twenty three

2421 Words
XXIII. Sinusundan ko ng tingin si Kyle palayo na nag-initiate na mag-oorder. Niyaya ko siya dito sa isang cafè dahil nagki-crave talaga ako sa bread and coffee today. Hindi ko maiwasan na mapangiti habang iniisip kung paano kami magkahawak kamay na naglalakad ng mall kanina, dati kasi ay hindi ako pumapayag na magkadikit kami sa public dahil gano'n nga 'yung fashion ko, manang, jologs, baduy. Gano'n nila kung i-describe. Ayokong mapahiya siya sa mga tao. Tsaka natatakot din ako na may makakita sa'min na nag-aaral sa Kcads, baka ipagkalat pa sa school na may girlfriend si Kyle Vergara na mukhang manang na nag-ngangalang Ynna Castro. Malakas lang ang loob ko ngayon dahil pinili kong suotin ay ang sarili kong fashion, ang tunay na pagkatao ko. Si Savanna Castro. Kahit maraming estudyante pa ng Kcads na makakita sa'min ay hindi makakasama sa pagpapanggap ko 'yon. Yun nga lang, malalaman nila na may girlfriend na ang pinakatahimik na estudyante sa Kcads. Okay na rin 'yon, para tigilan na nila si Kyle. "Hi." Napaangat ako ng tingin nang biglang may nagsalita. Tumambad sa'kin ang mukha ng isang lalake na sobrang familiar sa'kin. Nag-aaral siya sa Kcads! Siya 'yung mohawk ang buhok na sa'kin pinapagawa ang mga projects niya pero lagi kong tinatanggihan! Halatang hindi niya ako nakikilala dahil alam ko sa sarili ko na ibang-iba ang itsura ko ngayon. "Hmm?" Walang ganang sagot ko. "Pwede bang makipagkilala?" Tanong niya kaya tumaas ang kilay ko. "Hindi." Sagot ko. "I have a boyfriend.." Ngumisi siya ng mayabang bago pasimple na lumingon sa isang table na may tatlo pang lalake. Nakatingin sila dito na halatang pinapanood kami. "It's okay. Hindi naman niya malalaman." Sagot niya. "Tsaka ako na ang bahala do'n kung malaman niya man." "Sinasabi mo bang kaya mo 'ko?" Mabilis siyang napalingon sa likod niya nang marinig ang boses ni Kyle na kababalik lang mula sa counter. Napangiwi ako nang makita ang emosyon ng mukha ni Kyle ngayon. He's pissed as hell. Kahit alam ko sa sarili ko na kabisado ko na ang facial expression ni Kyle, sigurado pa rin ako na nakikita nilang hindi siya natutuwa ngayon. I felt goosebumps all over my body. "Siya ang boyfriend mo, miss?" May halong gulat na tanong nung lalake habang tinuturo si Kyle. Of course, kilala niya si Kyle Vergara. I nodded. Lumingon ulit siya sa mga kasama niya na halatang hindi rin inaasahan na si Kyle ang boyfriend ko. Tahimik na umalis na lang si mohawk guy at bumalik sa lamesa kung nasaan ang mga kaibigan niya. Binalik ko ang tingin kay Kyle na tahimik na umupo. Inabot niya sa harap ko 'yung ice coffee na in-order ko pero hindi ko 'yon pinansin dahil nakita ko ang maliit na ngisi sa labi niya habang umiinom. That smirk again. I haven't seen that in a while and it scares me everytime. "D-don't mind him.." Agad na sabi ko kaya nabaling ang tingin niya sa'kin. Saglit siyang napatitig sa'kin kaya ngumiti ako. "Hindi niya naman ako ginulo dahil dumating ka agad." Sabi ko pa pero hindi na naman siya sumagot bago nag-iwas ng tingin. It's that expression again, kung kanina ay nakikita ko pa na naiinis siya. Ngayon wala na, blangko. Hindi ko alam kung galit ba siya ngayon o hindi pero nakakatakot, isa iyan sa mga bagay na ayokong nakikita sa kanya. Ang makitang walang emosyon ang mata niya. Soulless and blank. I cleared my throat. "Can we go to the park after this? May nadaanan tayo kanina, parang gusto kong magpunta do'n.." "Mukhang uulan." Sagot niya lang kaya sumimangot ako. Wala pa rin siyang emosyon. Inusog ko 'yung upuan ko para magkatabi kami saka niyakap ang braso niya. "Dali na, bebe ko! Kahit mga thirty minutes lang." Malambing na sabi ko. "Let's go there, ha? Ha? Ha? Ha? Bebe ko? Please?" Ilang saglit niya akong tinitigan kaya nagpacute pa ako ng konti, maya maya ay kumunot 'yung noo niya. "You're doing it again, that's just so f*****g unfair, Savanna." I chuckled. "Effective e." Nagpangalumbaba ako habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. "Can you say 'bebe ko' for me?" "Nah." Ngumuso ako. "Dali naaaaa!" Napahawak siya sa bridge ng ilong niya habang nakapikit kaya lalo akong ngumuso. Dumilat din siya agad at tumitig sa'kin. "Bebe ko." Walang ganang sabi niya kaya umiling ako. "Lagyan mo naman ng feelings! Katulad ng ginagawa ko." Reklamo ko pero hindi na niya iyon pinansin, kinuha niya 'yung coffee namin dalawa bago tumayo. "Let's go." Aya niya pero hindi ako tumayo. "Let's go what?" Tanong ko kaya kumunot ang noo niya. "Savanna." He warned. "Nicole." I said. Inis na huminga siya bago mataman na tumitig sa'kin. "Let's go, bebe ko." Tumawa ako ng konti bago tumayo kaya iiling-iling na inabot niya 'yung coffee ko sa'kin. "You're unbelievable." Umupo kami sa isang bench dito sa park na sinasabi ko, tulad ng request ko—nagpunta kami dito. Ang sarap lang ng simoy ng hangin dahil maraming puno dito, malinis ang paligid at maraming pamilya na nagpi-picnic. Ang sarap tumambay dito buong araw. Nakakawala ng stress. "Bebe ko." Kinuha ko 'yung atensyon ni Kyle na tahimik lang na nagmamasid sa paligid kaya napalingon siya. "Hmm?" "Naiisip ko lang, hindi ka ba naku-curious kung bakit ako nagpapanggap? Or alam mo na 'yung reason kaya hindi mo tinatanong?" Umiling siya. "Ayaw mo pa kasing sabihin sa tingin ko." Pinasingkit ko ang mata ko habang nakatitig sa kanya. "Of course i would tell you! Tutal alam mo na naman na nagpapanggap lang ako, why not tell you the reason?" Pinatong ko 'yung siko ko sa tuhod ko at nagpangalumbaba. "So, alam kong alam mo na bestfriends ko sila King. Right? Dahil nagkasama na tayo dati! We even came sa cafè na pinuntahan natin kanina, tapos tinanong pa kita kung anong favorite number mo sa electricfan." He grinned. "Who wouldn't remember that?" Umiling-iling ako habang tumatawa. "That was the silliest thing i've ever ask in my whole entire life. Kinabahan lang ako dahil ikaw 'yung nasa harap ko!" "And why is that?" Nagtatakang tanong niya. "Because you're Kyle Vergara, come on! Sino bang hindi mai-intimidate sayo?" Tanong ko. "Aaminin ko, you were really scary.." Tumango siya bago nag-iwas ng tingin kaya mabilis ko siyang hinawakan sa kamay. "Dati lang ah! Ibang iba na ngayon." Agad na paliwanag ko. "So, ayun nga. Bestfriend ko since birth si Monique Agustin, you know her! May selective amnesia siya, umuwi ako dito sa Pilipinas para tulungan ko siyang maibalik 'yung memories niya. But it's too sad na nakakasama sa kanya na makita ako, halos buong buhay niya kasi ay magkasama na kami kaya marami siyang memories kasama ako kaya sobrang familiar ako sa kanya kaya pinipilit niya akong alalahanin to the point na nakakasama na sa utak niya." I sighed. "So, ayun. Nagpapanggap ako, iniba ko 'yung buong pagkatao ko. Ibang iba sa tunay na ako, it's hard but exciting. Nakakainis lang kapag nakakaranas ako ng pangbubully." Umayos ako ng upo nung may naalala ako. "I just want to ask, why were you saving me? And kailan mo pa nalaman na nagpapanggap lang ako?" He stared at me. "Since day one." "What?! H-how?" Gulat na tanong ko. "Nagkita na tayo sa mall, una pa lang. You were staring at me." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. "No, i'm not!" Tanggi ko na hindi niya pinansin. "I admit, it's quite easy to remember your face. Ang daming tao ng mga oras na 'yon pero nangingibabaw ka, you have no idea how many people were staring at you back then, haven't you?" Hindi ko maiwasan na mamula dahil sa sinabi niya. "At bigla kang lumitaw isang araw sa school, ibang-iba ang porma, itsura at galaw mo. And the funny thing is, i still recognized you.." "Heh! May crush ka sa'kin una pa lang, noh?" Pang-aasar ko habang sinusundot ang tagiliran niya kaya napapalayo siya. "Savanna." He warned. Hinawakan niya ng mahigpit 'yung kamay ko para pigilan ako. "Okay, okay. Titigil na!" Natatawang sabi ko kaya binitawan niya 'yung kamay ko pero sinundot ko na naman 'yung tagiliran niya. "Stop. Savanna, stop." Pigil niya habang umuusog palayo. I laughed, he glared. "Hindi na, i promise." Sabi ko. "Come closer to me again." Hindi siya umusog kaya ako na lang 'yung umusog palapit. Hinawakan niya agad 'yung kamay ko para hindi ko na siya makiliti kaya tinawanan ko na naman siya. Ang lakas pala ng kiliti ng lalakeng 'to. I smiled sweetly when he glared at me again. Hindi ko na rin siya kiniliti dahil baka mabadtrip pa siya at iwan ako dito. Pinatong ko na lang 'yung ulo ko sa balikat niya at tumingala. Mukhang tama nga 'yung sinabi niya kanina, uulan yata. "Hindi mo ba ako tatanungin?" Biglang tanong niya kaya agad akong napalingon sa kanya. "About what?" Tanong ko kahit sa totoo lang ay marami akong gustong itanong sa kanya. Sobrang dami. "About everything." He answered. Tinitigan ko muna siya saglit. "Okay lang ba?" Paninigurado ko, nagtama ang mata namin nung lumingon siya. Tumango siya kaya hindi ko maiwasan na mapangiti. Nasabi sa'kin nila Billy na hindi nag-o-open up si Kyle kahit sa kanila, tapos okay lang sa kanya na tatanungin ko siya ng kung anu-ano? Gano'n na ba siya kakomportable sa'kin? I can't help but to smile because of that. "Is it okay if i ask you about your family?" Tanong ko, tumango siya. So, this is it. "Hmm, naikwento sa'kin nila Billy 'yung tungkol sa family mo na—" "They treated me like a psychopath?" Tanong niya kaya natigilan ako. So, it's true. Totoong ginano'n siya ng pamilya niya? "Y-yeah.." Mahinang sagot ko. "Is it okay if you tell me about them?" He breathed deeply then looked away. "I was just five years old." He started. "Nasa isang event kami no'n, kasama ang ibang business partners ng magulang ko. Dahil tungkol sa business 'yung pinag-uusapan nila, iniwan nila 'yung mga anak nila sa isang playroom. There was this little girl who was chasing me everywhere, she kept on saying that she just wanted to play with me. Pero ayoko." "Pinipilit niya akong makipaglaro sa kanilang dalawa ng manika niya, hindi niya ako tinigilan kaya pumayag ako. Habang naglalaro kami, hindi ko alam kung bakit bigla niya na lang pinaghiwa-hiwalay 'yung manika niya. She was laughing. Sabi niya ay mabubuo naman daw ulit 'yon, at tulungan ko daw siya." "Pumayag ako. Pero biglang dumating 'yung magulang niya at pinagalitan siya, kung bakit daw sinira niya na naman 'yung manika. Then she started to cry and blamed it on me, pinipilit niya na ako 'yung sumira no'n. I denied it, pero hindi naniwala 'yung magulang ng bata." "Pinagalitan ako ng magulang ko dahil nakakahiya daw 'yung ginawa ko, alam kasi nila na ayokong makipaglaro sa bata na 'yon kaya ko daw sinira 'yung manika." He paused for a second. "Humingi ako ng tawad, kahit hindi naman ako 'yung gumawa." "Tapos?!" Inis na tanong ko. Naiintindihan ko na naman na bata siya, pero come on! Bakit nagsinungaling 'yung bata na 'yon para lang hindi mapagalitan? Hmp. "Days passed after that. Nagpunta ako sa likod ng bahay namin para maglaro, pero hindi ko inaasahan na may makikita akong patay na puting pusa do'n. Thinking that it was just a stray cat, naghukay ako sa likod ng bahay namin para ilibing 'yon. But, my mother saw what i was doing. Nagulat siya sa ginagawa ko kaya sinabi ko 'yung totoo na nakita ko lang 'yon doon, dead already. Na naawa lang ako kaya ko ililibing. She smiled and praised me with a doubt on her eyes." "Mga ilang oras ang lumipas, may kapitbahay kami na kumatok sa bahay namin. Tinanong kung may nakita ba kaming puting pusa na gumagala dahil nawawala 'yung alaga niya. With a fear written all over her face, my mother stared at me. Obviously asking me what have i done." Namilog ang mata ko. "Are you saying na ikaw ang sinisisi niya na pumatay sa.." He nodded. "Simula no'n ay nag-iba na ang tingin nilang lahat sa'kin, kahit maliit na bagay na ginagawa ko ay nilalagyan nila ng kakaibang kahulugan. They even hired a doctor for me." He laughed bitterly. "Akala yata nila ay may sakit ako kaya naging ilag silang lahat sa'kin. Obviously, scared of me." Naramdaman ko nang nag-iinit na 'yung mata ko habang nakikinig sa kanya. How can they do that to him? "I tried, Savanna. I tried so hard to gain their trust again, pinagsisilbihan ko sila pero dahil sobrang bata ko pa no'n—madalas palpak. To the point na nakakasama lang sa kanila." Kinamot niya 'yung ilalim ng labi niya. "Hanggang sa sumuko na ko, hindi ko na sila pinapansin, dinadaanan ko na lang sila ng parang hangin. Lagi akong umaalis ng bahay para hindi ko sila nakakahalubilo." I hugged his left arm. "I'm sorry, i can't imagine how lonely you were that time." "I wasn't, actually." Sabi niya kaya naningkit ang mata ko. "May kapatid akong babae na mas bata ng dalawang taon sa'kin. Lagi siyang sumasama sa'kin kapag umaalis ako ng bahay pero lagi rin siyang pinapagalitan dahil lumalapit siya sa'kin." "Really?! That's a relief! I want to meet her! I need to thank her for not making you feel lonely!" Nakangiting sabi ko kaya napatingin siya sa'kin. "You can't.." Sabi niya kaya natigilan ako. "Hmm, why?" Tanong ko habang magkatama ang mata namin. His expression was back to blank again, wala siyang emosyon. Hindi ko maipaliwanag 'yung tensyon na nararamdaman ko ngayon, it is scary. Nakakatakot. Galit ba siya? Nalulungkot? Hindi ko alam. Ang tagal niyang hindi sumagot hanggang sa naramdaman ko nang may tumutulo nang patak ng ulan sa balat ko. I was about to tell him that we need to go pero natigilan ako ng bigla siyang magsalita. "They're all dead already." Halos mabingi ako sa sinabi niya. ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD