XXXIV.
Kinakagat ang kuko na naglalakad akong palabas ng school. Nakatuon ang atensyon ko sa phone ko dahil may sini-search ako sa internet.
Savanna Cruz
Savanna Laurel
Savanna Yap
Savanna Bautista
Inis na napakamot ako sa ulo ko dahil sa frustration. Kanina ko pa sini-search ang pangalan na Savanna pero sobrang daming iba't-ibang tao ang lumalabas, paano ko nakalimutan itanong kung ano ang apelyido ng Savanna na sinasabi nila?! I'm freaking curious! Gusto kong makita kung kamukha ko ba talaga ang Savanna na iyon, kung anong klaseng tao ba siya, kung saang pamilya siya nanggaling at kung anu-ano pa.
Nag-pop up ang text ni Gael sa screen at sinabing hindi niya ako maihahatid pauwi ngayon dahil may klase pa siya. Napasimangot ako at nagreply na 'okay lang' bago pumara ng taxi. May sarili akong kotse pero hindi ko masyadong nagagamit 'yon dahil lagi ko naman kasama si Gael kaya kotse niya ang ginagamit namin kung saan-saan.
Isasara ko na dapat 'yung pinto ng taxi na sinakyan ko nang may humila no'n mula sa labas kaya hindi ko maisara. Biglang sumakay ang isang matangkad na lalake kaya mabilis akong napausog sa kabilang pinto.
Hindi niya ako nililingon kaya nagtatakang nakatitig ako sa kanya. Bakit siya sumakay sa taxi na may nakasakay nang pasahero? Hindi niya ba ako nakikita? Ano siya bulag?
"Hey.." Paghingi ko ng atensyon niya kaya mula sa phone niya ay nag-angat siya ng tingin kaya nagsalubong ang mata namin dalawa.
Bigla akong napapikit ng mariin dahil parang biglang kumirot 'yung sentido ko nang matitigan ko siya. Sobrang lalim ng mata niya, hindi siya sobrang puti, mataas ang ilong at parang mustache ang hugis ng labi. Kung 'yung lalake na nakita ko sa mall ay madilim ang mata at nakaka-intimidate. Ito naman ay ang mysterious, para niya akong binabasa gamit ang mata niya. He's handsome, parang ang lakas lakas ng karisma niya. Pero kakaiba siya tumingin. It feels like i'm being judge by him, he looks so scary. Pero hindi gano'n ang nararamdaman ko.
"Bakit?" Tanong niya.
"Nauna ako sa taxi na 'to.." Sabi ko bago lumingon sa driver na busy sa pagmamaneho. "Manong, bakit naman nagpapasakay po kayo ng ibang pasahero kung meron na?"
Nagulat 'yung driver at saglit na lumingon pero binalik din agad sa daan ang tingin dahil nagmamaneho siya.
"Hindi po ba kayo magkasama, ma'am?" Tanong niya kaya ngumiwi ako at umiling.
"Bababa rin agad ako.." Sabi nung lalake kaya napalingon ako sa kanya.
"Then, bakit ka pa sumakay in the first place?" Tanong ko. Lalong lumalim ang titig niya, para bang inoobserbahan niya ako. And it gave me chills. Tumango-tango siya na para bang may na-figure out siya.
"Do they treat you well?" Tanong niya na lalong nagpakunot ng noo ko.
"What do you mean?" Huminga siya ng malalim, inayos niya 'yung suot niyang jacket kaya kumalat ang amoy no'n dito sa loob ng taxi. Oh, it smells so familiar.
"I hope they do.." Mahinang sabi niya.
"W-what?" Naguguluhan na tanong ko. Ano bang sinasabi ng lalake na 'to? Kilala niya ba sila Gael? Si ate Agnes?
Hindi na siya sumagot at tumingin sa driver. "Bababa na ako dito."
Tumigil 'yung taxi kaya binuksan niya agad 'yung pinto at lumabas pero bago niya pa 'yon isara ay yumuko muna siya para silipin ako dito sa loob.
"Nice to meet you.." He said with a grin. "Billy Suarez.."
"H-huh?"
"I'm Billy Suarez.." He said then closed the door kaya umandar agad paalis 'yung taxi.
Billy Suarez. Pumikit ako saglit bago lumingon sa pinagbabaan ng lalake kanina na nagpakilala ng Billy Suarez. Pumasok siya sa loob ng Starbucks habang may pinipindot sa phone niya. Nakita ko na ba siya dati? Sikat ba siya? Model? Even his name is so familiar.
Umiling-iling na lang ako at pumikit. Bakit ba ang daming nag-aapproach sa'kin nitong mga nakaraang araw? Ang pinagkaiba lang ay itong Billy Suarez na 'to lang ang hindi halos nag-freak out. Yung lalake sa mall at 'yung magkapatid na babae. They looked at me as if they've seen a ghost. Na para bang patay ako na bigla na lang bumangon mula sa libingan.
Pero ang hindi ko makalimutan ay 'yung guy sa mall. He looks so hurt and desperate. He hugged me so tight as if he has been waiting for that to happen after a long long time.
"Saan po tayo ma'am?" Tanong nung driver kaya napalingon ako sa labas ng bintana. May daan sa kaliwa at kanan at may pa-diretso rin.
"Sa kanan po.." Sagot ko. Nagbuntong-hininga na lang ako at pinanood ang mga nadadaanan ng taxi na sinasakyan ko. Dahil sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayan na nandito na kami sa bahay namin ni ate Agnes. Kumuha ako ng pera sa wallet ko para magbayad.
Nang makaalis ang taxi ay natigilan ako nang makita ang nakasandal sa kotse na lalake sa harap mismo ng gate ng bahay namin. Naka v-neck shirt siya at jeans na hindi masyadong hapit sa legs niya. Nakalagay ang isa niyang kamay sa bulsa ng pantalon niya. Tulad ng pagkakakita ko sa kanya sa mall, sobrang linis niya pa rin tignan. And handsome..
Napaayos siya ng tayo nang makita niya ako. Here goes his sad and desperate eyes again. Napaiwas ako ng tingin nang kumirot ng konti ang puso ko, ito na naman 'yung pakiramdam na 'to.
"Savanna.."
"I-it's Silvana.." Pagtatama ko, umatras ako nung humakbang siya palapit. "Why are you here? Paano mo nalaman na dito ako nakatira? What do you want?"
He was taken a back for a second. Parang naghahanap siya ng isasagot.
"May gusto lang akong kunin.." Mahinahon na sabi niya kaya tumaas ang kilay ko.
"Ano 'yon?" Tanong ko. Lumapit siya at hinawakan ako sa balikat, pinihit niya ako patalikod sa kanya. May kinuha siya sa gilid ng bag ko kaya mabilis akong napatingin doon.
"This." Sabi niya habang pinapakita ang sobrang liit na tracking device. Alam ko 'yon dahil gumagamit kami nila Gael no'n minsan.
"H-how? Kailan mo inilagay 'yan?" Gulat na tanong ko. Hindi siya sumagot at nanatili lang na nakatitig, para bang gusto niyang kabisaduhin ang bawat features ng mukha ko. Magsasalita pa dapat ako kaya ibinuka ko ang bibig ko pero walang lumabas na boses do'n kaya isinira ko na lang ulit.
Mabilis na tinakpan ko ng braso ko ang mukha ko nang makita ko na nakatitig siya sa labi ko. Agad siyang nag-iwas ng tingin dahil doon habang kinakagat ang labi niya. Naririnig ko ang mahinang pagmumura niya na para bang pinapagalitan niya ang sarili niya dahil sa ginawa niyang pagtitig.
"W-why are you here? Hindi naman kita kilala, ano bang kailangan mo sa'kin?" Tanong ko kaya napalingon ulit siya. "Kung iniisip mo na ako 'yung Savanna na sinasabi mo, nagkakamali ka. I am not Savanna. I am Silvana Rivera, may kapatid ako na mas matanda sa'kin. Siya ang nag-alaga sa'kin simula nang mamatay ang parents namin. And, i have a boyfriend.."
Nagtiim ang bagang niya matapos kong sabihin 'yung huli kong sinabi. Humugot siya ng malalim na paghinga bago hinimas ang kaliwang dibdib niya na para bang pinapakalma niya ang sarili niya.
"Let's be friends.." Sabi niya kaya tumaas ang kilay ko.
"And why?" Gusto niya ba akong maging kaibigan dahil sa Savanna na 'yon? Ano ako proxy? Kahit sinasabi nila na magkamukha kami, sigurado naman ako na magkaiba kami ng ugali. Maraming nagmamahal sa kanya base na rin sa obserbasyon ko dahil maraming nakakakilala sa kanya.
Hindi tulad ko na maraming galit dahil 'flirt' daw ako. Masyado daw akong nagpapaka-friendly, lalo na sa guys. At isa pa, girlfriend daw kasi ako ni Gael Chavez. Ang mukhang babaero pero hindi naman. Para siyang cold na friendly, hindi ka niya ngingitian kung hindi mo siya nginitian, hindi ka niya kakausapin hangga't hindi mo siya kinakausap. Pero kapag inapproach mo siya, hindi magiging awkward. Because he's approachable.
"Wala akong kaibigan.." Aniya.
"Then why me? Marami namang iba diyan.." Sabi ko. Kumunot ang noo niya at ibinalik ang kamay niya sa bulsa ng pantalon niya. Mataman at straight na tumitig siya sa mata ko.
"Dahil ikaw lang ang gusto ko." Sagot niya kaya napakagat ako sa labi ko habang hinihimas ko ang palad ko.
"W-what's your name?" Tanong ko kaya nagliwanag bigla ang mukha niya.
"Kyle.." Sagot niya. "Kyle Vergara."
Tumango-tango ako. "Kyle..okay." I breathed. "I'm Silvana, you can just call me Vana. Ayan ang tinatawag sa'kin ng mga nakakakilala sa'kin.."
He unconciously licked his lower lip and bit it. I wish he could stop doing that, i feel something weird when he's playing with his lips. Tumango siya at nilahad ang kamay niya.
"S-so..we're friends now?" Tanong ko bago tanggapin 'yung kamay niya. It is warm and soft. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko at huminga ng malalim.
"Oh, damn. I miss your touches.." Pabulong na sabi niya kaya inalayo ko agad ang kamay ko at nilapit ko naman ng konti ang tenga ko sa kanya.
"What was it?" Tanong ko. Sana mali 'yung narinig ko, sana bawiin niya. Please, kumakabog ng malakas ang dibdib ko ngayon. Hindi ko alam kung titigil 'to at hindi ko 'to nagugustuhan.
He almost kept a straight face. "Don't make me repeat it. I'm trying so hard to hold myself back and it's already killing me. So, please..don't mind those kind of words that is coming out of my mouth. Help me, alright? I don't wanna lose myself in front of you again."
ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ