thirty six

1727 Words
XXXVI. Malayo pa lang ay nakikita ko na si Gael na nakasandal sa railings ng waiting shed, nilalaro niya ang paa niya habang pinagmamasdan niya iyon. Nakalagay ang dalawang kamay niya sa bulsa niya. Minsan ay mag-aangat siya ng tingin para batiin pabalik ang mga bumabati sa kanya na napapadaan lang. Dahil malakas ang pakiramdam niya ay naramdaman niya ang pagtitig ko, napangisi siya nang makita niya na nagmamadali ako palapit sa kanya. Nang malapit na ako ay binuka niya ang dalawa niyang kamay para salubungin ako ng yakap. "Kanina ka pa?" Tanong ko saka kumalas sa pagkakayakap. Ngumuso siya at tumango kaya napangisi ako. "Maaga natapos ang klase mo?" "Oo, minadali ng prof dahil may lakad siya. Sabi naman niya wag muna kaming umuwi pero umalis na ko.." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako para maglakad papunta sa parking lot, nasa school pa rin kami pero hindi kasi nahihiya si Gael na holding hands kaming naglalakad dito kaya nasanay na ako. He unconciously fixed my blonde hair. "Mahaba na masyado ang buhok mo, wala ka bang balak magpagupit?" "No, i like it this way.." Sabi ko. Halos abot na sa pwet ang buhok ko, makapal ang buhok ko at straight. Tapos blonde pa kaya laging napapansin ng mga tao, hindi ko alam kung bakit ayokong magpagupit. Itim ang buhok ko dati pero hindi ako mapakali kaya ako nagpakulay. Napako sa kinatatayuan ko nang makita sa hindi kalayuan si Kyle. Nakatiim ang bagang at galit ang mata na nakatingin sa gawi namin. Nakatayo lang siya sa kung saan niya ako hinintay nung nakaraan, nakasandal siya sa kotse niya habang hawak ang phone niya. Bumaba ang tingin niya sa kamay namin ni Gael na magkahawak kaya wala sa sarili na binitawan ko ang kamay nito. "Silvana.." Nagtataka ang tono na sabi ni Gael dahil sa ginawa ko. Ngumiwi ako at umakto na parang aayusin ang buhok ko. "I-i suddenly want to cut my hair, sobrang haba na nga.." Pagdadahilan ko habang sinusuklay ng daliri ang buhok ko para ipusod iyon. Pinanood ako ni Gael na ginagawa ko iyon, pero napansin niya na may tinitignan ako. Nung lumingon siya sa gawi ni Kyle ay umaandar na ang kotse nito palayo. Hindi niya naman siya nakita, diba? Dang it! Bakit ganito ako kung mag-react? Hindi naman ako nanloloko! Bakit binitawan ko ang kamay ni Gael nung nakita kong nakatingin sa'min si Kyle? Iba 'yung naramdaman ko, parang mali..parang mali na hinahawakan ko ang kamay ni Gael. "Vana, namumutla ka." Hinawakan ni Gael ang mukha ko kaya halos mapatalon ako, gulat na inilayo niya ang kamay niya habang nakakunot ang noo. "Ayos lang ako.." Nakangiting sabi ko at nauna nang naglakad papunta sa parking lot. Pinilit ko na hindi mag-isip sa buong byahe, kinwento ko kay Gael lahat ng nangyari sa'kin buong araw para makalimutan ang takot na naramdaman ko kanina. Damn, that Kyle Vergara is literally giving me an extreme anxiety! Sobrang lala ng epekto niya sakin. Nakokonsensya ako dahil hindi ko nararamdaman kay Gael ito, siya ang boyfriend ko kaya dapat siya ang may malakas na epekto sa'kin. Mahal ko si Gael at hindi ko alam kung bakit kakaiba ang t***k ng puso ko kapag nandyan si Kyle. Dammit! Hindi pwedeng nagkagusto na lang ako sa kanya diba? Bilang na bilang sa isa kong kamay kung ilang beses pa lang kaming nagkikita at alam ko sa sarili ko na hindi ako ganito kabilis mahulog sa isang tao. This is cheating. "Vana, bago ko makalimutan. Magpunta ka daw sa headquarter mamaya, o gusto mong magpunta na tayo do'n ngayon?" Lumingon ako kay Gael na nagmamaneho. "May mission?" Tanong ko. "Hindi ko alam, pero malapit na ang birthday ni Ate Agnes.." Aniya. "May naisip ka na ba na regalo para sa kanya?" Ngumuso ako. Ilang araw na lang ay birthday na ni Ate Agnes, hindi ko alam kung anong ireregalo ko sa kanya dahil kayang-kaya niya naman bilhin ang lahat. Nung nakaraang birthday niya ay niregalo ko sa kanya ang isang mamahalin na sapatos, hanggang ngayon ay isanh beses niya pa lang yata nagagamit dahil sa dami ng magaganda niyang sapatos. "Hindi ko pa alam, ikaw?" Tanong ko kaya tumatawa na umiling siya. Kailan ba siya nag-regalo kay ate Agnes? Sabi niya ay wala lang talaga siyang maisip kaya nagdedesisyon siya na wag na lang mag bigay. "Again?" Tumaas ang kilay ko. "Bakit sa'kin may naiisip ka? Nung birthday ko, nung christmas, nung new year and nung Valentines day. Lahat meron kang regalo sa'kin.." "Dahil ikaw 'yan, Vana." Kinagat niya ang labi niya. "Basta para sayo laging may paraan, i would kill to get you a gift if that's what you want!" Halakhak niya. "You shouldn't do that.." Naiiling na sabi ko habang pinipigil ang tawa. Marami ang nasa headquarter pagkadating namin, as usual. Nandoon si Hana at ang ibang agent na busy sa computer na agad kaming binati ni Gael. "Hey, girl.." Bati ng sexy'ng si Janine, matagal na siyang agent ng APO at isa siya sa pinaka-pinagkakatiwalaan nila ate Agnes. Tulad ni Gael ay malinis siyang magtrabaho kaya isa siya sa mga Elders. Alam kong hindi niya ako gusto at hindi ko alam kung bakit kaso wala naman akong pakialam. "Hey!" Maligayang bati ko kaya tumaas ang kilay niya. Nginisian ko siya bago batiin si Hana na nakamasid sa'min. "May regalo ka na ba kay Ma'am Agnes?" Tanong niya nung umupo ako sa tabi niya. Nagpangalumbaba ako at umiling kaya natawa siya ng mahina. Lumingon siya kay ate Agnes na busy sa pakikipag-usap kay Gael. "Wala rin kaming maisip kaya nagplano na lang kami nila Bianca na susurpresahin namin si Ma'am Agnes.." Bulong niya. "Anong klaseng surprise?" Tanong ko. "The usual birthday surprise." Aniya. "Maghahanda kami dito habang wala siya then pagdating niya.. Tada!" "Hana, come here.." Mabilis na napatayo si Hana nang marinig ang boses ni Ate Agnes. Nagmamadali siyang lumapit dito nang hindi ako nililingon. Istrikto pero mabait na boss si ate Agnes kaya kahit na takot sa kanya ang lahat ay mahal naman siya ng mga ito. Lahat kasi ng nagtatrabaho sa agency na 'to ay hindi niya pinapabayaan kaya malaki rin ang utang na loob ng iba sa kanya. Nilingon ko si Gael na kinakausap si Janine, may pinag-uusapan sila tungkol sa mission na binigay sa isang agent at nagkaroon ng problema. Ngumuso ako at tumingin sa monitor ng computer ni Hana, may information ng isang tao na mukhang inaasikaso niya ngayon. Ito ang trabaho ni Hana, ang mag-research ng information tungkol sa mga target namin. Nilingon ko si Tyler na busy sa kabilang computer, hindi ko nakikita ang ginagawa niya dahil magkaharap kami at nakatalikod ang computer niya sa'kin. Siya ang best hacker ng APO, lahat na yata ay kaya niyang i-hack. Kahit mga CCTV ng kahit saang lugar, kaya madali namin na nahahanap ang mga target na nakakatakas. "Yes, Silvana?" Tumaas ang kilay niya kaya ngumiti ako at umiling. Half Australian si Tyler kaya blue ang mata niya, matangos ang ilong at mapula ang labi. Matangkad si Gael pero mas matangkad siya at sobrang puti. Nginitian ko na lang siya bago ibalik ang tingin sa monitor ng computer ni Hana. Busy pa sila Gael kaya kinalikot ko muna itong computer, may folder dito na naglalaman ng information ng mga naging target namin. Karamihan ay mga business personalities at politiko na pinapapatay, lahat talaga ay gagawin ng mga tao para sa pera. Pera na lang kasi ang nagpapaikot sa lahat ngayon. Tumigil ang mata ko sa isang pangalan na nabasa ko. Name: Ynna Savanna Castro. Nanlamig ako nang makita ang maliit na picture nito sa gilid. This can't be me, right? Akong ako 'to na itim lang ang buhok! Yung mata, ilong, bibig. Kambal ko ba 'to? Pero kahit kambal ay hindi magiging ganito kalala ang similarities! Malakas ang kabog ng dibdib na nag-scroll down ako. Kinagat ko ang labi ko habang iniisip 'yung mga taong tinatawag akong Savanna. Yung dalawang magkapatid, si Kyle.. Nilingon ko sila Gael na busy pa rin sa pag uusap, ni-print ko 'yung information na 'to kaya nalaman kong isang taon pa lang ang file na ito. At isang taon pa lang mula ng mawala ang memories ko! Mabilis kong nilukot ang na-print ko nang maramdaman ang presensya ng tao sa likod ko, ibinulsa ko iyon at nilingon si ate Agnes na nakatingin sa'kin. "Anong ginagawa mo?" Tanong niya kaya hilaw na ngumiti ako. "Tumitingin-tingin lang.." Nilingon ko si Gael na palapit na sa'min. "So, bakit mo kami pinatawag?" "Ikaw lang ang pinatawag ko.." Ani ate Agnes. "Ewan ko ba kung bakit sumama 'tong Gael na 'to." Kumunot ang noo ni Gael kaya tumaas ang kilay ni ate Agnes. Tumawa na lang ako at nakinig sa mission na gagawin ko ngayon. Name: Isabelle Torres Mabilis akong napalingon kay Gael nang makita ito. Si Isabelle 'yung schoolmate namin ni Gael! Bakit target namin siya ngayon? "Sino ang client?" Tanong ko. "The school principal." Nakangising sagot ni ate Agnes. Napanganga ako, bakit gustong ipapatay ng school principal ang estudyante ng school niya? Isabelle is a b***h, hindi ko na itatanggi pero anong dahilan kung bakit gusto itong ipapatay? "Ayaw mo ba? Ibibigay ko na lang sa iba.." Ani ate Agnes bago lingunin si Janine na nakaupo sa likod. Sadista si Janine, malinis siyang magtrabaho pero gusto niyang nahihirapan muna ang target niya bago ito mamatay. Hindi tulad ni Gael na mabilisan kaya naging gano'n din ako. Umiling ako. "Ako na ang gagawa.." "Great," Sinuklay niya ng mahaba niyang kuko ang buhok niya. "The client wants it tomorrow morning.." Ngumuso ako at tumango. May klase ako bukas ng umaga at mayroon din akong mission, mukhang magiging busy ako bukas. ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD