XXVII.
Ilang buwan na rin ang nakalipas matapos nung ginawa ni Kyle sa loob ng sasakyan sa gitna ng daan. Wag kayong mag-isip ng kung ano! He just kissed me, to 'make it up' to me. I was so shocked! Nagbibiro lang naman ako no'n.
Hindi ako okay ngayon, sobrang daming nangyari. As in super duper. Monique's mom got killed and her sister--Miracle, is in the hospital. Kasalukuyan siyang comatose ngayon, at ang sinisisi ni Monique sa mga nangyari? Ang kaawa-awang si King.
Nung una ay hindi ko talaga maiwasan na magalit kay Monique, all we want to do is to protect them--without them knowing. Pero ngayon, si King ang pinagdududahan niya. Pati si Billy ay hindi niya pinapansin at alam kong naghihinala din siya sa'kin. But thinking about it now, hindi ko rin siya masisisi. Namatayan siya ng mother at hindi pa gumigising ang kapatid niya, baka kung ako 'yon—lahat ng tao sa paligid ko ay sisisihin ko. It just hurts so much! Tagos sa puso 'yon, kahit ako ay ngumalngal nung nalaman ko 'yung nangyari.
"Pupunta ka ng hospital?" Napalingon agad ako nung nagsalita si Kyle. Nakapatong ang ulo niya sa balikat ko at nandito kami sa likod ng gym na maraming puno, nagpapahangin lang. Akala ko natutulog siya.
"Yeah. Nakakaawa naman si Monique dahil siya lang mag-isa do'n, tsaka baka umiiyak na naman 'yon." Sabi ko. Hindi siya sumagot pero humigpit ang hawak niya sa kamay ko.
"Aren't you tired? Kaninang umaga ka pa nandito sa school, umuwi ka na muna." Sabi ko pero umiling siya.
"Ihahatid pa kita." Sabi niya kaya ako naman ang umiling.
"Kasama ko si Chloe, kotse niya ang gagamitin namin." Kumunot ang noo niya dahil doon.
"Ano naman kung kasama siya?"
"Magtataka 'yon! Maiisip niya kung bakit ako hinahatid ng isang Kyle Vergara."
"Let's tell them, then." Aniya. Nagbuntong-hininga ako at umiling. Nakaramdam bigla ako ng guilt nung mabagal niyang binitawan 'yung kamay ko.
"Sorry.."
"Sige, mag-ingat kayo." Walang emosyon na sabi niya bago tumayo at naglakad palayo. Susundan ko sana siya pero nakita ko sa hindi kalayuan 'yung mga alalay ni Daphne na walang ginawa kundi guluhin ako.
Alam kong naghihinala sila sa'kin, may mga kumakalat na rin na balita sa school na nagpapanggap lang talaga ako. Pero nawawala rin agad 'yon sa tulong na rin ni Chloe and of course, Kyle.
"Hey, Ynna." Agad na bati nung Claire. Siya 'yung nagkwento sa'kin nung nakaraan ni Kyle na ito daw ang pumatay sa pamilya nito. Kahit ngayon ay iniisip ko pa rin 'yon halos gabi-gabi, hindi ko maitanong 'yon kay Kyle dahil ayoko siyang masaktan.
"Oh, hi."
"Mag-isa ka lang?" Tanong niya kaya tumango ako. She smirked. "I mean, simula kanina? Mukhang nanggaling kasi dito si Kyle Vergara."
"Really? I didn't notice." Sagot ko kaya lalo siyang napangiti.
"I bet, coincidence lang?" I just smiled at her. Tumayo na ako at nagpaalam para iwan na siya.
"I gotta go."
"Okay. But be ready, okay?" Sabi niya kaya natigilan ako.
"For what?"
"I just saw something sa hallways at sa bulletin board." Aniya.
Biglang binalot ng kaba ang dibdib ko saka mabilis na naglakad. Wala pa ko sa gitna ng school ay naramdaman ko na agad ang mga tingin sa'kin ng ibang estudyante.
"Hoy! Mapagpanggap!"
Napapikit ako ng mariin dahil sa narinig ko. s**t s**t s**t. I'm doomed. Katapusan ko na 'to. Nilabas ko agad 'yung phone ko habang naglalakad para i-text si Chloe pero hindi ko siya ma-contact.
Tinext ko rin sila King para humingi ng tulong pero hindi nagrereply.
"Ikaw 'to?" Napatigil ako sa paglalakad dahil may papel na bigla na lang lumitaw malapit sa mukha ko. Napaangat ako ng tingin at nakita ang isang estudyante, nakataas ang isang kilay niya pero nakangiti siya.
"H-huh?"
"Tinatanong ko kung ikaw 'to." Aniya. Napatingin ako sa hawak niyang papel, namilog ang mata ko nang makita na ako 'yon. Picture ni Savanna Castro at ni Ynna Castro na magkatabi. May nakalagay na malaking PRETENDER sa taas.
"It's not me." Tanggi ko kaya lalo siyang napangisi. Naramdaman ko na marami nang nakatingin sa'min. One move, one bad move and i'm over. I need to think of a plan. I need help!
Bigla niya akong hinawakan sa mukha para tanggalin 'yung glasses ko pero tinulak ko siya ng malakas kaya natumba siya. Napa-woah pa 'yung ibang estudyante dahil sa gulat.
"Hey! What the hell are you doing?!" Napapikit ako dahil sa tuwa nang marinig ang boses ni Chloe. Masama ang tingin niya doon sa lalake na uma-ano sa'kin.
"Wag mong sabihin na ipagtatanggol mo 'to?" Hindi makapaniwalang tanong nung lalake habang tinuturo ako.
Hindi sumagot si Chloe pero sinipa niya sa balls 'yung lalake kaya natumba na naman iyon habang namimilipit.
"Hindi ko pinagtatanggol ang babaeng 'to. I'm just in a mood to kick someone's balls today." Bored na sabi ni Chloe bago ako pandilatan. Parang sinasabi na umalis na ako.
Aalis na sana ako pero nakita ko na hinawakan nung lalake si Chloe sa braso na kinainit ng ulo ko. No, not my sister. Hindi ako makakapagpigil.
"Bitawan mo ko." Ma-otoridad na sabi ni Chloe pero ngumisi 'yung lalake.
"Hindi porket maraming estudyante na takot sayo ay matatakot mo na ko, Chloe Tan. Dapat sayo binibigyan ng leksyon minsan e." Sabi no'n kaya kinuyom ko ang kamao ko.
Napanganga ako nang malutong na sinampal ni Chloe 'yung lalake kaya nabitawan siya no'n. Napatakip pa sa bibig 'yung ibang nanonood.
"Porket babae ako akala mo kaya mo ako? You good for nothing jerk." Inis na sabi ni Chloe bago talikuran 'yung lalake at umalis kaya sumunod ako. May mga nagsigawan pa dahil sa bilib kay Chloe, well. My sister everyone!
"Sino na naman nagpakalat ng pictures na 'yon?" Galit na tanong ni Chloe habang nasa kotse niya kami. Nagmamaneho siya habang ako ay nakatingin lang sa labas ng bintana.
"May hinala ako na sila Daphne 'yon." Sabi ko kaya lalong kumunot ang noo niya.
"That b***h, i'm gonna kill her someday." She growls. "Let me handle the issue, mawawala rin 'yang bukas pa lang."
Humalakhak ako. "Thank you for saving me."
Umirap lang siya sa hangin habang nagmamaneho. "Sino pa bang magtutulungan? I know naman na may nagtatangka na rin sa'kin dahil sa problema sa family ni dad, at alam kong binabantayan mo ako ng hindi ko alam."
Napangiti ako dahil doon. "You know what? God knows how i wish that this day will come, 'yung lagi lang tayong nandyan para sa isa't isa."
She cringed. "It's too cheesy!"
"Sinasabi ko lang!" I laughed.
Dumating kami sa ospital at sinamahan si Monique doon hanggang gabi, ang laki ng pinayat niya. She looks so depressed, halatang umiiyak din siya gabi gabi. Mabuti na lang ay may nakakasama siya doon minsan dahil pumupunta 'yung pinakamalapit sa kanila na kasambahay nila simula nung bata pa.
Nung pinauwi na kami ay tinext ko agad si Kyle na mukhang may tampo sa'kin. Hindi niya pa ako tine-text simula kanina!
Me:
Where are you?
Hindi siya agad nag-reply kaya nakakapagtaka, lagi niya naman hawak 'yung phone niya. Tulog ba siya?
Naligo na lang muna ako at nagbasa-basa dahil hindi ako makatulog sa paghihintay sa text ni Kyle. Nakakainis, ayoko naman siyang tadtarin ng text or tawagan dahil baka mainis siya. Sabihin pa niya ang clingy ko.
Halos maibato ko 'yung libro ko nung marinig ko na tumunog 'yung phone ko. Tumalon ang puso ko nang makita ang pangalan ni Kyle sa screen ng phone ko, he's calling!
"Hello?"
"Hello po? Kilala niyo po ba si Kyron Nicole Vergara?" Kumunot ang noo ko dahil iba ang narinig kong boses sa kabilang linya. Sa tingin ko ay may katandaan nang lalake ang boses.
"Yes, sino 'to? May nangyari ba?"
"Ah, ito po kasing si sir ay sumakay ng taxi ko. Lasing na lasing at hindi ko po malaman kung saan ko dadalhin, kanina ko pa ginigising pero mukhang hindi magigising. Pinakialam ko na po 'yung gamit niya para may matawagan ako, may tinawagan po ako kanina pero hindi sumagot kaya kayo ang kinontact ko."
"Oh, nasaan po kayo? Pwede po bang ibalik niyo siya sa bar na pinanggalingan niya? Papunta na po ako." Sabi ko.
"Sige po, ma'am. Maraming salamat."
Mabilis akong tumayo nung namatay 'yung tawag. Sinuot ko na lang 'yung sweater ko dahil malamig sa labas, nag-tsinelas na lang ako. Bakit na naman siya nag-inom? Trip niya lang na naman?! Ngayon na lang siya ulit nag-inom matapos ng ilang buwan. Sobrang minsan nga lang pero grabe naman, nawawalan talaga siya ng malay dahil sa kalasingan!
Sumakay ako ng taxi para pumunta doon, mabuti na lang ay nadaanan namin ni Kyle nung nakaraan 'yung bar na lagi niyang pinupuntahan. Naituro niya sa'kin kaya alam ko kung saan.
Halos alas onse na ng gabi nung dumating ako doon, mabilis lang 'yung byahe dahil hindi traffic. Naabutan ko ang isang taxi doon na may nakatayong may katandaan nang lalake na lumilinga-linga sa paligid.
"Nasaan po siya?" Tanong ko kaya binuksan niya 'yung pinto para sa'kin. Nakita ko do'n si Kyle na nakatihaya sa backseat, tulog na tulog dahil sa kalasingan. What the hell is he doing?!
I sighed. Naglabas ako ng pera sa wallet ko para bayaran 'yung driver ng taxi dahil nag-abala pa siya, ayaw niya pa ngang tanggapin nung una pero pinilit ko dahil mabait siya at hindi niya ninakawan si Kyle kahit alam kong nakita niya na maraming pera sa wallet nito,
Kinuha ko 'yung susi ni Kyle sa bulsa ng pantalon niya, tinulungan pa ko ni manong na buhatin siya papasok sa loob ng kotse na lalong nagpadali.
I drove his car to my house. Saan pa ba? Kahit alam ko 'yung bahay nila nila King, hindi pa rin ako dapat pumunta do'n dahil hindi naman nila alam 'yung relasyon namin. Tsaka hindi ako naka-disguise ngayon, baka makita ako nila Kieran.
"Bakit ka na naman uminom?" Tanong ko sa kanya kahit alam kong hindi naman siya sasagot dahil tulog siya. Pinupunasan ko siya ng bimpo kaya kumukunot ang noo niya paminsan-minsan.
Tumayo ako para kunin 'yung phone niya na pinatong ko sa lamesa kanina dahil tumunog 'yon. May tumatawag pero number lang, sino 'to?
"Hey, Kyle." Natigilan ako nang marinig ang pamilyar na boses sa kabilang linya.
"Kyle? Why did you call? I was in a bathroom earlier, sorry for not answering." Malambing na sabi no'n. It's Claire's voice. It's freaking Claire! I'm very sure!
Nanginginig na pinatay ko 'yung tawag para magpunta sa call history. Kumunot lalo ang noo ko nang makita na tinawagan siya ni Kyle kaninang hapon. Ano 'to?
Nabitawan ko 'yung phone nang marinig ko 'yung ungol ni Kyle. Napatitig ako sa kanya habang nakakunot ang noo niya, nakahawak ang kamay niya sa ulo niya habang bumabangon mula sa kama ko.
"How did i get here?" Nagtatakang tanong niya nung nakita niya ako. Hindi ako sumagot at pinulot 'yung phone niya, binato ko 'yon sa bed ko sa tabi niya kaya napalingon siya doon.
"Tumawag si Claire." Walang emosyon na sabi ko bago lumabas ng kwarto.
ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ