XXXIII.
Kanina pa naninikip 'yung dibdib ko dahil pinipigil ko na umiyak. Nararamdaman kong lumilingon sa'kin si Gael pero hindi nagtatagal iyon dahil binabalik niya agad ang tingin sa kalsada.
"Ayos ka lang?" Tanong niya nung mag red light. Lumingon ako sa kanya kaya nakita kong nakakunot ang noo niya, nakapatong ang siko niya sa bintana sa gawi niya habang hawak ng isa ang manibela.
"Kilala ko ba 'yon?" Halos pumiyok ako nang magsalita ako. Binalik ko ang tingin sa labas ng bintana nung tumulo ang luha ko. Bakit ba ako umiiyak?! Bakit ba ako nagkakaganito? Who the hell was that guy? Bakit ang sakit ng puso ko ngayon? What did he do to me?
"Hindi." Aniya. "Hindi mo siya kilala, Vana."
Umiling ako habang humuhugot ng malalim na paghinga. Naninikip talaga ang dibdib ko, hindi ko maintindihan kung bakit ako nagkakaganito. Why does he look so familiar?
"Kaya ayoko na nakikipag usap ka sa kung kani-kanino e." Inis ang pagkakasabi ni Gael no'n. Nakita ko sa gilid ng mata ko na nakatiim ang bagang niya habang pinapaandar muli ang kotse.
Biglang tumunog 'yung phone niya na nasa dashboard kaya sabay kaming napalingon do'n, dinampot ko 'yon nang hindi nagpapaalam dahil ganito naman kami lagi.
"Si ate Agnes.." Sabi ko nung makita sa screen na si ate Agnes 'yung tumatawag. Tumango siya kaya nagdalawang isip ako na sinagot iyon, hindi kami pumasok ni Gael ngayon kahit ang paalam namin ay pumasok kami. I wonder kung nalaman niya ba.
"Hindi daw kayo pumasok?" Bungad niya agad kaya napangiwi ako bago lumingon kay Gael para manghingi ng tulong.
"Tinatamad daw pumasok si Vana e." Sabi ni Gael kaya nanlaki ang mata ko.
Ate Agnes tsk-ed. "It's okay, may mission kayong dalawa. Go to headquarter, i'll wait for you here.."
"Okay.." Sabi ko bago mag-end ang tawag. Lumingon ako kay Gael saka umakto na kukurutin siya sa braso kaya mabilis niyang nilayo iyon para umilag.
"Bakit gano'n ang sinabi mo?! Akala ko ba ikaw ang bahala?" Inis na tanong ko. May pakindat-kindat pa siyang nalalaman!
"Ano naman?" Chill na tanong niya. "Hindi naman nagalit e."
"Hindi lang siya nagalit kasi sumakto na may mission tayo, paano kung wala? Edi binungangaan ako no'n?"
Ngumisi siya. "Alam ko naman agad na meron, hindi tatawag 'yon kung wala. Tsaka malakas ka naman do'n e. Chill, baby.."
Napailing na lang ako at binaling ang ang tingin sa labas ng bintana na agad kong pinagsisihan dahil naalala ko na naman 'yung lalake kanina. Binalik ko na lang ang tingin kay Gael at nagkwento sa kanya tungkol sa nangyari sa'kin no'ng isang araw.
Gael likes it when i'm telling him how my day went, sabi niya hindi naman daw ako ganito kadaldal dati. He said i was more of a listener than a talker, kaya tinanong ko siya kung sino 'yung madalas na nagkukwento sa'kin dati. And he said that it's not him, nung tinanong ko kung sino--hindi niya ako sinagot.
Kapag nagtatanong ako sa kanya tungkol sa nakaraan ko, may mga bagay siyang sinasagot pero may mga bagay rin na hindi. Kaya palagi akong ganito, i feel incomplete. Parang laging may kulang pero hindi ko alam kung ano 'yon.
"Good afternoon, miss Silvana and sir Gael.." Bati nung nag-ooperate ng elevator pagkapasok namin ni Gael do'n. Pinindot niya 'yung number 9 button pero imbis na umakyat kami ay bumaba pa ito kahit nasa first floor naman kami.
Of course, nakatago ang APO's Headquarter. 30 feet under. Secret agency 'to na tanging members lang ang nakakaalam. Hindi alam ng ibang tao na may ganitong nag-e-exist. Elder na dito si ate Agnes at Gael pero hindi ako. But i'm 'one of the best' daw. Okay lang naman kung mababa ang posisyon ko, parang mataas na rin naman iyon dahil kapatid ko si ate Agnes at boyfriend ko naman si Gael. Medyo maingat ang mga members pagdating sa'kin.
Sinalubong agad kami ng bati pagkapasok namin, naabutan namin si ate Agnes na nakatingin sa malaking screen sa harap. Maraming nakahelerang computers sa gilid nito, may projector sa pinaka-dulo at mahabang lamesa sa gitna na punong-puno ng mga papel na naglalaman ng mga information ng mga targets namin. May dalawang bilog na coffee table sa tabi nito at stool chairs.
"Hello, Vana!" Kumakaway na bati ni Hana na nag-aayos ng mga folders sa gilid. Hana is a red haired girl, sobrang puti niya at maraming freckles sa pisnge niya. She has a crush on Gael and she's not denying it, wala naman kasing pakialam si Gael dahil sanay naman na siya at gano'n din ako.
"Hello!" Bati ko pabalik, napalingon sa'min si ate Agnes saka pareho kami ni Gael na pinasadahan niya ng tingin.
"Talagang nagpalit pa kayo, huh?" Nakataas ang kilay na sabi niya kaya siniko ko si Gael na nakahalukipkip sa tabi ko.
"Anong mission namin?" Tanong niya na sinadyang hindi pansinin 'yung sinabi ni ate Agnes at nag-cross arms bago sumandal sa mahabang lamesa katapat ng malaking screen. Naiiling na kinuha ko 'yung coffee na inaabot sa'kin ng assistant nila Gael at humigop do'n.
Tumikhim si ate Agnes at binalik ang tingin sa screen, may pinindot siya sa maliit na remote na hawak niya kaya lumitaw sa screen ang personal information ng isang tao.
"Dante Lopez.." Panimula ni ate Agnes. Nakalagay ang pangalan sa pinakataas at katapat nito ang isang picture. Itim ang buhok nito pero halatang matanda na, medyo bilugan ang mata at manipis ang labi.
"He's a business man, our client wants him dead because of the companies he owns. Business partners sila, magkikita ang client natin at ang target sa isang coffee shop tomorrow late afternoon to talk about business stuff." Aniya. "500,000 dollars for his death, alam kong para sa inyong dalawa ay madali 'to. Pero napapalibutan siya ng securities kaya you need to be careful."
"Anong saktong oras sila magkikita?" Tanong ni Gael.
"Exactly 5:30.." Tumango si Gael sa sagot ni ate Agnes. Kumamot siya sa leeg niya bago bumaling sa'kin.
"Sasama ka pa ba?" Tanong niya na nagpakunot ng noo ko.
"Why not?"
"Mas madali kapag ako lang mag-isa e." Sabi niya. "Bawas hassle.."
"So, hassle ako gano'n?!" Inis na tanong ko kaya napangisi siya.
"Hindi ba, Vana?"
"Hindi!"
"Edi hindi.." Halakhak niya. Inirapan ko na lang siya dahil do'n, nag-stay kami sa headquarter hanggang gabi. Nagpalipas lang ng oras dahil hindi naman kami pumasok at wala kaming magawa. Pumasok ako ng klase kinabukasan ng umaga kaya sinundo ako ni Gael ng tanghali para sabay na kami para makapaghanda sa mission namin.
"Uy. Gael, kamusta na?" Tanong ng isang babae na mahaba ang buhok, medyo makapal ang labi niya at maganda ang mata. She's one those many girls who adores Gael so much.
"Mabuti naman, Isabelle." Nakangising sagot ni Gael. Nakita ko ang pamumula ng pisnge ni Isabelle kaya pumito ako habang pinagmamasdan 'yung trash can sa harap ko.
Naramdaman ko ang paglingon nilang dalawa at ang mapang-asar na ngisi ni Gael.
"Oh, Vana. Nandyan ka pala?" Tonong nahihiya na sabi ni Isabelle kaya ngumiti ako sa kanya.
"Of course, Isabelle." Sarkastiko na sagot ko. "Lagi naman kaming magkasama, kaya nga nagulat ako na nagtaka ka pa na nandito ako. You know, he just can't live without me.." Tumawa ako.
"Ah, yeah?"
Naramdaman ko ang paghawak ni Gael sa bewang ko bago ako ilayo kay Isabelle. Tumatawa siya at hindi ko alam kung bakit, hindi ko na lang pinansin 'yon at napailing na lang. Kinuwento ko sa kanya habang nasa byahe kami kung gaano ako kaboring sa klase kanina, hindi talaga ako makapaniwala sa sinasabi ni Gael na sobrang sipag kong mag-aral dati. I mean, how did i end up like this?
Dumating kami sa isang open mall, may escalator papasok sa loob mismo ng mall kung gusto ng tao sa aircon. Nasipat na agad namin 'yung client namin na naghihintay sa loob ng coffee shop.
"Mag-ready ka na." Bulong ni Gael kaya tumingin ako sa wrist watch ko bago tumango. Inayos ko ang suot kong cap saka naiiling na naglakad palayo kay Gael matapos niya akong kindatan.
Planado na ang lahat, aakyat ako sa rooftop ng mataas na apartment na katapat nitong mall. Naka-ready na do'n ang sniper gun na gagamitin ko para i-target si Dante Lopez. Ako ang papatay sa kanya at si Gael na ang bahala kung magkagulo man ang mga security nito. Madali lang ang gagawin ko, siya naman ang halos iintindi ng lahat. We already planned everything, 'yung target na lang ang kulang.
Inayos ko 'yung earpiece ko sa tenga ko kung saan kami magko-communicate ni Gael. Palabas na ako ng mall nang may isang babae akong nabangga, nakita ko ang pagkunot ng noo niya habang pinupulot 'yung laman ng bag niya na nahulog.
Napakagat ako sa labi at lumuhod para tulungan siya kaya napaangat siya ng tingin. Natigilan ako nang bigla siyang napatitig sa'kin habang unti-unting nanlalaki ang mata.
Sobrang puti niya, maganda ang hugis ng labi niya at parang kumikinang ang mata niya. Mahaba ang pilikmata at mahaba ang straight niyang itim na buhok. Mamula-mula ang pisnge niya kahit halata naman na wala siyang kahit anong make up.
"Why?" Tanong ko. Napatakip siya sa bibig niya habang hindi inaalis ang tingin sa'kin, nanginginig ang kamay niya na tinuro ako.
"Y-you look like someone i know.." Nauutal na sabi niya kaya mabilis akong napatayo.
"Gosh, Mira! Stop pointing your damn finger at someone's face!" Galit na sabi ng isang babaeng palapit. Nakatuon ang atensyon niya sa babae sa harap ko na hanggang ngayon ay nakatitig pa rin sa'kin.
"Ate, she looks so much like ate Vanna.." Sabi ng kaharap ko kaya lalong kumunot ang noo ko. How did she know me?
"Nababaliw ka na naman." Bored na sabi nung tinawag na ate bago lumingon sa'kin. "I'm sor--Oh my gosh.." Gulat din na sambit niya nang magtama ang mata namin.
"See?!" Hindi makapaniwalang sabi nung nakabangga ko. "I see no difference, it scares me.."
"I-is this really you?" Namimilog ang mata na tanong niya. "Si Monique 'to.."
Gulat na umiling ako. "No, i'm Silvan--"
"S-sorry, sorry! It's impossible.." Pagputol niya sasabihin ko habang hinihimas ang sentido niya. "Sorry for the disturbance, may friend lang kami na kamukhang kamukha mo."
"W-what's her name?" Tanong ko.
"Savanna.." She answered. Napakagat ako sa labi ko, ayun din 'yung tinawag sa'kin ng lalake sa mall kahapon. Kakilala niya ba ang mga 'to? Paanong nagkaroon ako ng sobrang kamukha na napagkakamalan na nila na ako 'yon? May kakambal ba ako? Ano 'to?
"Vana.." Narinig ko 'yung boses ni Gael sa earpiece ko kaya napalingon ako sa gawi niya. He's standing in the middle of many people and yet he stands out without even trying. Halos trentang hakbang ang pagitan namin. Hinihimas niya ang ibabang labi niya habang pinapanood kami.
"Sorry, may nabangga lang ako.." Sabi ko bago tumalikod saka naglakad palayo. Naramdaman ko pa ang pagtitig ng dalawang babae sa'kin kanina. Halatang gulat na gulat sila at hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Coincidence lang naman diba? Kamukha ko lang talaga 'yung kaibigan nila.
Yes, that's right. Walang tinatago sa'kin sila Gael, hindi nila magagawa sa'kin 'yon.