasan na mag reminisce, ang daming nangyari sa'min sa lugar na 'to. This place is one the most dangerous place, punong puno ng malalaking gang ang lugar na 'to. Kahit mga pulis ay natatakot pumasok dito, minsan ay may makikita ka na lang nakahandusay na katawan sa daan.
Sumakay ako ng taxi pagkarating namin ni Billy sa kanto. Pinaalalahanan niya ako na makiramdam ako sa paligid para malaman ko kung may maling mangyayari. I should do that.
Habang nasa byahe ay nagtext sa'kin si Hana na pinapatawag ako ni ate Agnes. Kinabahan ako. Kung gusto akong ipatawag ni ate Agnes, bakit hindi siya ang nag-contact sa'kin?
Imbis na sa bahay ay sinabi ko sa taxi driver na sa HQ na lang kami magpunta. Pagkadating ko sa building ay kinilabutan agad ako. What is this?
Habang nasa elevator ay nakasabay ko si Renz. Binati ko siya pero napangiwi lang siya at awkward na kumaway.
Pagkabukas ng elevator ay nasa'kin agad ang mga mata ng lahat. May bumubulong at parang galit, lumingon sa'kin si Hana at nagmamadaling lumapit.
"Vana, pinapatawag ka sa office.." Nakangiwing sabi niya.
Tumango ako at nilingon ang opisina ni ate Agnes, glass ang dingding kaya nakikita ko ang loob. Nakatayo siya, nakasandal sa lamesa sa gitna. Nakayuko at naka-cross arms, parang nag iisip.
Huminga ako ng malalim bago itulak ang pinto. Agad na napaangat ng tingin si ate Agnes kaya nakita ko ang malamig niyang mata.
"Ate Agnes.."
"Saan ka natulog?" Tanong niya.
"S-sa unit ni Gael.." Pagsisinungaling ko kaya suminghap siya.
"Tama na pagsisinungaling, Silvana." Aniya sa galit na boses. "Nakita ka ni Romeo kagabi na pumasok sa kwarto ni Vergara sa hospital.."
Agad na nanlamig ang buong katawan ko at hindi nakasagot. Mabilis siyang lumapit sa'kin at sinampal ako ng malakas sa pisngi. Napaatras ako ng sobrang lakas at napayuko, halos mabingi ako dahil sa tunog.
"How dare you, Silvana?" Galit na sambit niya kaya bigla na lang akong napaiyak. Now, i'm crying again! s**t.
Nag-angat ako ng tingin para magsalita ngunit agad niya na naman akong sinampal. Napahikbi na ako.
"I-i'm sorry.."
"Sorry? Damn, Silvana.." Napahawak siya sa noo niya at nagpabalik balik ng lakad. "You betrayed our agency. Niloko mo kaming lahat! And now you're sorry?"
Napahagulgol ako at lumapit sa kanya saka hinawakan siya sa kamay pero agad niyang tinabig. Pinagsasampal niya ako sa mukha, kinalmot at sinabunutan. Hindi ako pumalag, nakatayo lang ako habang tinatanggap ang lahat.
Biglang bumukas ang pinto.
"ATE AGNES!" Sigaw ni Gael bago ako hilahin palayo kay ate Agnes at itinago sa likod niya. Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang pag-iyak pero hindi ko magawa.
"Gael, that woman is a traitor!" Dinuro ako ni ate Agnes. "He's in a relationship with Vergara! Pinagloloko tayo ng malanding babaeng 'yan! At ginagamit ka pa niyang dahilan para makalusot sa pagkikita nila!"
Hindi sumagot si Gael kaya nakita kong natigilan si ate Agnes at napatalikod. Throwing her hands in the air, hindi makapaniwala.
"Alam mo ang pinag gagagawa ng babaeng 'yan, Gael?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"Sorry--" Sinampal niya ng malakas si Gael. Humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko dahil do'n.
"Mga walangya!" Sigaw ni ate Agnes at hinawi ang lahat ng gamit sa lamesa niya. Nag wawala na siya dahil sa sobrang galit.
Humarap ulit siya sa'min na mabigat ang bawat pag hinga, namumula siya at dinuro kami pareho. "I trusted you both.."
Hinawakan ko sa braso si Gael para tumabi siya. Humarap ulit ako kay ate Agnes kaya natigilan siya.
"A-ate Agnes.."
"Don't you dare call me ate!" Galit na sigaw niya at sinampal na naman ako. Hinila ako palayo ni Gael pero hindi ako nagpapahila, gusto kong saluhin lahat. I deserve every single slap.
"Tama na!" Awat ni Gael at si ate Agnes na lang ang hinila palayo. Tumigil si ate Agnes at nilagay ang dalawang kamay sa lamesa at yumuko. Kinuha niya 'yung telephone niya at may sinabi doon.
Maya maya lang ay pumasok ang ibang agents. Hinawakan nila ako sa braso kaya hinawi silang lahat ni Gael.
"Hands off." Malamig na sabi niya sa mga 'to kaya agad nila akong binitawan.
"Wag kang makialam, Gael!" Sigaw ni ate Agnes at nilingon sila Romeo. "Dalhin niyo ang babaeng 'yan sa secret room."
Nagdalawang isip sila Renz na hawakan ako dahil kay Gael kaya tinignan ko siya at tumango. Napamura na lang siya ng mahina at nagpamewang bago yumuko. Agad din nila akong kinaladkad palabas ng office kaya nakita ko agad ang nakangising mukha ni Janine.
"Damn, girl. Kaya pala sobra ka kung makatanggol.." Nang aasar na sabi niya na hindi ko pinansin. Nagpahatak na lang ako sa ibang agents at pinasok nila ako sa secret room na walang kahit anong laman.
Tanging puting sahig at puting dingding lang ang makikita, wala nang iba. Kinuha rin nila ang phone ko at tinapakan ni Romeo 'yon sa harap ko kaya kitang-kita ko kung paano ito nadurog.
Padabog nilang sinara ang bakal na pinto kaya tanging pag-hinga ko na lang ang narinig ko dito sa loob. Pinagmasdan ko ang braso kong puro kalmot ni ate Agnes. I sobbed. Wala na akong ibang magawa kundi umiyak.
They will kill me. They'll kill me for sure.
ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ