twenty nine

1723 Words
XXIX. Halos isang taon na rin ang nakalipas mula nang may mangyari sa pamilya namin nila King, nalaman ni Monique 'yung totoo kong pagkatao matapos ng ilang buwan. Gumaling din 'yung selective amnesia niya kaya naaalala niya na ang lahat sa'min. Nalaman ko rin na kaya tinawagan ni Kyle si Claire no'n ay dahil sa pagkakalat niya ng pictures ni Savanna at Ynna, he warned her. Simula no'n ay hindi na ako ginulo ng babaeng 'yon. Si Ynna Castro? Bigla na lang naglaho ng parang bula sa school, at pumasok ang totoo kong pagkatao na si Savanna Castro. Hindi ko na kinailangan magpanggap simula nung bumalik ang memory ni Monique. Malaya na kong nakakagala sa school nang hindi nagpapanggap, malaya ko nang nahahawakan ang kamay ni Kyle. Nayayakap at nakakausap ko na siya ng hindi nagtatago. In short, malayang malaya na ako ngayon. Hmm, para naman akong nakulong sa tono na 'yon. Napabangon ako sa kama ko nang biglang may nagdoorbell, gabing gabi na pero may bisita pa ako. It's either sila King or si Kyle. Pinagbuksan ko kung sino man 'yung taong 'yon at tumambad si Kyle. "Why are you here? Anong oras na ah." Bumalik ako sa kwarto kaya sumunod siya. Pabagsak na humiga siya sa kama ko at nilagay ang kaliwang kamay sa noo niya habang nakapikit. "I don't know, i just wanted to see you." Mahinang sabi niya. His soft and tired voice melts me. Naglalambing na naman ang isang 'to. Umupo ako sa tabi niya at sinuklay ang buhok niya gamit ang daliri ko. "You're gonna stay here for tonight?" Tanong ko kaya dumilat siya kaya nagtama ang mata namin. Kung meron ako isang bagay na sobrang kina-iinggitan sa kanya ay 'yung mahaba at makakapal niyang pilikmata na lalong nagpapadilim sa mata niya. It's just so beautiful. Hinila niya ako palapit kaya napahiga ako sa tabi niya, nakapatong ang ulo ko sa braso niya. Hinawi niya 'yung mga buhok ko na nasa mukha ko. Naaamoy ko na naman 'yung pabango niya, lalakeng lalake ito pero hindi masyadong matapang kaya ang sarap sa ilong. "Tell me to leave." He said. Bumaba ang tingin niya sa labi ko, na para bang hinihintay niya na bumuka iyon para marinig niya 'yung sagot ko. Napatitig ako sa kanya at umiling. "No." I said. He smiled softly. "Then i'm staying." And his lips consumed mine. - Nagising ako kinaumagahan na wala na si Kyle sa tabi ko, maaga kasi 'yung pasok niya ngayon kaya maagang umalis 'yon. Naramdaman ko pa na hinalikan niya ako kanina bago umalis. Ewan ko ba kung anong naisipan no'n at dito natulog. If you're thinking something errr... we never did 'it'. I'm not yet ready. We just cuddled and slept all night. Alam ko sa sarili ko na may respeto sa'kin si Kyle kaya may tiwala ako sa kanya. Anyway. Nagmamadali akong sinuklay 'yung buhok ko dahil late na ako sa school. Exam namin ngayon kaya kailangan ay hindi ako ma-late, nag-text sa'kin kanina si Kyle na ihahatid niya ako kahit wala na siyang klase ngayon pero tinanggihan ko. Mas madali kasi kapag naka-motorbike, patay na naman ako kay Kyle pag nalaman niyang ayun ang gamit ko papunta sa school. Ayaw niya kasi na nagmamaneho ako ng gano'n pag nagmamadali ako dahil delikado daw. Magso-sorry na lang ako mamaya. Ini-start ko na 'yung makina ng motorbike ko pero hindi ko pa pinaandar dahil biglang may tumawag sa phone ko. Chloe Tan calling... Sinagot ko 'yon pero hello ako ng hello ay walang sumasagot. Nakakapagtaka naman, napindot niya lang siguro? Nasuot ko na 'yung helmet ko nung may dumating na message galing sa kanya. From: Chloe Tan Sis, punta ka dito sa bahay. I replied, On my way to school, later na lang pag-uwi ko. Then she replied.. Now na, please. Sobrang sama ng pakiramdam ko, help me. Kumunot ang noo ko dahil doon, hindi naman ganito si Chloe kahit may sakit siya. Sobrang sama na ba talaga ng pakiramdam niya kaya pinipilit niya na ako na pumunta do'n? Pero may klase pa ko! May exam ako na hindi ko dapat ma-miss! To: Chloe Tan Hindi ba talaga pwede later? I need to take my exams. She replied, Please? Hindi na ako nakatanggi. Ite-text ko na lang si Monique na i-excuse muna ako para makakuha ako ng special exam. Nag-aalala ako sa kapatid ko, kung sinabi niyang sobrang sama ng pakiramdam ibig sabihin ay masama talaga. Kilala ko 'yung kapatid ko, ayaw niyang maging pabigat pero mukhang iba talaga ang pakiramdam niya ngayon. Pinaandar ko na 'yung motorbike ko at dumiretso muna sa Starbucks para bumili ng kape. Kagabi kasi ay may sinat na 'yon si Chloe pero sabi niya ay mawawala rin naman 'yon ngayong umaga pero mukhang lalong lumala. Napalingon ako sa may kanan ko nang maramdaman ko na parang may nagmamasid sa'kin, pero wala naman akong nakita kundi isang mag-asawa na nilalaro 'yung baby nila. Nagha-halucinate lang yata ako. Sinantabi ko na lang 'yon at nagmaneho papunta sa bahay ni Chloe kahit ramdam ko na may nagmamasid sa'kin. "Sis?" Tatlong beses na akong nagdo-doorbell pero walang lumalabas nakatulog ba siya? "Chloe? I'm here!" Mukha ngang nakatulog siya kaya naiiling na pumasok na lang ako sa loob, dala dala 'yung starbucks na binili ko. Natigilan ako nang makarinig ako ng mga kaluskos galing sa loob ng kwarto, sobrang hina lang at maingat. It must be Chloe. "Hey!" Nakangiting bati ko bago buksan 'yung pinto. Pero halos matumba ako dahil sa panlulumo nang makita ang nakahigang si Chloe sa sahig. With blood all over her body, with her blood shattered all over her room. Nabitawan ko 'yung mga dala ko at nanginginig na lumuhod para i-check siya. "C-chloe?" Halos wala nang lumabas na boses sa bibig ko. Is she dead? "C-chloe!" I sobbed. Unti-unting parang pinupunit ang puso ko nang makita na may laslas ang leeg niya. Bakit ganito? Joke ba 'to? Nananaginip ba ako? Sinong gumawa nito sa kapatid ko? Akala ko okay na ang lahat? What the hell is happening? "C-chloe, please.." Halos maghysterical na ako, chineck ko 'yung pulso niya pero wala na akong maramdaman. Napahagulgol na ako ng iyak, kung panaginip 'to. Please, wake me up. I can't take this. Not my sister, not Chloe. Kung kailan okay na kami, kung kailan okay na ang lahat. Sabi nila Billy okay na ha? Sabi nila wala nang mang-aano sa'min. Pero ano 'to? "W-who did this to you?" Mahigpit ko siyang niyakap habang tulo ng tulo ang luha ko. Sinisisi ang sarili ko dahil kung hindi ako dumaan sa Starbucks para bumili ay baka naabutan ko pa siya. Kung hindi ako nagdalawang isip na magpunta dito ay baka nailigtas ko pa siya. Pinunasan ko 'yung luha ko para kunin 'yung phone ko sa bulsa ko, i need to call the police. Kailangang mahuli ang gumawa nito sa kapatid ko. Pipindutin ko na dapat 'yung call button nang namimilipit na napahiga ako dahil sa malakas na pagpalo ng matigas na bagay sa ulo ko. Then everything went black. - Third person's PoV Nakangiwi at halos naduduling pa nang magdilat si Vanna ng mata. Agad siyang napabalikwas ng bangon nang maalala ang kapatid. Mabilis na nag-unahan tumulo ang kanyang mga luha nang makita ang nakahandusay na katawan ni Chloe hindi kalayuan sa pwesto niya. "O-oh my God.." Nakatakip sa bibig na sambit niya. Hindi pa rin makapaniwala sa nakikita, nanginginig ang buong katawan niya habang gumagapang palapit muli sa kapatid na wala nang buhay. Natulala siya nang makita ang namumutla nang mukha nito, halos wala nang kulay. Muli siyang napahagulgol ng iyak habang nililibot ang tingin sa paligid. Nakita niya ang kalat-kalat na gamit nito, ang isang kutsilyo hindi kalayuan sa katawan ng kapatid na kung hindi siya nagkakamali ay ang ginamit na paglaslas ng leeg nito. Natigilan siya muli nang maalala ang dahilan kung bakit siya nakatulog, may pumalo ng ulo niya kanina kaya nahimatay siya. Napasabunot si Vanna sa kanyang buhok, iniisip kung sino ang gumawa no'n. Kung sino ang pumatay sa kapatid niya, kung sino ang pumalo sa ulo niya para mawalan siya ng malay. Nagtataka kung bakit hindi siya nito pinatay. Nabalik sa ulirat si Vanna nang marinig ang malakas na pagbukas ng pinto sa labas at ang sunod sunod na yabag ng mga paa. Agad din na bumukas ang pinto ng kwarto ni Chloe at pumasok ang nasa limang tao na naka-uniporme ng pang-pulis. Nakatutok ang mga baril nito sa kanya. "Wag kang kikilos ng masama!" Agad siyang napatayo dahil doon, mabilis na winagayway ang kamay habang umiiling. Nanlalaki ang mga mata. "I-it's not what you think.." Tumulo ang luha sa mga mata niya. "I didn't kill her! Please.." Mas lalong nilapit ng mga pulis ang baril sa kanya kaya napaatras siya. Alam niya sa sarili niya na kaya niyang labanan ang mga ito at tumakas, pero kung gagawin niya iyon ay parang sinabi niya na rin na guilty siya. Na siya ang pumatay sa kanyang kapatid. "Sa presinto ka na magpaliwanag." Hinayaan ni Vanna na lagyan siya nito ng posas sa kamay, walang tigil ang pagtulo ng luha. Masakit ang kanyang ulo dahil sa pagkakapalo sa kanya ngunit mas sumasakit ang puso niya. Patay na ang nag-iisang kapatid at ngayon ay hinuhuli siya ng mga pulis dahil napagbintangan siya na gumawa nito. Paglabas pa lang ng bahay niya ay ang dami nang tao na nakiki-usyoso. May tig-isang pulis na nakahawak sa braso niya habang nasa likod niya ang kamay niya na naka-posas. Napayuko siya ng marinig ang bulong-bulungan ng lahat hanggang sa makasakay sila sa sasakyan. Napapikit na lang siya ng mariin at walang nagawa kundi humikbi. ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD