twenty eight

2463 Words
XXVIII. Hindi ko alam kung anong naging reaksyon ni Kyle dahil tinalikuran ko agad siya. Pero naramdaman kong sinundan niya ako ng tingin. "Why did you call her?" His voice was husky. Halos parang bangag pa, parang wala pang gana. "Hindi ako ang tumawag, Kyle. Yung taxi driver kanina na tumawag sa'kin, he must called Claire's number dahil nasa call history." Huminga ako ng malalim dahil hindi ako alam kung anong gagawin ko. Tatayo na lang ba ako? Uupo ako sa couch? Lalapit sa kanya? I don't know. Basta ang alam ko naiirita ako. "Sleep for now, Savanna." He tapped my bed. "Come here." So, hindi siya magpapaliwanag? Hahayaan niya ako sa iniisip ko? Tinawagan niya si Claire Ramirez! I'm not being possesive here but he's Kyle Vergara for petes sake. Hindi siya basta basta tatawag ng number ng ibang tao dahil sa wala lang, there must be something going on here. "Hindi pa ako inaantok." "Well, i'm tired." Humiga ulit siya at pinatong ang braso sa noo niya habang nakapikit. "Of course, you're tired." Sarkastiko ang tono ko. Pinili ko na lang na sumandal sa frame ng pinto habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Idinilat niya ang mata niya para tignan ako ng mabigat niyang mata. "Can't you just f*****g trust me?" He hissed. "I'm damn tired, f*****g tired of understanding that you can't give your trust to me!" Natigilan ako. "What?" "Naiinis na ako, Savanna. Kung iniisip mo na niloloko kita at nangbabae ako, that's a plain bullshit." Umupo siya at mataman na tumitig sa mga mata ko. "I-i am not doubting you, may tiwala ako sayo Kyle.." "Another plain bullshit." Ngumisi siya at niluwagan ang necktie ng uniform niya. Hindi na naman siya umuwi at dumiretso lang sa bar, at ngayon ay hindi ko maintindihan kung anong sinasabi niya. "You know what i've been thinking these past few months?" Nanginig ang boses niya. "You're not inlove with me, not really, you just love the way i always makes you feel. Like you're the center of my world, because you are.." Halos manlambot ang tuhod ko sa sinabi niya, napanganga ako. He really thinks that way? Hindi ko ba naparamdam lahat sa kanya? Bakit ganito ang iniisip niya? Saan nanggaling 'to? Kaya ba siya naglasing ng ganito? Kyle, what are you thinking? Humakbang ako palapit sa kanya ngunit agad akong napatigil dahil halos kilabutan ako nang mag-angat na naman siya ng tingin. Biglang nag-iba ang mga titig niya, nakakatakot. Naging madilim. His usual hawkeye. Nakaka-intimidate. "Are you feeling a bit shaken? Maybe fearful and doubtful and completely utterly, wildly terrified of me?" Suminghap siya. "You're scared me, aren't you Savanna? And you don't trust me." Naramdaman ko ang pag-iinit ng gilid ng mga mata ko. Now i understand what's this dark terrifying eyes of his means, nasasaktan siya kapag ganito ang mga mata niya. He's hurt and he tries to hide it kaya nagmumukhang nakakatakot. But this is the look in his eyes when he told me that his whole family is dead. At mas lalo akong naguluhan dahil doon. "I trust you.." "You don't trust me." Ibinaling niya ang pagod niyang mata sa lampshade sa tabi ng kama. "I killed my own family, i burnt down our own house to kill all of them then ran away to hide." He gazed at me. "That's what you're thinking, Savanna." Napanganga ako. Hindi ko namalayan na nagkatitigan na kami ng matagal kung hindi lang siya nag-iwas. He's right. He's freaking right, i am doubting him. Iniisip ko ang lahat ng 'yon at hinayaan ko lang, ni hindi ko siya tinanong. At hindi ko man lang napansin na alam niya 'yung hinala ko at nasasaktan ko siya, pero bakit hindi siya nagreklamo? Bakit hindi niya sinabi sa'kin? Bakit niya kinikimkim? Kapag lasing na lang ba siya niya mailalabas ang lahat? "Then, why?" I breathed. "Bakit ayun ang sinasabi ng mga tao? Bakit hindi mo sabihin ang totoo?" "No one asked me." He said, halos sobrang hina na. Muntik ko nang hindi marinig. "At wala akong pakialam, sanay na ako Savanna. I'm used to it, being judge by other people--immune na ako. I'm so used at everyone leaving and doubting me that it doesn't upset me anymore. But everytime i see your doubting fearful eyes gazing at me, it hurts my heart like i'm being stabbed many times without stopping." Nakita ko ang pagkinang ng mata niya dahil sa namumuong luha dito. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko, his hard cold expression became soft and warm at some point. I should have asked him, dapat tinanong ko agad siya nung una pa lang. Dapat nagtiwala ako at hindi natakot. "And now, you're doubting my love for you. Iniisip mong may babae ako." Halos kilabutan ako nang makita na tumulo ang luha mula sa mata niya. "I know i'm a terrible person, i'm trying to be better and i know it's not good enought. But.. Please, don't doubt my love for you. It's the only thing i am sure of. I would do anything for you, just say a f*****g word and i will hurt anyone who dares to stop me from doing it.." His eyes are fixed on me, i can see sadness and disappointment through it. "Do you even love me? Napilitan ka lang ba dahil tinanong kita na maging girlfriend ko? It was too much, right? Am i being selfish? Am i the only who feels the shivers down my spine when our skin touches? Am i the only one who feels so f*****g proud when everyone's staring at us walking side by side with our fingers intertwined?" Another tears rolls down on his cheeks, lumapit ako sa kanya. Niyakap ko siya at binaon ang ulo niya sa tiyan ko. "Don't say that, Kyle." I sobbed. "I've been loving you always, i like everything about you. Your cold stare, your whinning, your touch, your warm hands, your mannerisms, everyime you touches your lower lips--i can't help staring at you without even realizing it." His smile is like lightning in the darkness, blinding and beautiful and mysterious, and i wanted to stare at him forever so badly it was physically painful. "I love you at your darkest, i love you at your warmest, i love you at your coldest. I love you so much that i don't even care what kind of person you are anymore." I brushes his hair using my finger. Naramdaman ko ang pagpulupot ng braso niya sa bewang ko, nakaupo siya sa kama at nakatayo ako sa harap niya. Nagtaas siya ng tingin kaya nagtama ang mata namin, basang basa ang mata niya. Oh, how i wish i could unsee this expression of his. Para siyang bata na umiyak dahil hindi siya binili ng laruan na gusto niya pero tumigil rin dahil sa wakas ay binili na ito. Para siyang nabunutan ng tinik, hinayaan niyang tumulo ang mga luha ko sa mukha niya. "Tell me about it, Kyle. Tell me all of it, i will hear anything." Ikinuwento niya ang lahat, mula sa lagi niyang pag-alis sa bahay nila. Hindi siya umaabsent sa school, mas gusto niyang nasa ibang lugar. May isang lugar siya na laging pinupuntahan, isang bakante at mataas na lote na nakikita halos ang buong lugar nila. Nagpupunta siya doon matapos ng klase at umuuwi kapag alam niyang tulog na ang mga tao sa bahay nila. Paminsan-minsan ay sumasama sa kanya ang nakababata niyang kapatid na si Kale, ang nag-iisang kumakausap sa kanya sa bahay. Ang nag-iisang tao na naniniwala sa kanya, she gives him food, she buys him gifts ocassionaly, she goes to his room when he doesn't want to get out, she smiles at him innocently, she calls him Kuya with her sweet little voice, she hugs him and tells him how much she loves her kuya, that she trusts him so much. Tinuturuan niya ito sa mga assignment nito, sinasagot ang mga tanong nito sa mga bagay bagay. Bago ito pumasok sa kwarto niya ay naririnig niya pa na pinapagalitan ito para pigilan na makipag-usap sa kanya, but still, she goes to his room, smiling from to ear to ear. One day, narinig niyang pinapagalitan ng kanyang mother si Kale dahil sa pagsama nito sa kanya. She was crying and it hurts him. Galit na lumabas siya ng room niya para umalis pero humabol ang kapatid niya kahit na sinisigawan nito ng nanay niya. He pushed her, nakita niya ang nagulat at nasaktan nitong mga bilugan na mata. He told her that he doesn't want to be with her, that she's a pain in the ass. Iniwan niya ito at umiiyak na tumakbo papunta sa lagi nilang pinupuntahan magkapatid. He cried hard there, ang kapatid niya lang ang nag-iisang tao na nakakaintindi sa kanya. While he was crying alone there, staring at their house from afar. Halos manlambot ang buong sistema niya nang marinig at makita na unti-unting binabalot ng apoy ang bahay nila. Na-estatwa siya. Nanginginig ang bibig niya habang walang tigil na tumutulo ang luha niya. Saka lang siya natauhan nang maalala ang kapatid niya na nandoon. He ran as fast as he can but it was too late, yung bahay nila na itinayo ng mga magulang niya ay naging abo. He was there, standing. Nadudurog habang pinapanood ang bahay nila na nauubos, with his family inside. Maingay ang paligid. Nagkakagulo. Sunod sunod ang dumating na bumbero. Narinig niyang may nakarinig daw na may sumabog na parang tangke ng gas sa loob bago tupukin ng apoy ang buong bahay--na parang sinadya daw ito para mangyari ang trahedya. He could feel those eyes staring at him, those doubtful eyes. Parang gustong tanungin kung bakit siya lang ang ligtas, kung bakit wala siya sa loob ng bahay kahit ang buong pamilya niya ay nasa loob. He ran away, again, for the last time. Ilang araw siyang nagpalaboy-laboy sa kalye, crying, again and again. Hinanap din siya sa klase dahil sa ilang araw niyang pagliban, hanggang sa natagpuan siya ng teacher niyang nakahiga sa gilid ng kalsada--gutom na gutom at nanghihina. She took care of him, she gave him food and her son treated him so well--which is Kieran Domingo na matagal na palang kaibigan si Rigo Ignacio. Halos isang taon din ang tinagal niya sa bahay nito pero umalis din siya nang nakuha niya ang mga ari-arian na naiwan ng mga magulang niya. He live with himself, independently. Nagawa niyang mabuhay mag-isa sa murang edad, hanggang sa madagdag sa pagkakaibigan nila sila King at Billy na bagong lipat sa lugar nila. And the story goes on. "Nung una, kapag tinitigan kita..naaalala ko ang kapatid ko. You were like her, your gestures, you being frustrated when you can't think the answers in exam. You, caring with someone without them knowing. She's exactly like you." He sighed. "Hindi ko na lang namamalayan na pinagtatanggol na kita, na nagagalit ako kapag may nanakit sayo. I don't wanna see you sad nor upset." "Don't get me wrong, i liked you as a woman. Maybe i got interested in you because you reminded me of Kale, but what i feel about you is different. Pinaramdam niya sa'kin na hindi ako nag-iisa sa loob ng lahat, pero ikaw, you made me realize that i'm still a human being. That i can still love and for the first time after all these years, i felt that i'm being loved. That someone cares for me and not scared being with me, alone." Hindi ako nagsasalita, i am crying so hard na halos naninikip na ang dibdib ko. Nakaupo kami sa kama habang nakasandal ang ulo niya sa balikat ko, hindi mahahalata ang pag-iyak niya sa boses niya pero nararamdaman kong nababasa ang balikat ko ng luha niya. It must be very hard keeping it all inside him, nagsisisi ako na hindi ko siya tinanong dati pa para hindi na nadagdagan 'yung mga araw na nasasaktan siya mag-isa. I wish i could brush all those sad memories, this warm and soft guy beside me deserves every single love in this world. Nabaling ang tingin ko sa kanya mula sa sahig nang mag-angat siya ng ulo. Halos mapapikit ako nang maramdaman ang malambot at mainit niyang kamay sa pisnge ko para punasan ang luha ko. "Ito ang isa sa dahilan kung bakit ayokong ikwento sayo, i knew you would cry. It's okay, but please don't feel pity on me." He brushes my hair off my face. "Hindi ako naaawa sayo, Kyle." I sobbed. "Naiinis lang ako sa sarili ko dahil ang insensitive ko. I should have asked you una pa lang--" "Ssh, it's okay. Stop crying for now." Humiga siya sa kama ko at inihilig ang braso para sabihin na humiga ako doon. Nagpunas ako ng luha at humiga sa tabi niya, ginawa kong unan ang dibdib niya kaya pinulupot niya sa'kin ang braso niya. Now, i can hear his heartbeat. "Your heart is beating so fast." I said. "Yes." "Why?" I asked. "I'm scared." Natigilan ako sa sagot niya. Gusto kong bumangon para tumingin sa kanya pero pinigilan niya ako. "Why are you scared?" "Because i love you." Napangisi ako. "Loving me scares you? Why?" He breathed. Naramdaman ko ang hininga niya sa ulo ko, "Because everyone i loved left without even a single warning and i can't help thinking that you would leave me someday it scares me." Kinagat ko ang labi ko. "I would never do that, kahit maligaw pa ako sa malayong-malayo na lugar. I will always find my way to you, i may not be with you all the time but at the end of the day--you will see me standing in front of you. With my arms open waiting for you to hug me, even if i can't find my way back to you. Promise me that you would find me, okay?" He chuckled softly. "I will always search the whole world and find you." Tinaas ko ang pinky finger ko. "Promise?" Tinanggap niya ito kaya napangiti ako. "I promise." ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD