thirty

1913 Words
XXX. Napaangat ako ng tingin nang malakas na bumukas ang malaking pintuan ng presinto. Agad na kumawala ang hikbi na kanina ko pa pinipigil nang makita na si Kyle 'yon. Para akong bata na naligaw sa isang mall na sa wakas ay nakita na ang magulang ko na kanina ko pa hinahanap. Napatitig siya sa'kin pero hindi agad nakalapit, nagtataka 'yung mga mata niya. May halong galit at pag-aalala. Gusto kong magsumbong sa kanya! Gusto kong sabihin sa kanya na bugbugin niya lahat ng nandito dahil ginagawa nila sa'kin dito. I want him to help me, i need him so much. Pero hindi ako makapagsalita dahil baka mapaghagulgol lang ako. "K-kyle.." Mahinang sabi ko habang tumutulo ang luha ko. Hindi ako makalapit sa kanya dahil hindi ako hinahayaan na tumayo ng mga pulis, naka-posas ang dalawang kamay ko. Humakbang siya palapit sa'kin kaya napatayo ako pero pinigilan agad ako ng mga pulis. Ni hindi man lang nila ako hinahayaan na umalis sa pwesto ko, how cruel are they? "Anong kailangan mo?" Mahinahon na tanong sa kanya ng isang pulis pero hindi niya iyon pinansin. Nanatili lang 'yung titig niya sa'kin. "Unhandcuff her." He said. Hindi agad nakasagot ang mga pulis at nagkatinginan, rumehistro sa labi ng isang pulis ang mayabang na ngisi. "Ang babaeng 'to ay suspect sa pagpatay sa sarili niyang kapatid, naabutan namin siya sa loob ng kwarto kung nasaan ang bangkay ni Chloe Tan. Anong gusto mong gawin namin?" Tumawa ito. "Palalayain namin siya dahil gusto mo?" Mabilis na nagdilim ang mata ni Kyle, his jaw clenched. Napapikit ako. I don't wanna see him like this, ayoko kapag nagiging ganito siya dahil sa'kin. "Unhandcuff the f**k out of her." Madiin na sabi niya. "She didn't do it." Tumawa ng marahan ang isang pulis. "Kung hindi siya, edi sino?" Huminga ito ng malalim. "Makakaalis ka na, hindi namin pwedeng palayain ang babaeng ito habang iniimbestigahan pa ang crime scene. Pero kung naging positive ang mga finger prints, wala kaming magagawa kundi ikulong si Savanna--" Bigla akong hinila patayo ni Kyle kaya napadilat ako ng mata. Galit na galit siya pero hindi mahigpit ang pagkakahawak niya sa'kin, he's being gentle to me and it's making me more emotional. "Gusto mo ba na mauna nang makulong sa kanya dahil sa panggugulo mo?" Tanong ng isang pulis. Natigilan ako. No, hindi nila pwedeng ikulong si Kyle. Hindi siya pwedeng magdusa dahil sa'kin. Hinawakan ko ang kamay ni Kyle kaya napalingon siya sa'kin. Matigas ang tingin niya sa mga pulis pero naging malambot iyon ng bumaling siya sa'kin. He was about to speak pero inunahan ko na siya. "G-go home for now." I said. "Savanna.." Gulat na sabi niya. "You didn't do it, hindi ikaw ang pumatay sa kapatid mo. You don't need to suffer like this, i'll help yo--" "I know. I know, Kyle." I nodded. "Hindi ako ang gumawa no'n kaya sigurado akong makakalabas rin ako agad, 'yung mga finger prints--magiging negative lahat 'yon. I'm confident, sumunod na lang tayo. Okay? G-ginagawa lang nila 'yung trabaho nila.." Umiling siya. "Don't do this to yourself, Savanna. Your sister has died, you need comfort. You need me. There's no way i would let you sleep in this cold floor inside that f*****g steel bars!" Lumingon siya sa mga pulis. "Unhandcuff her." "Kung hindi ka pa aalis ngayon, wala na kaming magagawa kundi ikulong ka!" Mataas ang boses na sigaw nung pulis. Naramdaman ko ang pagkuyom ng kamao ni Kyle kaya napapikit ako habang tumutulo ang luha ko. Kung alam niya lang kung gaano ko gustong sumama sa kanya. I don't want to admit this but i'm so scared, natatakot ako. Tama 'yung sinasabi ni Kyle, i need comfort. I am physically and emotionally exhausted, if i could just sleep so i can escape to this damn reality. Narinig ng lahat ang malakas na naman na pagbukas ng pinto ng presinto. Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Kyle nang marinig ang umiiyak na boses ni Monique. "W-what happened, Vanna?" She cries. Nakahawak si King sa braso niya para pigilan siya na maghysterical, basang basa ang mukha ni Monique, namamaga ang mata dahil sa pag-iyak. Naramdaman ko ang nag-aalalang titig ni King at Billy. Mabilis na lumingon ako kay Bil na tahimik na nakatayo, he nodded at me. Para bang sinasabi niya na alam niya, na alam niyang hindi ko ginawa 'yon. That he trusts me so much and everything will be okay. Nagpakawala ng malalim na paghinga si King, he's angry. Gusto niyang magwala katulad ng gustong gawin ni Kyle, he wants me out of here. Pero pinipigilan niya 'yung sarili niya dahil mas lalala lang ang sitwasyon. It's crazy na alam na alam ko ang lahat ng ibig sabihin ng simpleng bagay na ginagawa nila. "I'm okay.." I assured them. "Savanna, please.." Nagmamakaawa ang boses ni Kyle. His expressive eyes are fixed on me, i wish he could stop looking at me this way. Lalo lang akong naiiyak. "Makakauwi rin siya bukas kung negative ang finger prints, lalo na 'yung nasa kutsilyo na ginamit sa pagpatay sa biktima." Mahinahon na ulit ang boses ng pulis. "Sana ay maunawaan niyo, ginagawa lang namin ang trabaho namin. Kung talagang naniniwala kayo sa suspect, walang dapat ipag-alala dahil makakalaya rin siya agad." In the end, walang nagawa sila Kyle kundi iwan ako. Monique hugged me so tight while crying and told me that everything will be okay. They left, ayaw pa ni Kyle nung una pero ako na ang nakiusap. Alam ko sa sarili ko na wala akong kasalanan, na magugulat na lang sila kinabuksan na nasa harap na nila ako. Unhandcuffed. Free. Then i will find the person who killed Chloe. But life is shockingly unpredictable as it is, lumabas din agad ang results ng fingerprints kinabukasan ng umaga. And it turns out na lahat ng fingerprint na nahanap ay sa'kin, 'yung fingerprint ng kutsilyo na ginamit kay Chloe. My fingerprint is in it. Sa door knob, sa walls, sa damit ni Chloe, sa leeg niya, everywhere. Dumating si mom dito sa Pilipinas, with her lawyer. They investigated the case pero walang nangyari. Natalo kami. Sinabi ko ang totoo, Chloe texted me to come over. Na may sakit siya kaya wala akong nagawa kundi pumunta. Na may pumalo sa ulo ko kaya nakatulog ako at nagising na lang ako bago dumating ang mga pulis. Pero ibinasura ang lahat ng 'yon, may lumabas pa na mga testigo. Narinig daw nila na nagsisigawan kami ni Chloe na para bang nag-aaway kami. The court pronounced me as guilty. Nakatulala na nakatingin lang ako sa kamay ko na may posas, nasa sasakyan na naman ako ng pulis. May nagda-drive na pulis at may isa pang nakaupo sa tabi nito, nasa likod ako at may katabi pa kong isang pulis na nakahawak sa braso ko. Binabantayan ako. Ililipat na ko sa mismong kulungan at ikukulong doon ng halos buong buhay ko. Wala nang lumalabas na luha sa mata ko, ubos na ubos na. I was crying nonstop for these past few days. I'm so drained right now. Para ngang naging manhid na ko, i can't feel anything anymore. Pinasadahan ko ng tingin ang malalim na kalmot sa braso ko, bigla na lang akong sinugod ng mom ni Chloe nang sabihin ng judge na guilty ako. Sinabunutan, sinampal at kinalmot niya ako pero hindi ako lumaban. Mom was crying so hard that she almost fainted, Monique also. King and Billy were very angry, para bang gusto na lang nilang hawiin lahat ng tao at hilahin ako palayo. Pero wala silang magawa. It broke my heart so much, parang unti-unti akong nanliit. Lalo na nung habulin kami ni Kyle. He hugged me so tight, nanginginig siya at nangingilid ang luha. Pilit niya akong nilalayo sa mga nakapaligid sa'kin, tinulak niya lahat ng humaharang sa kanya. "K-kyle, please stop." Madiin na sabi ko. His eyes are pleading, he wants me to fight more. Pero paano ko magagawa 'yon e guilty nga ako? Sinarado na 'yung case. Nangako sila King at Billy na aalamin nila kung sino ang gumawa nito, then what? Sino na naman ang maniniwala kung malaman man nila ang totoo? No one. "S-savanna, please.." He pleaded as the police pulled him away from me. Nanghihina 'yung boses niya, para bang unti-unti siyang nawawalan ng lakas habang palayo ako sa kanya. It's okay, Kyle. I'll be okay. You can visit me anytime, alright? Napaangat ako ng tingin nang biglang tumigil 'yung police car, we're in the middle of deserted road. Papunta sa kung saan ako maninirahan simula ngayon, sa kulungan. "Saan ba ang punta niyo, ma'am?" Tanong ng katabi kong pulis sa babaeng nakasilip dito sa loob. "I'm on my way to go to the prison, pero nasira po 'yung kotse ko." She said as she pointed her white car behind her. "Matatapos na 'yung visiting hour pero mamaya pa daw maaayos 'tong kotse ko." "Sinong dadalawin niyo, ma'am?" "My brother.." She answered. She looks so rich, makinis ang balat niya. And i can see myself to her, maganda yung tindig niya at mahaba ang buhok tulad ko. Lumingon 'yung driver sa'kin na parang sinasabi na umusog ako. Pasasabayin nila 'yung babae, i know. Tahimik na umusog ako para magbigay ng space para sa babae. "Sumabay na po kayo sa'min, ma'am." "Thank you po.." Naging tahimik 'yung biyahe, malapit na kami sa prison nang may mabibilis na police cars ang sumalubong sa'min. "Anong nangyayari?" Tanong ng nagdadrive sa pulis sa isa pang pulis na itinigil ang sasakyan sa tabi namin. "May mga nakatakas." Sabi no'n na nakakuha ng atensyon ko. Nagulat ang lahat ng kasama ko pero hindi ako nagpakita ng interes. Binaling ko na lang ang tingin sa labas ng bintana ngunit kumunot ang noo ko nang makita ang pagewang-gewang na kotse. May truck na katabi iyon na mukhang truck ng basura, lumiko ito para iwasan ang kotse na gumegewang. Napapikit ako nang makitang mabilis na dumiretso sa pwesto namin ang malaking truck. Naramdaman ko na lang ang malakas na impact nung tumama ang truck sa sinasakyan namin, halos naramdaman ko ang pag-ikot ng sinasakyan namin sa ere. Kung saan saan tumama ang katawan ko, narinig ko ang daing ng mga kasama ko at ang tunog ng nayuyuping bakal. Nanghihina na dumilat ako ng mata habang nararamdaman ang pagtulo ng dugo mula sa ulo ko. Tanging mga ulap lang ang nakikita ko, naririnig ko ang sigawan ng mga tao pero hindi ako makagalaw. "Sasabog na 'yung sasakyan!" Narinig kong sigaw ng isang babae. Narinig ko rin ang tunog at amoy ng parang nasusunog na bakal. Naramdaman ko na may humawak sa braso ko para hilahin ako. Mabagal na lumingon ako para makita iyon pero bago ko pa maaninag ang mukha niya ay agad na akong nawalan ng malay. ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD