XXXV.
Ilang araw na mula nang nagpakilala ang Kyle Vergara na 'yon at inalok ako na maging kaibigan niya. Pero simula no'n ay hindi ko na siya nakita ulit. But after that day, kung anu-ano na ang napapanaginipan ko.
May group of people na lagi kong kasama, we go to the same school, i eat with them, go to the outing with them. And the strange things is, blurred lahat ang mukha nila. Then magigising na lang ako bigla na ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Meron pa nga yung pumasok daw ako ng isang bahay tapos pagkapasok ko sa kwarto ay may patay do'n. Hindi ko alam kung lalake o babae 'yon pero nagising na lang ako na umiiyak ako.
Madalas din sumakit ang ulo ko nitong nakaraang araw kaya pinagpapahinga muna ako nila ate Agnes. Bumuntong-hininga na lang ako habang naglalakad palabas ng gate ng school, may pupuntahan pa ako kasi ako ang nautusan na bumili ng materials para sa group project namin. Dalawang araw kasi akong absent kaya sa'kin pinagawa 'yon.
Malayo pa lang ay napatigil na ako nang makita ang pamilyar na mukha sa gilid ng gate ng school. It's him. Nakakunot ang noo niya habang nakasandal sa white wall. Nasa bulsa niya ang isang kamay niya at hawak naman ang phone niya ng isa. Pinagtitinginan siya, siguro kasi bago ang mukha nya dahil hindi naman siya dito nag-aaral. Kahit ako siguro ang mapadaan sa kanya ay mapapalingon talaga ako.
Nakatuon ang atensyon niya sa phone niya pero napalingon siya nang maramdaman niya ang pagtitig ko. Nawala ang kunot ng noo niya nang magtama ang mata namin, may namuo na maliit na ngisi sa labi niya kaya nahihiya na nag-iwas ako ng tingin habang palapit ako sa kanya.
"Savanna.." Tawag niya kaya napangiti ako ng hilaw.
"It's Silvana.." Pagtatama ko kaya natigilan siya saglit at napakagat sa labi. "Hmm, why are you here?"
"Wala...lang." Mabagal na sagot niya. Nararamdaman ko ang titig sa'min ng mga estudyante. Siguro nagtataka sila kung sino 'tong lalake na kausap ko samantalang boyfriend ko si Gael. Pakialam ba nila?! Bawal ba akong makipag-kaibigan?
"Wala ka bang pinagkakaabalahan?" Tanong ko kaya umiling siya. Binaling ko ang tingin sa itim na kotse na nakaparada sa gilid niya. "Is this yours?"
"Oo, gusto mo bang sumabay?" Tanong niya kaya saglit akong napaisip. Busy si Gael ngayon dahil may mission na binigay sa kanya si ate Agnes, kung maaari ay gusto ko na may kasama ako. Kumamot ako sa ulo at ngumiti.
"Pwede bang samahan mo ako?" His face lit up when i asked him. Para bang hinihintay niya lang na tanungin ko siya ng gano'n. Tumango siya bago patunugin ang kotse niya kaya sumakay na ako. His car smells so freaking good, naghahalo ang air freshener at ang amoy niya. Nagpunta kami sa isang mall pero hindi namin nabili ang lahat dahil kulang ang mga materials na nando'n. May sinuggest siya na isang mall na pinagbibilhan niya ng mga kung anu-ano at meron daw doon lahat kaya pumayag ako.
Kaso nga lang, ang layo. Halos isang oras ang binyahe namin kahit hindi naman traffic. Saglit akong tumigil pagkababa ko ng kotse, sobrang laki ng mall na 'to at ang familiar. Hindi pa naman ako nakakapunta dito, i wonder kung nakita ko ba 'to sa news.
"Ano pa bang kailangan mong bilhin?" Tanong ni Kyle pagkapasok namin. Tumingin ako sa mahabang list na hawak ko.
"Trapper keeper binder." Sagot ko. Tumango siya at nauna na kaya sinundan ko siya. Sobrang laki ng mall na 'to, bakit ba ang familiar ng lahat? Parang kahit hindi ko sundan si Kyle, parang alam ko na kung saan ako dapat pumunta.
Binili namin lahat ng mga kulang na nasa list bago magpunta sa isang coffees shoppe, siguro nakakasawa na dahil paulit ulit na ako pero ito ang pinaka-pamilyar sa lahat! Yung interior, 'yung aesthetic theme, 'yung ambiance. Para bang ilang beses na akong nakapunta dito.
Napatitig ako sa pinaka-dulong part ng coffee shoppe, nakaupo ang isang babae doon. Mahaba ang itim at straight nitong buhok. Nagbabasa siya ng isang makapal na libro. May coffee sa harap niya na halos hindi nagagalaw, may isang guy na bigla na lang umupo sa harap niya kaya kumunot ang noo niya bago siya napaangat ng tingin.
"Vana?" Bigla akong napalingon kay Kyle nung nagsalita siya. Tinanong niya ako kung anong order ko kaya sinagot ko siya ng americano. Saglit na kumunot ang noo niya. "You'd never like americano.."
"Huh?" Nagtatakang tanong ko.
"Wala.." Mahinang sagot niya bago mag-order. Ngumiti na lang ako saka binalik ang tingin sa table na kanina ko pa tinititigan pero wala naman tao doon. What? Halucination ko lang 'yon? Kung anu-ano na naman ang nakikita ko.
"Mauuna na ako sa table? Baka maunahan tayo.." Paalam ko kay Kyle kaya mabagal siyang tumango. Nagpunta ako sa table na kanina ko pa tinitignan, pinapanood ko lang si Kyle na kausap na 'yung cashier. Ang lamig na naman ng awra niya, bawat lumalabas na salita sa bibig niya ay parang ang lamig lamig no'n. May mga napapatingin sa kanya pero halos makita ko na 'yung invisible wall na nakaharang sa kanya. He's warm and cold at the same time.
"Vanna?" Agad akong napalingon sa gilid ko nang may tumawag sa'kin. Tatlong babae sila na naka-uniform ng isang sikat na school, gulat ang mukha nila. Para bang nakakita sila ng isang matagal nang nawawalang tao na sa wakas ay nahanap na nila.
"Yes?"
"Vanna, ikaw 'yan?" Gulat na tanong nung isa bago hampasin ang balikat ng katabi niya. "Sabi sa inyo hindi totoo 'yung tsismis e! Look!"
"Akala ko talaga totoo! Eh yung mga friends na kasi niya ang nagsabi.." Sabi naman nung isa.
"Tsismis? Anong tsismis?" Nagtatakang tanong ko. Ano bang sinasabi ng mga 'to? Sino ba sila? Sinong friends ko?
Magsasalita pa dapat 'yung isa para sumagot pero sumara rin ang bibig niya nang makita na lumalapit na si Kyle dito, mas lalong nagulat ang mga itsura nila. Nagpaalam sila sa'kin saka nagbubulungan na lumayo.
Binaling ko na lang ang tingin kay Kyle, pinatong niya ang coffee sa table saka umupo.
"Wala ka bang klase ngayon?" Umiling siya sa tanong ko. Naka-itim siya ngayon, lalo tuloy siyang pumuti tignan. Humigop siya sa coffee niya kaya napapikit siya ng konti dahil mainit 'yon, para namang pakpak ng ibon na humampas ang mahahaba niyang pilikmata. Nakakainggit talaga 'yung mata niya, hindi ko alam pero ang sarap sarap no'n titigan.
"Can i get your number?" Tanong niya kaya nahihiya na nag-iwas ako ng tingin. Napatitig ba ako ng matagal at nahalata niya iyon? Nakakahiya! Wala sa sarili na tumango ako bago iabot ang phone ko sa kanya na tinanggap niya naman, may pinindot-pindot siya do'n kaya maya-maya ay tumunog ang phone niya na nakapatong sa lamesa.
Naaninag ko na number ko 'yon, so tinawagan niya ako para makuha niya 'yung number ko. Ngayong iniisip ko, ang tanga ko pala. Hinihingi niya 'yung number ko pero phone ko 'yung binigay ko sa kanya! Why is that, Silvana?
Nakangiwi na kinuha ko 'yung phone ko nung binalik niya 'yon. Muntik ko pang matabig 'yung coffee ko kaya lalo akong napangiwi at napapikit na lang ng mariin. Come on, Silvana! What are you doing?! Hindi ka naman ganito ah!
I heard him chuckled. "You acted the same way.."
"What?" Tanong ko. Hindi siya sumagot pero nanatiling nakatitig sa'kin, para bang pinapanood niya ako. May ngisi sa labi niya na para bang na-aamaze siya sa nakikita niya. Mabagal siyang umiling-iling habang pinapatunog niya ang kuko niya sa hawakan ng mug ng coffee niya.
"You're giving me anxiety.." Sabi ko.
Nagpangalumbaba siya nang hindi inaalis ang tingin sa'kin. "Is it bad?" He asked.
I stared at him. Nararamdaman ko ang malakas na pagkabog ng dibdib ko, parang may kung ano na nagwawala sa tiyan ko. Simula ng mawala ang memory ko, ngayon ko lang naramdaman 'to. Gael made me blush a thousand times, but what i'm feeling right now is different. It feels like my whole body is melting and it's scary.
"No.." Wala sa sarili na umiling ako bago nagsalita ulit."I like it.."
ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ