XXIV.
One month has passed. Sobrang daming nangyari, lalo na sa school.
Sunod-sunod ang mga estudyanteng nagsu-suicide sa school, hindi pwedeng wala sa isang linggo. Ayon kila King and Billy, may gumagamit sa mga estudyante para gawin ang plano nila sa'min. Pinapainom nila 'yon ng drugs na tumatagal ang epekto ng isang linggo, isang linggong magiging wala sa sarili ang iinom no'n. Hypnosis, gano'n ang ginagawa nila. Uutusan nila 'yon na patayin kami, but knowing na alam namin ang ginagawa nila—si Monique ang pinupuntirya nila.
So, ginagawa talaga namin ang lahat para hindi matuloy ang plano. Lalo na sila King and Billy. The good thing is, nagagawa namin silang pigilan. But. Nakakaramdam sila ng depression kapag hindi nila nagagawa 'yung plano, which is umaabot sa point na pinapatay na nila ang sarili nila.
I cried hard nang malaman ko 'yon, hindi ko lang matanggap na maraming namamatay na inosenteng tao dahil sa'min. Dahil sa may gustong pumatay sa'min, kung pwede lang na wag na namin sila labanan. Kung pwede lang, pero buhay naman namin ang magiging kapalit.
We have no other choice but to defend ourselves and save Monique and Miracle na walang alam sa mga nangyayari. Mas mahirap nga na gawin iyon dahil wala silang idea sa lahat.
"Hi." Napaangat ako ng tingin nang marinig ang boses na 'yon. Isang halatang sosyal na babae ang tumambad sa'kin, nakangiti siya habang pinagmamasdan ako ng mabuti.
She's wearing fitted off white dress and LV bag. Her hair is wavy brown and she's wearing semi thick make up. She's quite pretty.
"Hi?" Nagtatakang bati ko rin. Nandito ako sa likod ng gym, nasa school ako which means i'm a nerdy right now. Bakit niya naman ako in-approach?
"You alone?" Tanong niya kaya nagkibit balikat ako.
"Obviously." I answered. She covered her mouth using her right hand then laughed.
"Silly me, so why are you alone here? You have no friends?" Tanong niya kaya tumaas ang kilay ko. Nang-aasar ba siya? "Oh, wag mo sanang masamain. I was just asking."
Ngumiti ako. "I have friends. Hmm, i would call it 'bestfriends'." Sagot ko.
Anyways, nagkaayos na kami ng kapatid kong si Chloe. Hindi pa kami sobrang close, but we're trying. I talked to her one night, and begged to her to give me a chance. And believe me, she rejected me a hundred times! Pero hindi ako umalis, i just wanted the things to work out for the both of us. We're sisters, anyways.
Si Monique naman ay hindi ko namalayan na lagi niya na pala akong nilalapitan. Ang gaan gaan daw kasi ng loob niya sa'kin, syempre natuwa naman ako kaya ayon! Lagi na kaming magkakasamang tatlo. But we're busy these past few days so layu-layo muna kami.
"Oh, nakita ko nga.." She chuckled. "Si Monique Agustin and Chloe Tan? You must be really friendly, hindi mo kasi sila ka-level pero naging super close mo sila."
"Anong gusto mong palabasin?" Matabang na tanong ko. Nakakainis na 'tong babaeng 'to, kanina niya pa ako ini-insulto ng palihim.
"Oh, don't be mad at me." Maarteng sabi niya bago ilahad ang kamay. "I'm Claire Ramirez, and you're Ynna Castro, right?"
"How did you know me?" Tanong ko, hindi pinansin 'yung kamay niya.
"You didn't know? You're quite popular now, pinagtatanggol ka kasi ni Kyle Vergara." Sabi niya. Ano naman pakialam niya?
"Ah, yeah.."
"Are you close with him?" Tanong niya kaya mabagal akong tumango. Actually, he's my boyfriend.
"Really? May nababalita na may girlfriend 'yon si Kyle, someone saw them sa mall one time. Someone took a picture of them, nakita ko nga 'yung photo e." Pinasingkit niya 'yung mata niya habang pinagmamasdan ako. "Looking at it now, parang kamukha mo siya?"
Natigilan ako kaya tumawa siya ng maarte. "I'm just kidding! Bakit ka natigilan?"
"Nagulat lang ako, girlfriend ni Kyle Vergara 'yon tapos kamukha ko? Akala ko lang seryoso ka." Tumawa ako ng pilit.
She smiled. "You know what, she's lucky but malas at the same time.."
Kumunot ang noo ko. "Bakit naman?"
"You know naman na Kyle is the weirdest guy on earth, right?" Tanong niya bago maarte na umupo sa tabi ko at lumapit saka hininaan ang pagsasalita. "Alam mo ba 'yung bali-balita dati? I bet no because you're a transferee."
"Anong balita?"
"About his family.." Aniya. "There's a rumor that he's the one who killed his own family."
"W-what?" Gulat na tanong ko. Si Kyle? Tama ba talaga 'yung naisip ko nung una? Nung nasa park kami at sinabi niyang patay na ang buong pamilya niya, the look in his eyes, his expression, his cold voice. Was that what he wanted to say? That he killed his own family?
"He was like 8 years old when that incident happened. He burnt down they're own house then ran away, sabi pa nga na nawala siya ng ilang araw matapos no'n. Obviously, hiding.." Pagkukwento niya. "Nagda-doubt nga ako nung una kong narinig 'yon, but who knows? He's Kyle Vergara, he can do anything he wants to. He can manipulate people, i even think that he doesn't really love his girlfriend. Just imagine, Kyle Vergara courting a girl? That's unbelievable. Baka pinaglalaruan niya lang 'yon, sayang. She's pretty pa naman."
Parang tinusok ng kung ano 'yung puso ko. Bakit ganito? Ayokong maniwala, pero hindi ko maiwasan na masaktan. Alam ko sa sarili ko na hindi ako niligawan ni Kyle, as in biglaan lang kami.
Nagpaalam ako sa Claire na 'to at umalis para wala na siyang masabi pa. I need to trust Kyle, i want to trust him.
"Why are you so quiet?"
Gulat na napaigtad ako nang maramdaman ang paghawak ni Kyle sa kamay ko, hindi ko inaasahan na ilalayo ko 'yung kamay ko na ikinagulat niya rin.
"S-sorry, nagulat lang ako.." Pagdadahilan ko kaya mabagal na tumango siya. Nasa biyahe kami ngayon, nasa taxi kami na service ko. Ayoko lang sumakay sa kotse niya kasi baka may makakita sa'kin, pero kahit may kotse siya ay sakin siya sumasabay.
"Anong iniisip mo?" Tanong niya kaya napatitig ako sa kanya.
Marami, Kyle. Sobrang dami. I want to ask if you really killed your own family, na tumrato sayo na para kang ibang tao. Yung pamilya mo na hindi ka nakaramdam ng pagmamahal, masyado bang sumama ang loob mo kaya nagawa mo 'yon? Did you really kill them? Kaya mo ba talagang gawin 'yon? Ano ba talaga ang totoong ugali mo? Ano ka ba talaga, Kyle? Yan ang mga iniisip ko, pero hindi ko magawang itanong. Natatakot ako sa magiging reaction niya, natatakot ako na baka masaktan ko siya.
And, do you really love me?
"Wala. Pagod lang siguro ako." Sagot ko saka ngumiti. Sakto naman na tumigil na 'yung taxi dahil nandito na kami sa bahay ko.
Lumingon ako sa kanya bago bumaba kaya tumango lang siya.
"Sleepwell, Savanna."
"You too. Take care." Paalala ko bago umandar 'yung taxi palayo. Napa-buntong hininga na lang ako habang pumapasok sa loob ng bahay ko, iniisip 'yung mga sinabi sa'kin ng Claire Ramirez na 'yon.
Paghawak ko pa lang sa doorknob ng pinto ng kwarto ko ay alam ko na agad na may tao sa loob. At naabutan ko nga si Billy sa loob na mag-isa lang.
Natutulog sa bed ko.
"Billy!" Gising ko sa kanya kaya dumilat siya. "Wala ka bang higaan sa bahay niyo?!"
"Damn it, Vanna. I'm f*****g sleeping." Reklamo niya kaya inirapan ko siya habang hinuhubad 'yung medyas ko.
"I'll sleep here for tonight."
"What for?" Tanong ko ng hindi siya nililingon.
"May nararamdaman ako dito kanina, akala yata nila walang tao kaya umalis. Pero sigurado akong babalik 'yon ngayong gabi." Sabi niya kaya tumango ako saka pabagsak na humiga sa bed ko.
"Thank you so much, kahit magpaka-tulog mantika ako ngayong gabi ay panatag ang loob ko because you're here." Nakapikit na sabi ko pero napadilat din nung naramdaman kong nakatitig siya sa'kin.
"Anong problema mo?" Tanong niya kaya kumunot ang noo ko.
"Ikaw ang may problema dahil ikaw ang nakatitig!" Sabi ko.
"Wag mo kong pilosopohin, Vanna. May gumugulo sa isip mo ngayon." Sabi niya kaya napaupo ako. Bakit ba lagi ko na lang kinakalimutan na mind reader ang isang 'to?
"I want to ask something." Sabi ko kaya tumango siya bago pabagsak na umupo sa couch.
"Hmm, narinig ko lang kanina sa school. Pinag-uusapan kasi ng dalawang students." Kumamot ako sa ulo. "Did Kyle Vergara really killed his whole family?"
Agad siyang natigilan nang marinig ang tanong ko.
"Saan mo narinig 'yan?"
"Sa school nga.." Sabi ko at kinagat ang labi. "S-so, tama ba 'yung narinig ko? Curious lang ako."
"Vanna.." Nasabi niya lang. Naramdaman ko na naman na kumirot ang puso ko kaya umiling na agad ako, sa expression niya ay parang alam ko na agad 'yung sasabihin niya.
"Wag mo nang ituloy." Sabi ko bago sumubsob sa unan at hinayaan na tumulo 'yung luha ko.
Damn it, why the hell am i crying?
ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ