XXVI.
Nakakatamad lumabas ng bahay. Hindi ko rin naman alam kung saan ako pupunta ngayong araw dahil wala akong klase at kung anong gagawin ko sa taong nakadapa sa higaan ko na natutulog.
Gigisingin ko ba siya o hahayaan ko na lang na magising ng kusa? Pero ayoko. Nahihiya ako. Nahihiya ako!
For the nth time, wala sa sarili na hinawakan ko na naman ang labi ko. Kyle and me actually kissed last night, i mean hindi naman 'yon masama dahil boyfriend ko siya right? Pero oh my gosh.
After that kiss, nahihiya akong nagtalukbong ng kumot sa bed ko. Naramdaman ko rin naman na hindi umalis si Kyle pero nahihiya akong kausapin siya. He was drunk and we kissed, he wont forget about it right? That we had our first kiss last night. Oh, i wish he wont! It's too special for me!
"G-goodmorning!" Agad na bati ko nung mabagal siyang nagdilat ng mata. Nauna pa siyang natulog sa'kin kagabi, nagtalukbong lang naman ako ng kumot then the next thing i knew—nakarinig na ako ng mahinang paghilik sa tabi ko. Tinulugan niya ako.
"Goodmorning." His voice was husky. Kinamot niya ang mata niya ng parang bata bago tumitig sa'kin. Parang nagwawala na naman 'yung tiyan ko dahil doon.
"What?" Sinuklay ko ng daliri ko 'yung buhok ko dahil sa hiya.
"How did i get here?" Tumayo siya habang ginugulo 'yung buhok niya kaya napanganga ako.
"Hindi mo naaalala 'yung nangyari kagabi?" Natigilan siya dahil sa tanong ko, umarko ang kilay niya dahil sa pagtataka.
"Oh, mukhang naaalala ko na." Sabi niya bago magpunta sa tapat ng banyo. "Can i use your bathroom?"
Tumango ako kaya pumasok siya sa loob pero hindi niya sinarado 'yung pinto kaya sumunod ako sa loob. Pinanood ko siya habang naghihilamos.
"Anu-ano 'yung mga naaalala mo kagabi?" Tanong ko bago buksan 'yung drawer sa gilid para kunin 'yung extra'ng toothbrush na hindi pa nagagamit.
"Thank you."
Sumandal ako sa frame ng pinto ng banyo habang nakatingin sa repleksyon niya sa salamin.
"So, ano nga?" Usisa ko.
"Hmm?" Tinaas niya 'yung dalawa niyang kilay habang hawak 'yung toothbrush sa bibig niya.
Hindi muna ako sumagot dahil hindi ko naman talaga siya makakausap dahil nagtu-toothbrush siya, lumabas na lang muna ako ng banyo at pumunta sa kusina para maglagay ng bread sa toaster.
"Wala kang klase ngayon?" Nag-angat ako ng tingin nung dumating siya sa kusina. Tumango ako bago umupo at nagpangalumbaba.
"Anu-ano 'yung mga naaalala mo kagabi?" Tanong ko ulit kaya kumunot na naman 'yung noo niya. Umupo siya sa tabi ko at nagpangalumbaba rin saka tumitig sa mukha ko.
"I was drunk." Tumango ako sa sagot niya. "Sumakay ako ng taxi papunta dito, pinaupo mo ako sa sofa at sinabing doon lang ako pero sumunod ako sa kwarto mo."
"Then?"
"Did i lay down on your bed then fell asleep?" Tanong niya kaya hindi makapaniwalang tinignan ko siya.
"Ayan lang talaga naalala mo?"
He nodded.
"Okay." Matabang na sabi ko bago tumayo para kunin 'yung bread sa toaster. Hindi niya naaalala! Gano'n lang ba talaga siya kapag lasing? Nanghahalik siya at nangmamanyak? So hindi niya ako hinalikan dahil ako 'yon, he kissed me because he was drunk and he can't remember it.
Dang it. That was my first kiss, our first kiss but he forgot about it! That's just messed up.
"Pwede mo ba akong samahan?" Tanong niya. "Naiwan ko 'yung kotse ko sa bar kagabi, kukunin ko lang."
"Ngayon na?" Walang gana kong tanong.
He nodded. "Pwede ba kong maligo dito? My head hurts so bad."
I rolled my eyes then glared at him that made him confuse. "Then why the hell did you drink in the first place? Naka-uniform ka pa na nagpunta do'n! Maglalasing ka tapos kakalimutan mo lahat ng ginawa mo!"
"Why are you so mad?" Nagtatakang tanong niya kaya inirapan ko na naman siya.
"Ewan ko sayo." Sabi ko saka inis na nilagyan ng jam 'yung toasted bread. Hindi siya sumagot pero alam kong pinapanood niya ako.
"Savanna."
"What?" Hindi ako nag-angat ng ulo pero tinignan ko siya sa gilid ng mata ko. Tumayo siya para lumapit.
Nilagay niya 'yung kaliwang kamay niya sa counter bago ngumisi kaya lalo kong pinasama ang titig ko sa kanya. Naramdaman ko ang biglaang pag-iinit ng mukha ko nang mabilis niya akong halikan sa labi.
"I remember it well." Sabi niya na kinainit lalo ng mukha ko.
"Maligo ka na." Sabi ko saka tumalikod kaya narinig ko ang mahinang pagtawa niya. Nahihiyang napakagat na lang ako ng labi habang nakapikit.
Atleast he remembers about it.
"Why did you drink last night?" Tanong ko kay Kyle na nagmamaneho, nasundo na namin 'yung kotse niya at nagmamaneho siya ngayon.
"Wala lang." Mahinang sagot niya kaya tinitigan ko siya. May problema ba siya o talagang trip niya lang talaga mag-lasing?
"So dahil sa wala lang na 'yan, hindi ka nakapasok today." May halong sarkastiko na sabi ko kaya lumingon siya saglit pero ibinalik din agad 'yung tingin sa daan.
"Atleast i finally did what i've been wanting to do since then." Sabi niya kaya nanlaki ang mata ko.
"Do you have any idea how pervert you are last night?" Tanong ko. "Parang sumapi sayo si Kieran Domingo!"
"Kieran? He's way too far from me, kung pareho kami ay baka hindi lang 'yon ang nagawa ko." Sabi niya kaya tinitigan ko siya ng masama.
"See? Look at you talking about it!"
"What? I haven't said anything wrong." Aniya.
Hindi na ako nakasagot dahil napunta ang tingin ko sa phone niya na tumunog.
"Can you read it for me?" Tanong niya kaya kinuha ko agad 'yung phone niya.
"It's from Rigo."
"Anong sabi?" He asked, uninterested.
"It says 'Brad, wer na u? Dito na me.' Then 'yung next na text ay 'Hindi ka umuwi? Peram ng speaker, thanks'." Sabi ko kaya tumango siya. "Can i take a look at your phone?"
Saglit siyang napalingon dahil sa tanong ko, hindi siya sumagot pero tumango siya.
"It's okay kung ayaw mo." Sabi ko kaya umiling siya.
"You can take a look at it anytime." Sabi niya kaya napangiti ako. Una kong tinignan ay 'yung photos niya. Puro naka-wacky'ng mukha nila Rigo at Kieran 'yung nandito, may mga stolen shots pa nila King at Billy pati ni Kyle na obviously ay sila Kieran lang din ang may gawa. Ano 'to? Hindi man lang siya nagse-selfie?
May mga videos din kaya pinanood ko 'yung isa.
"Brad! Brad!" Boses ni Kieran 'yung naririnig ko at nakikita ko sa screen si Rigo na napalingon dahil sa pagtawag ni Kieran na nagvi-video.
"Hulaan mo kung sinong nakaiwan ng phone niya." Malokong sabi ni Kieran kaya napangisi si Rigo. Kung titignan 'yung paligid, halatang nasa isang sasakyan sila.
"Tignan mo nga kung may porn."
"Gago. Hahahahahahahaha." Tumatawang kinuha ni Rigo 'yung phone kaya si Kieran na 'yung nakikita ko sa video.
"Anak ng tinapa, napaka-pogi talaga ng tropa ko." Sabi ni Rigo kaya ngumisi si Kieran at lalo pang nagpapogi habang inaayos 'yung buhok.
"Oh, King Cadwell. May gusto ka bang sabihin kay Kyle Vergara na kasalukuyang nasa banyo?" Tanong ni Kieran kay King na tahimik sa likuran nila. Ginagaya pa nito ang reporter sa TV at kunwari pang may hawak na mic. Saglit na napalingon iyon at nag-pakyu gamit ang gitnang daliri na kinahagalpak ng tawa nung dalawa.
"Billy Suarez, ikaw ba ay may gustong sabihin kay Kyle Vergara?" Si Billy naman 'yung nakikita sa video pero mukhang hindi sila narinig dahil naka-earphone ito.
"Brad!" Pagtawag ni Rigo kaya napalingon iyon. Tumaas ang isang kilay ni Billy nung nakita na nagvi-video sila.
"Ano?"
"Anong masasabi mo kay Kyle Vergara?" Tanong ulit nila kaya napatitig sa kanila si Billy dahil sa pagtataka.
Hindi na hinintay ni Kieran 'yung sagot ni Billy at pumalakpak. "Napakagandang mensahe ang ating narinig mula kay Billy Suar—Oh shit."
Hindi naituloy ni Kieran 'yung sasabihin niya dahil bumukas na 'yung pintuan ng sasakyan at pumasok si Kyle na walang kaalam-alam bago natapos 'yung video.
Humahalakhak na lumingon ako kay Kyle na nakapatong ang kaliwang siko sa bintana ng kotse habang hinihimas ang labi niya.
"What happened after that?" Natatawang tanong ko.
"Wala, sanay na ako na pinapakialaman nila 'yan pag naiiwan ko." Kibit-balikat na sabi niya.
"Bakit kasi wala kang password?" Tanong ko. Siya na lang yata kilala kong tao na walang password sa phone, pwera kay mom na wala talaga.
"Wala akong maisip na password." Napanganga ako sa sagot niya.
"Really? Ang dami kayang idea! Your favorite food, favorite character, etc. Anything is okay." Sabi ko.
Kumunot ang noo niya. "What's your password then?"
"You didn't know?" Gulat na tanong ko kaya tumango siya. "Then, paano mo nabubuksan 'yung phone ko minsan?"
Nagulat lang ako na hindi niya pala alam. May times na may gusto akong ipakita sa kanya na nasa phone ko at siya na 'yung pinaghahanap ko no'n then nabubuksan niya 'yon lagi without asking me what's my password is.
Hindi siya sumagot kaya inabot ko sa kanya 'yung phone ko. Nakatigil naman 'yung kotse dahil traffic.
"Show me how you do it." Curious na tanong ko kaya kinuha niya 'yon. Mabilis na may pinindot-pindot siya doon then after three seconds ay nabuksan niya 'yon, without typing my password.
"Oh my gosh, how did you do that?" Gulat na tanong ko kaya nagkibit balikat siya bago paandarin ulit 'yung kotse. "Nagagawa mo 'yon sa lahat ng klase ng phone?"
"Yeah." Aniya.
"Really?! Wow. Teach me!"
"It's complicated, Savanna."
"But you did it for like three seconds, paano naging complicated 'yon?" Pangungulit ko pero hindi siya sumagot. "Sa laptop or sa mga ibang gadgets, nagagawa mo 'yon?"
"Yeah." Nag-aalangan na sagot niya. Nahihiya ba siya? It's a talent!
"It's so cool! Hindi ko alam na magaling ka pala sa gano'n! You're so great.." Hindi makapaniwalang puri ko sa kanya.
"Really?"
"Yes!"
He grinned. "Am i a great kisser, then?"
Mabilis na nanlaki ang mata ko dahil sa tanong niya. Mahinang pinalo ko 'yung balikat niya dahil sa hiya.
"Anong klaseng tanong 'yan?!"
"Nagtatanong lang."
I glared at him. "No, you're not!"
Kumunot ang noo niya. "No?"
"It's terrible." Sabi ko pa habang tumatango tango. Akala niya makakakuha siya ng magandang sagot? Nakakahiya kaya 'yung tanong niya!
Nagtaka ako nung bigla niyang itigil 'yung kotse sa gitna ng kalsada kaya nagsimulang bumusina 'yung mga sasakyan sa likod.
"Kyle, what are you doing?!"
He removed his seatbelt then leaned closer to me. "I'm sorry for the terrible kiss, i'll make it up to you." Aniya bago ako siniil ng halik sa labi.