XXXI.
Pabagsak na umupo sa itim na couch si Kieran Domingo, nilingon niya ang dalawang kaibigan na tahimik na nanonood ng basketball sa flatscreen. Kahit interesado siya sa pinapanood ng mga ito ay nanatili ang titig niya sa dalawa, akala niya ay lilingon ang mga ito pag tinitigan niya pero parang wala lang sa mga ito kaya kailangan niya pa talagang magsalita para makuha ang mga atensyon.
"Nasaan na naman si Kyle?" Tanong niya sa mga ito. Walang sumagot kaya napabuntong-hininga na lamang siya. Hindi niya alam kung bakit nakuha niya pang magtanong, laging wala si Kyle at halos hindi nagpapapasok sa school dahil may hinahanap ito.
Halos isang taon na ang nakakaraan nang mangyari ang insidente ng pagpatay kay Chloe Tan, ilang buwan ang nakalipas ay nasistensyahan si Savanna Castro ng 23 years na pagkakakulong dahil sa pagpatay sa kapatid nito. Nasistensyahan ito sa krimen na hindi naman nito ginawa, alam nilang lahat iyon dahil kitang-kita nila kung gaano nito kamahal ang kapatid kahit pa lagi itong nag-aaway.
Alam nilang lahat totoo ngunit wala silang magawa, wala silang laban sa batas. At sa mga ebidensya.
Ngunit naaksidente ang sinasakyan nitong police car nang i-iimpit na ito sa kulungan. Nabangga ng truck ang sasakyan na sinasakyan nito dahilan para umikot ito sa ere dahil sa impact, namatay ang apat na sakay nito. Tatlong pulis at isang babae na sigurado ang lahat na si Savanna Castro. Nasunog ang katawan ng mga ito dahil sa pagsabog. Pero sa lahat ng 'yon, hindi naniniwala si Kyle na patay na si Vanna.
Ni hindi nito tinignan ng ilang segundo ang nasunog na bangkay ni Vanna, ang tanging sinabi lang nito ay ‘Hindi iyan si Savanna’ pero hindi iyon ang kaibigan nila. Bakit hanggang ngayon ay wala ito? Bakit hindi ito nagpakita kung sakaling buhay nga ito? Dahil sigurado sila na silang lahat ang unang pupuntahan nito matapos ng lahat.
Napailing na lamang si Kieran. "Wala na nga si Rigo, palagi pang wala si Kyle. Ano nang nangyayari?"
Napalingon si Billy dahil sa sinabi ni Kieran, agad siyang napangiwi nang maisip niya ang kanyang nasabi. Tumayo na lang ulit siya at nagpaalam na matutulog na, ngunit bago pa siya makaakyat ng hagdan ay bumukas na ang pinto at pumasok ang lasing na lasing na si Kyle. Ang buhok ay magulo, ang dami at hindi nakaayos.
Sa mata pa lang ay halatang lasing na lasing na. His eyes and cheeks were red, ang lakad ay pagewang gewang.
"What the hell, not again brad.." Untad ni Kieran habang lumalapit kay Kyle dahil tumumba ito sa sahig, inalalayan niya itong tumayo at naamoy niya agad ang alak sa katawan nito.
"Dalhin mo na sa kwarto niya." Utos ni King sa kanya bago nauna nang umakyat para magpunta sa sariling kwarto nito.
"Wag mong sirain ang buhay mo, hindi lang ikaw ang nahirapan. We've all been f*****g there. Pero dahil hindi mo matanggap, ikaw na lang ang natitirang ganyan ngayon. You've suffered enough already, i'm telling you— it's not even worth it now." Malamig na sabi ni Billy habang pinagmamasdan si Kyle na inaalalayan ni Kieran ngayon.
Madilim at nangingilid ang luha sa mga mata na lumingon ito. Sumilay ang malungkot na ngisi sa labi ni Kyle bago tabigin ang kamay ni Kieran na nakaalalay sa kanya.
"I'm tired.." Sambit nito. "I'm tired of all of you saying that this is not worth my tears. It it wasn't, then why the fucck am i still crying?" Kumawala ang mahinang paghikbi ni Kyle. "You don't know it, you'll never know how much Savanna changed my world . And it's so fuccking unfair because she left me chaotic and critically damage.."
"Then move on!" Untad ni Billy. "She's dead! Savanna's dead and she will never come back, put your s**t up and fix your damn life."
"She's not dead.." Wala sa sarili na umiiling si Kyle habang nangingilid lalo ang mga luha nito. Napahawak na lamang sa noo si Kieran at nakatiim ang bagang ni Billy na pinagmamasdan ang kaibigan.
Wala na silang magawa. Hindi nila masisi ito dahil alam nila kung gaano kamahal nang dalawa ang isa’t-isa, pero wala naman magagawa ang pagiging ganito ni Kyle dahil hindi na maibabalik pa si Savanna. Wala nang magagawa kung hindi mag-move on na lang.
Humawak sa dibdib si Kyle sa tapat ng puso nito na para bang gusto niya itong pigain. "Nararamdaman ko, there's something about this feeling that i can't let go. I promised that i would search the whole world to find her and all these tears and pain will be worth it one day.."
Nag-iwas ng tingin si Billy at sinubukan naman alalayan ni Kieran si Kyle dahil magsisimula na itong maglakad ngunit tinabig lang nito iyon. Pinanood na lang niya ang kaibigan na pagewang gewang na naglalakad papunta ng kwarto nito, nagawa pa nito na isara ang pinto. Pagkasara ay narinig pa nila na parang may nahulog na gamit.
Ilang sandali silang natahimik lahat at nagkatinginan na lang, nagbuntong-hininga habang napapailing.
"He's just drunk.." Sabi ni Kieran kay Billy para humupa ang inis nito. Umiling na lamang ito at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri bago tumalikod at umupo sa sofa.
Madalas mag-inom si Kyle simula nung nangyari ang insidente pero kapag hindi ito lasing ay balik naman ito sa pagiging matino. Ngunit hindi tulad ng nakasanayan, mas tahimik siya ngayon, mas malamig, mas ilag sa tao at mas maiinitin ang ulo. He's building walls again to keep everyone out. To protect whatever is left within. To protect his heart.
He was devastated ang grieving. Dapat nga ay gumagawa siya ng paraan para makaalis na siya sa gano’ng sitwasyon ngunit wala itong balak, he just keeps on thing about Savanna. Lagi itong bigla na lang natutulala, pagtapos no’n ay alam na nilang tatahimik ito at magiging mainitin na naman ang ulo.
Humugot ng malalim na paghinga si Billy habang nakasandal sa sofa at pumikit. Tulad ni Kyle, nararamdaman niyang buhay pa si Savanna pero ayaw niya nang paasahin ang sarili. They've already suffered and cried a lot. Ang ginagawa na lang nila ngayon ay hanapin kung sino ang gumawa nito sa kaibigan nila, kung sino ang pumatay kay Chloe Tan at kung sino ang nag-frame up kay Savanna para makulong ito. Ang dahilan kung bakit wala na ito ngayon. And everyone knows, that they will do anything and everything for the one they love. Kahit buhay pa nila ang kapalit.
ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ