twenty five

1611 Words
XXV. "So, ayun nga. Grabe lang! Hirap na hirap ako do'n sa question na 'yon, bakit ba hindi mo ako kasing talino Ynna?" Naririnig ko 'yung boses ni Monique na nagsasalita pero hindi lahat iyon pumapasok sa utak ko, sobrang okupado 'yung utak ko. "Hey, Ynna Castro!" Mabilis akong napalingon nang pitikin ako ni Monique sa noo, nakataas ang kilay nilang dalawa ni Chloe habang naka-cross arms na pinagmamasdan ako. "Ano ulit 'yon?" I asked innocently. Their mouth formed an 'O' shape, throwing their both hands in the air. I just shrugged it off, uminom ako sa strawberry shake na iniinom ko. "Paano kung 'yung taong mahalaga sayo ay may masamang past? I mean, they did something very bad dati pa. Anong gagawin niyo?" "Sino 'yan?" Tanong ni Chloe kaya umirap ako sa hangin. "Nice. Sinagot ng tanong ang isa pang tanong." Sabi ko. "Hindi naman sa'king problem 'to, tinanong lang ako ng isa kong friend pero wala akong masagot dahil hindi ko rin naman alam ang gagawin." "Gaano ba kasama 'yung ginawa niya sa past?" Tanong ni Monique kaya hindi agad ako nakasagot. He killed his own family. "Hindi sinabi sa'kin nung friend ko 'yung ginawa, but mukhang very bad e. Sobrang big deal kasi sa kanya kahit lagpas ten years nang nangyari 'yon. So, anong dapat niyang gawin?" "What?! Over ten years na nangyari? Come on! Past is past," Monique said. "Kahit gaano pa kasama 'yung nagawa niya noon, ang mahalaga ay kung anong klaseng tao siya ngayon. What if nagbago na pala 'yon?" "Right," Chloe nodded. "At saka, kung nagda-doubt siya ng ganon—it means na wala siyang tiwala sa taong 'yon." "True!" Monique exclaimed. "Siya lang din naman ang makakasagot kung dapat siyang magtiwala, as if naman na kilala namin ni Chloe 'yung sinasabi niya. Tsaka naniniwala ako na lahat ng nangyari o nagawa mo dati ay may reasons, paano kung nagsisisi pala ang taong 'yon sa nagawa niyang 'yon? Nakakaawa naman, all he or she needs is a shoulder na makakaintindi sa kanya at matatanggap 'yung dark past niya." "Oh, is that so?" Tanong ko kaya sabay silang tumango. I trust him, though. "Depende na lang kung hanggang ngayon ay ginagawa niya pa rin ang bagay na 'yon, iba na 'yon ha! Dapat na talagang layuan." Dagdag pa ni Monique kaya napangiti na lang ako. Simula ng nagkakilala kami ni Kyle, ngayon ko naisip kung gaano nagbago 'yung tingin ko sa kanya. Ilang beses ko na rin siyang nakikitang nakangiti at naririnig na tumatawa, nagkukwento na rin siya tungkol sa mga bagay. He takes care of me so well, too. Thinking of it now, halos two days na rin pala akong ilag sa kanya. Hindi ko naman siya iniiwasan pero hindi ako tulad nung mga nakaraang buwan na may pagka-clingy ako sa kanya o kaya ay nakakapagbiro ako ng kung anu-ano. Pero nung dalawang araw na lumipas, hindi ko maiwasan isipin 'yung nagawa niya dati kapag nakatitig ako sa kanya. Hindi ko lang talaga mapigilan na isipin, ayokong magbago 'yung tingin ko sa kanya. Ayokong magbago 'yung nasa isip ko na mali 'yung tingin ng mga tao sa kanya, na ang totoo ay hindi naman siya psychopath. Sweet at corny siya magjoke, hindi napapanis ang laway niya dahil sa sobrang tahimik niya—the truth is, he likes telling a story, gustong gusto niya na kinukwento 'yung mga nangyari sa kanya buong araw. Hindi siya maarte, he likes to hug me, pinch my cheeks, he holds my hands tight in the public. Pero sa kabila ng lahat ng 'yon, natatakot ako. I'm scared, paano kung totoo 'yung sinasabi nila na pinaglalaruan niya lang ako? Na hindi naman siya seryoso sa'kin and he just finds me entertaining? Paano kung tinanong niya lang ako na maging girlfriend niya dahil walang lumalapit sa kanya kasi natatakot? Kung tutuusin, hindi naman talaga kami gano'n ka-close nung tinanong niya ako kung pwede ba niya akong maging girlfriend. Bigla na lang niya akong tinanong, then bam! I said yes. Hindi ko alam 'yung reason, ni hindi ko alam kung anong tunay na nararamdaman niya. Nagkanya-kanya na rin kami nila Chloe at Monique matapos ng twenty minutes, may klase pa si Mons at may lakad si Chloe. Ako? Uuwi na. Paglabas ko ng gate, sakto naman na nandoon na 'yung service ko. Wala si Kyle ngayon dahil maaga natapos ang klase niya, malamang nagpapahinga 'yon sa kwarto niya ngayon. Playing video games or watching basketball. Pagkadating ko sa bahay ay naramdaman ko rin agad na wala sila King at Billy, sa pagkakaalam ko ay nasa school din ang dalawang 'yon. Masyadong busy ang mga tao ngayon, sa totoo lang ay ngayon lang ako nakauwi ng maaga. Mabuti na lang wala kaming pasok bukas. Hayy. Tinext ko si Kyle para kamustahin siya pero thirty minutes na ay wala pa rin siyang reply kaya hindi ko namalayan na nakatulog na ako. Nagising ako dahil sa malakas na katok sa pinto ng bahay ko. Napabalikwas ako ng upo nang lalo pang lumakas 'yon, tumingin ako sa wall clock para tignan 'yung oras. 11:21pm? Grabe, sobrang tagal ng tulog ko! Nagmamadali akong lumabas ng kwarto para malaman kung sino 'yung tao sa labas, sinilip ko 'yung butas ng pinto para makita kung sino 'yon. Namilog ang mata ko nang makita si Kyle. "K-kyle.." Namumula ang mata at mukha niya, nakaalalay siya sa frame ng pinto para hindi siya matumba. Magulo ang buhok, maluwag ang necktie na suot niya at nakabukas ang dalawang butones ng polo. Naka-uniform pa siya! Hindi pa ba siya umuuwi? At bakit siya lasing?! "Hi, bebe ko." He greeted while grinning, nagulat ako dahil hindi naman siya ganito. Walang pagkakaiba 'yung ngiti niya sa ngiti ng babaero nilang kaibigan na si Kieran Domingo! Inalalayan ko siya paupo sa couch pero ang kulit niya kaya imbis na sa couch siya mapahiga ay nahulog siya sa sahig, mabuti na lang may carpet. "Oh my gosh, sorry! Ang kulit mo naman kasi!" Hinila ko siya patayo para iupo sa couch. "I'll be back, kukuha lang ako ng pamunas sayo. You're so drunk!" Tumango siya kaya nagpunta ako ng kwarto ko para kumuha ng bimpo pero pagkalingon ko ay nagulat ako dahil sumunod pala siya. "Kyle! Stay there!" Sabi ko habang tinuturo 'yung couch pero hindi niya 'yon pinansin. "Gusto kong maligo." "Ha?" "Gusto kong maligo." He held my right hand. "Gusto mong sumabay?" "What the hell?!" Gulat na sigaw ko saka siya tinulak tulak palabas ng kwarto ko pero hindi siya matinag. "Bakit ayaw mo?" Tanong niya kaya tinitigan ko siya ng masama. "Mag-asawa ba tayo para maligo ng sabay?!" He showed me his flirty grin. "Doon din naman ang punta natin." "Kyle Vergara!" Sigaw ko kaya humalakhak siya. Oh my gosh, is this even Kyle? Siya ba talaga 'tong kaharap ko? Bakit ang landi at ang manyak niya? Gosh. "Ganyan ka ba kapag lasing?" Tanong ko kaya kumunot ang noo niya bago umiling. "Hindi ako lasing, sinong lasing?" Tanggi niya bago pabagsak na humiga sa kama ko, he removed his uniform that made my eyes widen. "Ang init." "Kyle, ano ba?!" Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya dahil namumula ako. Nakabalandra ang katawan niya sa higaan ko, naiwan pa 'yung necktie niya sa leeg niya pero hindi niya na pinansin. "Savanna." Tawag niya nung tinalikuran ko siya. Inis na lumingon ako, sinenyasan niya ako na lumapit gamit 'yung kamay niya. "What?" "Lay down with me." Sabi niya. "Put your damn polo on first!" Tumango siya dahil doon, tumayo siya saka tinanggal 'yung butones ng pantalon niya kinalaki ng mata ko. Agad akong dumampot ng unan at hinampas sa kanya. "Don't even try it! I'm telling you, Vergara! Lalabas ka ng bahay ko ng hindi naglalakad! I'm serious!" He chuckled. "I was just kidding, why are you so mad?" Napailing-iling ako habang sapo 'yung noo ko. Ibang-iba siya kapag lasing! Oh gosh. Pinanood ko siya na sinusuot ulit 'yung polo niya. His messy hair looks so freaking sexy, the sweat all over his body, his rosy cheeks, his seductive eyes, his body. Why does he looks so good? I could even think that he will glow in a dark, if he could really see his own self right now. "Can you do this for me, bebe ko?" Tanong niya habang nakatingin sa'kin kaya halos mapatalon ako. Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako ng matagal sa kanya, and he's been calling me 'bebe ko' since earlier. "You can't even do that with yourself?" Naiilang na lumapit ako sa kanya para tulungan siya sa pagbubutones ng polo niya. I started to button his polo from the top, i can feel him staring at me so i feel uncomfortable. Ang lapit pa namin sa isa't isa kaya nararamdaman ko ang magkahalong amoy ng alak, sigarilyo at pabango niya. It's smells so good. "Savanna." Nag angat ako ng tingin dahil sa pagtawag niya pero napahigpit ang pagkakahawak ko sa polo niya dahil bigla niya akong hinalikan sa labi. It was just a matter of second pero naramdaman ko ang mabilis na pagdaloy ng kuryente sa buong katawan ko. "K-KYLE!" I shouted at him, he then smiled. He tangles his hand in my hair, and the other cups my jaw then leaned closer. Although he already kissed me earlier, his lips feels shockingly sweet, swollen and soft. The taste of cigarettes and alcohol on his lips drives me insane. And somehow, against all reason, we were kissing. He kisses like he's dying of thirst and i'm water. I closed my eyes, and the world around me faded.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD