thirty seven

1758 Words
XXXVII. "You may take your break.." Hindi pa tapos magsalita ang prof ay nagtatayuan na ang mga estudyante. Napailing na lang ako habang inaayos ang gamit ko saka lumabas. Sumilip ako sa railings ng building para tignan ang paligid. Hinanap agad ng mata ko ang target ko ngayong araw. Isabelle Torres. Sinundan ko siya ng tingin na lumalabas ng room, nakikipagtawanan sa mga sosyalera rin na friends niya. I'm so sorry, Isabelle. Trabaho lang, walang personalan. Pagkalabas ko ng building ay hindi sinasadyang nakita ko ang School Principal, nakangiti siya habang tinatanguan ang mga estudyante na bumabati sa kanya. Medyo may katandaan na siya pero halata na malakas pa rin, binati ko siya nang mapalingon siya sa'kin. She looks so young despite of being in mid 50's. Wala siyang idea na sa'kin ibinigay ang mission na gusto niyang ipagawa, she wants Isabelle dead. Dito mismo sa school. Hindi niya rin naman alam na may agent ng APO sa school na 'to, alam kong wala dahil kung may makakilala sa'min ni Gael bilang agent ng APO--hindi sila hahayaan na mabuhay nila ate Agnes. Ano kayang dahilan kung bakit gusto niyang mawala si Isabelle? Hinawi ko ang buhok ko at naglakad patungo sa cafeteria dahil doon ko nakita na nagpunta sila Isabelle. Naramdaman ko na nag-vibrate ang phone ko at nakita sa screen ang pangalan ni Gael na tumatawag. "Hey.." Bati ko habang tinatapunan ng tingin si Isabelle na bumibili ng strawberry shake. "At your three o'clock..." Napalingon ako sa kanan ko dahil sa sinabi ni Gael. Nakita ko siya doon sa dulo ng cafeteria, prenteng nakasandal sa upuan kasama ang mga kaibigan niya. Nakalagay ang phone niya sa tenga niya habang nakangisi na nakatingin sa'kin. Napangisi rin ako nang bigla siyang kumindat. "Come on, Gael. You're distracting me!" Reklamo ko habang sinusundan ng tingin si Isabelle na palabas na ulit ng cafeteria. Narinig ko ang pagtawa niya kaya lumingon ulit ako sa kanya na pinaglalaruan ng daliri ang labi niya, pinandilatan ko siya ng mata at saka pinatay ang tawag. Kinagat niya ang labi niya para pigilan ang pagtawa kaya inirapan ko siya at tumalikod para sundan si Isabelle. "Girls, sunod na lang ako sa inyo. I need to go to the locker room.." Tinapunan ko ng tingin si Isabelle na kinakausap ang mga friends niya. Locker room? Talking about luck, mas madali kung sa locker room siya magpupunta dahil walang masyadong tao lagi doon. Nauna na ako sa locker room habang nililibot ang tingin sa paligid. Walang tao. Great. Umupo ako sa upuan sa gitna para magpanggap na nagre-retouch, maya maya lang ay bumukas ang pinto ng locker room at pumasok si Isabelle. Tumaas ang kilay niya nang makita ako. "Hey, Vana. Nandito ka pala.." Maarteng sabi niya. "Obviously!" Maligayang sabi ko. Sarkastikong ngumiti siya habang binubuksan ang locker niya. Kinuha ko ang swiss knife na nakaipit sa sapatos ko saka tumayo para lumapit sa kanya. Wala siyang kaalam-alam, hindi ko alam kung kailan nawala ang konsensya na nararamdaman ko--isang taon ang nakakaraan. Wala na kong nararamdaman na awa, pinilit ko kasing ipasok sa isip ko na simula bata pa lang ako ay ganito na ko. Na ito na ang kinalakihan kong buhay, tumatapos ng buhay ng ibang tao para magpatuloy sa sariling buhay. Pilit kong tinatak sa isip ko na may malalalim na dahilan ang lahat ng kliyente namin kaya umabot sa punto na gusto na nilang mawala ito. Dalawang hakbang na lang ang agwat ko kay Isabelle, hahawakan ko na siya sa leeg para gilitan siya doon nang biglang bumukas ang pinto. Mabilis kong itinago ang maliit na kutsilyo na hawak ko at tinalikuran si Isabelle. "Hmm... why?" Mabait ang tono na tanong ni Isabelle sa nagbukas ng pinto. Hinawi ko ang buhok ko para lingunin kung sino man iyon pero tumigil ang kamay ko sa ere nang makita kung sino 'yon. Nanlamig ang buong katawan ko nang makita ang madilim na mata ni Kyle Vergara, hindi siya sa'kin nakatingin kundi sa sapatos ko na pinagtaguan ko ng swiss knife na gagamitin ko dapat kay Isabelle. Bakit siya nandito?! Ni hindi niya 'to school para mapunta siya rito! Magkakilala ba sila ni Isabelle? Si Isabelle ba ang pinunta niya? Ano niya siya? Girlfriend? Couzin? Nilibot niya ang tingin sa buong locker room, tumigil ang mata niya sa'kin ng ilang segundo kaya naramdaman ko ang pagtaas ng mga balahibo ko. Agad niya rin na binawi ang tingin sa'kin bago isara ang pinto saka umalis, hindi pinansin ang tanong ni Isabelle. "Oh my gosh, do you know him?" Hindi maitago ang kilig sa boses ni Isabelle. "Transferee? Bakit hindi ko siya kilala? Damn! He's freaking hot!" Hindi ko pinansin si Isabelle dahil may pumasok na na ibang estudyante. Kinagat ko ang labi ko at dinampot ang bag ko sa mahabang upuan. s**t. May alam ba ang Kyle na 'yon? No, imposible. Walang nakakaalam nito kundi agents ng APO. Coincidence lang na pumasok siya sa locker room na 'to kung saan ko dapat papatayin si Isabelle. Lumabas ako ng locker room at nilibot ang tingin sa paligid pero wala na siya. Napasandal ako sa dingding, nanlalambot ang tuhod ko. He warned me! He warned me with those freaking dark eyes of his! Kinagat ko ang labi ko at nilingon si Isabelle na lumabas na din ng locker room, may kausap sa phone. "Yeah, yeah.. I'll be there, restroom lang saglit." Sabi niya sa kausap niya. May sinabi pa siya pero hindi ko na narinig dahil naglakad na siya palayo. Huminga ako ng malalim at sinundan si Isabelle nang hindi niya nahahalata, maraming estudyante sa paligid kaya hindi niya mapapansin na may sumusunod sa kanya. Magka-text kami ni Gael habang sumusunod ako. From Gael: Failed? Me: Well yes, hindi naman ako kasing galing mo. Pumasok na si Isabelle sa restroom, tumayo muna ako dito sa labas at nakiramdam sa paligid. Nag-reply pa si Gael ng isang beses kay binasa ko iyon. From Gael: Want a one on one training from me, lady? :) Napailing na lang ako at nag-type ng reply. Namilog ang mata at bibig ko nang may biglang tumapik ng phone ko kaya tumalsik iyon pataas, sasaluhin ko na dapat iyon pero may nauna na. Hindi ko na maiwasan na kagatin ang labi ko kahit kamay palang niya ang nakikita ko. Kahit nanginginig ang labi ay hindi ko maiwasan na pasadahan ng tingin ang kabuuan niya, nakasuot siya ng faded jeans at itim na plain v neck shirt. Amoy na amoy ang mabango niyang pabango. This Kyle Vergara! "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko, hindi pinahalata ang kaba. Kinuha ko 'yung phone ko sa kamay niya at hinayaan niya iyon. Hindi siya sumagot sa tanong ko kaya nag angat ako ng tingin. Humigpit ang hawak ko sa phone ko nang magtama ang mata namin, nakakatakot ang mata niya sa malapitan pero ang sarap tignan nito. He really has dark eyes, the kind you could get lost in and it feels okay. "Stop.." Sambit niya. Halos mapapikit ako sa amoy ng hininga niya, naghalo ang mentol at sigarilyo. Darn it! "Stop..what?" Tanong ko. Nagtiim ang bagang niya at halos naging guhit na lang ang labi niya. Naging malumanay ang mata niya at parang nangungusap. "Stop it, please, Vana.." His voice was husky. "I can't watch you like this..i just can't." He knows something. Alam niya kung ano ang balak kong gawin ngayon, alam niyang may gagawin ako kay Isabelle. Alam niya na papatay ako ng tao at pinipigilan niya ako. Pero paano? Kung alam niya ito, ibig sabihin ay hindi siya normal na tao lang. Pwedeng kasama rin siya sa isang organization or pwedeng agent din siya. "Who are you?" Nanunuri ang mata na tanong ko. Nag iwas siya ng tingin at marahan na binasa ang labi niya gamit ang dila niya. Sinuklay niya ang buhok niya gamit ang mga daliri niya. "I want to ask you that question, Silvana.." Naghahamon ang boses niya. "Think carefully. Who do you f*****g think i am?" Natigilan ako. Tinatanong niya ako kung sino siya? Siya si Kyle Vergara! Hindi ko alam! Hindi ko alam kung sino siya pero malakas ang epekto niya sa'kin. Parang.. parang kaya niya akong kontrolin. Sa tingin ko ay kapag sinabi niya pa ang salitang 'stop' ay hindi na ako mag iisip at sasabihin kila ate Agnes na failed ang mission na ibinigay nila sa'kin, na hindi ko nagawa ito dahil pinigilan ako ng isang lalakeng tanging pangalan lang ang alam ko. "You're Kyle Vergara.." Sagot ko bago lumunok ng laway. "Now, please.. Go away and mind your own business." "Yes, i am.." He nodded, biting his lower lip. "And i can't just go away and mind my own business. I wouldn't let you kill that woman, Vana." Gusto ko siyang sigawan. Gusto kong sabihin na ano bang pakialam niya sa'kin? Bakit ba siya nandito at ginugulo ako?! But i can't. Para akong nahihipnotismo sa tingin niya, nakakapanghina. Nakakapanlumo kasi parang wala akong kalaban laban kahit sa salita pa lang niya. This sucks big time! Nagtiim ang bagang ko nang makita na lumabas na ng restroom si Isabelle. Nararamdaman ko na pinapanood ako ni Kyle at hindi ako makagalaw dahil doon. Talagang hahayaan ko na lang?! Napapikit ako ng mariin nang makita si ate Agnes na tumatawag sa phone ko. Nanginginig ang kamay na sinagot ko iyon. "How's it going? I bet you've done it already, Isabelle Torres is way too easy for you.." Lumingon ako kay Kyle. Alam kong hindi niya naririnig si ate Agnes pero pinapanood niya ang reaksyon ko. The hell. What does he think he's doing?! Kinagat ko ang labi ko. "Sorry, ate Agnes. I failed this mission.." Mahinang sabi ko habang nakatitig kay Kyle Vergara. Unti-unting napalitan ng amusement ang expression niya nang marinig ang sinabi ko. A small grin started to form on his lips, and it was at this moment i knew i f****d up. ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD