thirty two

1990 Words
XXXII. Mabilis kong iniwasan ang lumilipad na kutsilyo na dapat ay tatama sa'kin. Sinipa ko ang gumawa no'n kaya natumba siya, napangisi ako bago ilabas ang baril na nakaipit sa bulsa ng pantalon ko saka tinapat sa kanya. Napawi ang kunot ng noo niya bago hinihingal na ngumisi rin. Binalik ko sa bulsa ko 'yung baril at nilahad ang kamay para tulungan siyang tumayo. "Mukhang mas magaling ka na sa'kin ah?" Natatawang sabi niya kaya mayabang na ngumiti ako. "Of course, Gael. Kailan ba naging hindi?" Napangiwi siya sa sagot ko at naiiling na kinuha ang bote ng tubig para uminom do'n. Isang taon na siguro ang nakakaraan mula nung maaksidente ako. Sabi nila Gael at ate Agnes ay nabangga daw ng truck ang sinasakyan namin na kotse ni Gael. Magdi-date daw kami nung mga oras na 'yon nang magkaroon ng aksidente. Sa totoo lang ay wala akong naalala ni konti sa mga nakaraan ko. Para akong bagong silang na sanggol nung nagising ako. Ni hindi ko alam ang pangalan, edad, at birthday ko. Kung sino ang mga magulang ko at kung saan ba ako nakatira. Sabi nila ay Silvana Rivera daw ang pangalan ko, 19 years old, kapatid ko si Agnes Rivera na mas matanda sa'kin ng apat na taon. Siya halos ang nagpalaki sa'kin dahil namatay ang magulang namin dati dahil sa sakit. Boyfriend ko naman daw si Gael Chavez, childhood bestfriend ko siya at naging kami nung highschool. College na kami ngayon. Pero ni-isa sa mga 'yon ay wala akong naaalala, ni wala silang pictures ko nung bata ako. Sabi nila ay naiwan daw lahat sa dati namin na tinitirhan. Nung mga unang ilang buwan na nawala lahat ng memories ko, pakiramdam ko ay para ako laging nawawalang bata. Hindi familiar sa'kin ang lahat, sabi nila ang tanging hindi lang daw nawala sa'kin ay ang skills ko sa pakikipaglaban. My skill to harm and kill people. Nagulat ako nung una nang malaman ko na nagtatrabaho kami nila Gael sa isang secret society na tinatawag na APO (Authorized Personnel Only). They does assasination or contract killing. May nagha-hire sa'min para pumatay ng tao. Yep, i'm that kind of person. Nung una ay ayaw ko pa, pero sabi nila Gael ay hindi naman ako naaawa dati. I was a ruthless and a heartless agent, pumapatay daw ako ng walang habas. That's why i'm the one of the best APO agent, along with Gael. Kung ikukumpara ang skill ni Gael sa'kin, walang-wala ako. He can kill a person in a split second, at malinis siya magtrabaho, walang naiiwan na kahit anong ebidensya kapag nagtatrabaho siya. "Vana, maligo ka na." Napalingon ako sa babaeng nakasilip sa pinto nitong training room. Si ate Agnes. Napasimangot ako. "I'm tired! Pwede bang wag muna akong pumasok ngayon?!" Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Gael sa tabi ko. Binaling ko ang tingin ko sa kanya kaya nakita ko na nakangisi siya, nakalagay ang isang kamay sa bewang habang may hawak na bote ng tubig ang isa. Umaalog ang balikat niya dahil sa pagtawa. Hindi masyadong maputi si Gael, he's tan and has a great body. Isang ngiti niya pa lang ay halos magwala na ang mga babae, ang lakas lakas ng appeal niya. Handsome is not the right way to describe him, he's HOT. "Ayaw mo lang maligo e." Sambit niya kaya umismid ako na lalong nagpalaki ng ngisi niya. "Hindi pwedeng hindi kayo pumasok, no more absent." Madiin na sabi ni ate Agnes bago ibato ang isang energy drink papunta sa'kin na agad ko naman na sinalo. Ngumiti ako. Ate Agnes is very caring, mas inuuna niya pa ako kesa sa sarili niya. At isa pa, ang ganda ganda niya. Hindi ko nga alam kung ako ba talaga ang kapatid niya o si Gael, halos pareho kasi sila kung idi-describe. She's tan and has a great body. Mahaba ang itim na itim niyang wavy na buhok, parang pusa ang mata niya dahil sa hugis. Hindi ko nga alam kung bakit hindi siya nagbo-boyfriend kahit marami naman nanliligaw sa kanya. Magkaibang-magkaiba kami, straight ang buhok ko na mahaba at nagpa-blonde ako. Ate Agnes likes light colors at dark colors ang gusto ko. She's tan at maputi ako, magkaiba rin naman kami ng katawan. Ang pagkakapareho lang ay pareho kaming matangkad. "Fine." Umalis na si ate Agnes dahil sa sinabi ko. Naramdaman ko ang kamay ni Gael na pumulupot sa bewang ko kaya napalingon ako sa kanya. Basang-basa ang buhok niya dahil sa pawis. "Maligo ka na daw." Sabi niya. Umirap ako. "Maliligo talaga ako, Gael. Tinatamad lang ako pumasok ngayon." Kumunot ang noo niya. "Alam mo bang ang sipag sipag mong mag-aral dati? Mahilig kang magbasa ng libro at nasisira ang araw mo kapag mababa ang nakukuha mong score sa exams." "Talaga?" Tanong ko kaya tumango siya. "Ilang beses mo na bang sinabi sa'kin 'yan?" Halos ngumiwi siya dahil doon. "Gusto ko lang na sana gano'n ka pa rin ngayon, gano'n kita nakilala e. Pero dati may pagka-suplada ka, kapag may lumapit sayo na lalake ay nag-iiba agad ang timpla ng mukha mo. Ngayon, lahat ng kumakausap sayo ay kinakausap mo rin. Naiinis na nga ako minsan." Tumawa siya. "At bakit?" "Wala naman." Aniya. "Maligo ka na, may pupuntahan tayo. Wag na tayong pumasok.." Namilog ang mata ko. "Lagot tayo kay ate.." "Akong bahala." Mayabang na sabi niya bago kumindat. Ngumisi na lang ako at tinulak siya ng mahina kaya nabitawan niya ako. Naligo na rin ako at gano'n din siya, pinaalam namin kay ate Agnes na papasok kami pero sa mall kami dumiretso kaya nagdala kami ng damit para ipampalit dahil naka-uniform kami. "Arcade?" Tanong niya agad kaya ngumisi ako. Alam na alam niya kung anong gusto ko, kapag nagpupunta kami ng mall ay hindi pwedeng hindi ako nagyayaya sa arcade. Magkasabay na dinampot namin ang dalawang baril na laruan ng shooting game machine. Nakatayo lang kami dito tapos babarilin namin 'yung mga kalaban na nasa screen. Hindi naman sa nagmamayabang pero highest score kami ni Gael dito, and everytime we're playing this. Everyone's watching us. Ni hindi nga kami namamatay dito, kami na lang ang nagsasawang dalawa at hahayaan na lang na mamatay ang character namin. "As usual.." Natatawang sabi ng cashier nung bumili kami ng maraming token. Halos kilala na kami ng lahat ng nagtatrabaho dito dahil suki kami. Hinila ni Gael ang bag ko para ilagay ang mga tokens sa bag ko kaya tinitigan ko siya ng masama. Naramdaman niya iyon kaya mula sa mga tokens ay nag-angat siya ng tingin. "Bakit?" Halakhak niya. "Mabigat ho iyan, mister." Sabi ko. Hindi siya sumagot saka tinanggal ang pagkakasabit ng bagpack ko sa balikat ko, sinabit niya iyon sa kaliwang balikat niya. "Sinabi ko bang ikaw ang magdadala?" Tanong niya kaya napailing na lang ako at nilagpasan siya. Inakbayan niya ako kaya tinignan ko siya sa gilid ng mata ko. Bagay na bagay sa kanya 'yung off-white bag ko na may mga nakasabit na furry keychains. "Magpalit muna tayo ng damit bago tayo maglaro." Sabi ko kaya tumango siya. Naka-uniform pa kasi kami, mahirap pa naman gumalaw-galaw kung naka-uniform ako. Pero okay lang naman kay Gael dahil polo lang naman 'yung kanya at pants, samantalang ako ay long sleeve polo and skirt. Kaurat nga gamitin minsan. Natapos na kong magpalit pero hinihintay ko pa si Gael dito sa labas ng comfort room. Parang babae na naman 'yung isang 'yon, nauna pa ako sa kanya! Pero base na rin sa nakikita ko, mukhang mahaba 'yung pila sa men's comfort room. I was tapping my shoe on the floor because of boredom when i heard someone's voice. "Vanna?" Gulat ang boses no'n. Agad akong napalingon at nakita ang isang handsome guy. His hair is very black and he's so white, nakasuot siya ng puting long sleeve na tinupi hanggang siko. Mapula ang labi niya at maganda ang hugis ng mata. Madilim ang mata niya kahit namimilog 'yon habang nakatingin sa'kin. "Y-yes?" Gulat kong tanong. Halos napapalingon ang lahat dahil sa kanya, iba ang dating ng aura niya. Para bang nakaka-intimidate. Para bang nakakatakot siyang lapitan. "S-savanna.." Namamaos ang boses na sabi niya. Kumunot ang noo ko, nanigas ako sa kinatatayuan ko nang bigla niya akong yakapin. Bakit niya ako niyayakap? Sino 'to? Mahina ko siyang naitulak bago humakbang ng isang beses paatras. Nanlaki ang mata ko nang makita na nagtutubig ang mata niya. Is he about to cry?! Sino ba ang lalakeng 'to? "I'm sorry.. but i think you got a wrong person." Sabi ko. "I'm Silvana, not Savanna.." "Savanna, it's me.." His voice are pleading. Nanginginig ito at namamaos, para bang ang lungkot-lungkot no'n. "I-it's..Silvana." Pagtatama ko pero wala siyang balak pansinin 'yon, lumapit pa siya kaya napahakbang na naman ako paatras. Naramdaman ko ang mahigpit na paghawak sa braso ko at alam kong si Gael 'yon. Hinila niya ako papunta sa gilid niya habang tiim ang bagang na nakatingin sa lalakeng nakatayo sa harap namin. "Anong ginagawa mo?" Galit na tanong ni Gael sa kanya. Kumunot ang noo nung lalake at unti-unting nagdilim ang mata niya. His jaw clenched. Hindi niya inaalis ang titig niya sa'kin at hindi ko alam kung bakit gano'n din ako. Nakakalunod 'yung mata niya at para bang kinakausap niya ako sa pamamagitan no'n. Sa unang pagkakataon mula nang maaksidente ako, ngayon ko lang naramdaman 'to. His gaze and his dark facial expression is very familiar. "Take your hands off her.." Utos nung lalake kay Gael, it was almost sounds like a warning. Halos kilabutan ako. "Kilala mo ba 'to, Vana?" Tanong ni Gael na sinisilip ako sa balikat niya. Napakagat ako ng labi habang tinititigan ang lalake sa harap namin. "N-no, hindi ko siya kilala.." Mahinang sagot ko. Napakapit ako ng mahigpit kay Gael nang lalong magdilim ang expression nung lalake. Nakakapagtaka na hindi takot ang nararamdaman ko ngayon. It maybe looks so scary, but for me he looks so hurt and he's hiding it. And i don't know how i see it that way. "See? Hindi ka kilala kaya pwede bang tigilan mo siya?" Galit pero may halong pangungutya 'yung boses ni Gael. Hinila niya ako patalikod pero napatigil rin kami dahil hinila ako sa kabilang braso nung lalake. Naririnig ko na ang pagmumura ni Gael at pinagtitinginan na kami ng mga tao, nakahawak si Gael sa kaliwang braso ko at 'yung lalake naman sa kanan. "P-pwede bang bitawan mo ako?" Tanong ko do'n sa lalake habang nilalayo 'yung braso ko sa kanya pero mas lalo niyang hinigpitan. Nanginginig ang kamay niya at ang init no'n. Ang familiar. "Savanna, please.." Nagmamakaawa ang boses niya. Natigilan ako. Bigla na lang kumabog ng malakas ang dibdib ko habang nakatingin sa mukha niya. Parang bigla na lang naglaho ang mga tao sa paligid, napalitan iyon ng mga pulis na pilit siyang hinihila palayo sa'kin. Nanikip ang dibdib ko, parang napaso na nilayo ko ang braso ko sa kanya kaya nabitawan niya. Naramdaman ko na inalalayan ako ni Gael dahil matutumba ako sa panlalambot ng tuhod ko. Hinila na niya ako palayo at hindi na sumunod 'yung lalake. I want to cry, i suddenly want to cry. My heart is aching so much at hindi ko alam kung bakit. ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD